Princess Snell doubts if Ervic Vijandre could apologize sincerely for hitting her Aussie boyfriend

IMAGE 0


"Ang tao naman kung may sincere siyang balak na humingi ng sorry sa 'yo, gagawa 'yan ng paraan para magawa niya 'yon. In his case, walang effort na nanggagaling sa kanya. As in dedma siya. Dini-deny nga niya na walang nangyaring gulo, di ba? Kaya okey lang. Wala na rin naman akong pakialam kay Ervic kasi alam ko na ang tunay na pag-uugali niya," says Princess Snell (in photo) about Ervic Vijandre.


Sa isang private resort sa Boracay ise-celebrate ng StarStruck V Avenger at Survivor Philippines Celebrity Showdown castaway na si Princess Snell ang kanyang Christmas.

Kasama ni Princess ang kanyang boyfriend na isang Australian national, ilang mga kaibigan niya, at ang kanyang mother. Ayon sa young actress, hindi magiging kumpleto ang Christmas niya kung hindi niya kasama ang kanyang ina.

"Gusto ko kasi na maiba naman ang Pasko namin ni Mommy. Parati na lang kasi kaming sa Laguna tuwing sasapit ang Pasko. Kaya sa Boracay kami this year," sabi ni Princess nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa GMA Network Center kahapon, December 23.

Dagdag niya, "Okey naman ang mga naging trabaho ko sa taong ito at treat ko na rin ito sa mommy ko. Ayoko rin na mahiwalay kay mommy sa Pasko.

"Inisip ko na malulungkot siya kapag wala ako sa bahay namin sa Laguna. Kaya kailangan na magkasama kami.

"Pero babalik naman ako sa December 27, kasi may taping ako ng Tween Hearts. Tapos may New Year's countdown pa ang GMA-7 kaya dapat present kaming lahat na taga-StarStruck doon."

CONTROVERSIAL. Isa si Princess sa naging kontrobersiyal na baguhan sa taong 2010.

Bukod sa pagiging kontrobersiyal niya sa StarStruck V kunsaan nakaaway niya ang co-Avenger niya na si Rox Montealegre, nasangkot pa siya sa ilang issues. Kasama na rito ang pagkukuwestiyon sa kanyang tunay na edad, ang pagpakakaroon niya ng mamahaling condo na regalo raw ng isang kilalang politician, at pag-quit niya ng maaga sa Survivor Philippines dahil sa gutom.

"Oo nga pala, ang dami kong pinagdaanan na issues!" natatawang sabi ni Princess.

"Pero kilala n'yo naman ako, sinasagot ko naman lahat 'yan. Ayoko rin kasi na lumabas akong echosera or sinungaling.

"Kung may issue, sinasagot ko talaga, tulad sa edad ko, ang tungkol sa condo ko, at ang pag-quit ko sa Survivor Philippines. Wala naman akong hindi sinagot nang maayos, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ERVIC VIJANDRE. Kailan naman ay nabalita na galit na galit siya sa kapwa niya castaway sa Survivor Philippines Celebrity Showdown na si Ervic Vijandre. Ito ay dahil inaway at sinuntok daw ni Ervic ang Australian boyfriend ni Princess sa Republiq sa Resorts World Manila.

Inamin ni Princess na hanggang ngayon ay hindi pa niya nakakausap si Ervic pagkatapos ng nangyaring gulo sa Republiq. Wala rin daw siyang natatanggap na sorry mula kay Ervic.

"Para naman kasing wala siyang balak na mag-sorry talaga sa akin, e, kaya wala akong ini-expect mula sa kanya talaga," sabi ni Princess.

"Ang tao naman kung may sincere siyang balak na humingi ng sorry sa 'yo, gagawa 'yan ng paraan para magawa niya 'yon.

"In his case, walang effort na nanggagaling sa kanya. As in dedma siya. Dini-deny nga niya na walang nangyaring gulo, di ba?

"Kaya okey lang. Wala na rin naman akong pakialam kay Ervic kasi alam ko na ang tunay na pag-uugali niya.

"Hindi ko ii-stress ang sarili ko nang dahil sa kanya. Ayokong masira ang Pasko, di ba?" sabay tawa ni Princess.

May balitang sa Boracay rin magse-celebrate ng Christmas si Ervic. Paano kung aksidente silang magkita sa Boracay at humingi ito ng sorry sa kanya, patatawarin ba niya?

"Well, tao lang naman ako. Kung ang Diyos nga nagpapatawad, di ba?" sagot ni Princess.

"Basta ang sa akin, kapag ramdam ko na sincere at yung hindi niya ako sinu-showbiz, okey at ia-accept ko ang sorry niya.

"Pero knowing him, mukhang hindi mangyayari 'yon. I doubt!" tawa niya.

"Malayong mangyari iyon, sa totoo lang. Pero who knows? Baka nga ngayong Pasko, may mag-iba sa kanya."

PRODUCTIVE YEAR. Naging very productive si Princess sa taong ito. Bukod sa kanyang trabaho bilang model ay naging regular siya sa "Struck Attack" segment ng showbiz talk show na Startalk, nagkaroon siya ng guest roles sa Panday Kids, Jillian: Namamasko Po, at Tween Hearts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa magkakasunod na mga trabaho ay napa-renovate niya ang bahay nila sa San Pedro, Laguna.

"Natuwa naman ako kasi napaayos ko ang bahay namin," pagmamalaki niya.

"Lumang house na kasi 'yon at ipinangako ko na kapag may malaki na akong ipon, ipapa-renovate ko ang bahay namin.

"Natupad naman at mukhang bago na ang house namin. Happy nga si Mommy kasi natupad ko ang promise ko sa kanya.

"Nagpapasalamat din ako na okey ang health ng mommy ko. Hindi na siya nagiging sakitin kaya hindi na ako masyadong worried sa kanya. Gusto ko na lang siyang pasayahin parati."

Wish ni Princess sa 2011 ay mas bumongga pa ang kanyang career. Gusto niyang magkaroon na ng pelikula, kahit na isang indie movie, na maipapakita niya ang talent niya sa pag-arte.

"Okey lang naman sa akin kahit kontrabida, huwag lang ako paghubarin at hindi pa puwede!" sabay tawa niya.

"Kahit na ano basta makakaarte lang ako. Sayang naman ang pag-workshop ko kung hindi ako makagawa ng movie, di ba?

"Kahit na indie movie, okey sa akin. Magaganda ang mga indie movies ngayon at magagaling ang mga director.

"Sana nga makagawa ako ng indie movie na maipapalabas sa mga film festivals abroad," asam niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN