Regine Velasquez is now teaching herself to include Ogie Alcasid in her decision-making

IMAGE 0


"Now that we're going to get married... So, like he said, parang natutuwa ako na pareho naming kinikilala ulit si God. Not that we don't know Him or anything like that, but it's different when you're with someone na pareho kayo... Parang ganoon lang ang nasa isip ko, na pareho kaming we both wanted to know Him," said Regine Velasquez a few days before her wedding with Ogie Alcasid.


Bago ikinasal sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez last Wednesday, December 22, ay nagpaunlak ng exclusive interview ang dalawa kay Butch Francisco para sa Startalk. Ipinalabas ang taped interview sa kanila kahapon, December 25.

Inilarawan nina Regine at Ogie ang pinagdausan ng kanilang kasal, na in-officiate ni Pastor Clem Guillermo, sa Terrazas de Punta Fuego sa Nasugbu, Batangas. (CLICK HERE to read related story.)

"Beach talaga, as in beach, may dagat, may buhangin," nakangiting sabi ni Regine.

Dugtong naman ni Ogie, "There are two venues. The ceremony will be mountain ang backdrop and the reception will be water."

THE WEDDING GOWN. Isa pang kapansin-pansin sa kasal nina Ogie at Regine ay ang pulang wedding gown ng Asia's Songbird. Ipinaliwanag naman ni Regine kung bakit red ang napili niyang kulay para sa kanyang wedding gown na dinisenyo ni Monique Lhuillier.

Aniya, "Like, I didn't wanna wear white. Of course, that was a whole debate. Kasi my mom didn't want me to wear any other color but white.

"Kasi, parang I figured, kasi, di ba, sa mga soaps, sa mga movies, nagsusuot na ako ng trahe de boda na puti? So, parang ayoko nang magsuot noon, parang gusto ko ng iba."

Ayon naman kay Ogie, "You know, regarding her wedding dress, she didn't know that I had actually Monique Lhuillier in mind.

"Years ago kasi... Kasi, I'm very close to the Lhuilliers, 'no, and I already talked to them na, 'Uy, pag kami kinasal, sana naman, makagawa si Monique ng wedding gown for Regine.'

"So, siyempre, si Tita Amparito said, anytime. But I've never met Monique. I got her email address. Ini-email ko. 'Hi, I'm Ogie. I'm your endorser. I'm getting married to Regine. She's the Songbird...' Of course, yung email niya, 'I know who you are.'

"And so, it was more of my surprise to her [Regine]. Sabi ko, 'Hon, I emailed Monique Lhuillier, yung gumagawa ng mga gowns ng mga Hollywood celebrities..' So, I was really excited to tell her that she [Monique] emailed back."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Ogie, handa raw siyang bayaran ang halaga ng wedding gown. Pero sinagot daw ito ng isa sa mga ninang nila sa kasal—si Dra. Vicki Belo.

Dugtong naman ni Regine, "Actually, hindi siya yung ridiculously priced. Kasi, I bought another dress to wear in the reception and it's a beautiful dress, it has mga Swarovski [crystals].

"Sobrang fair ng price niya at nabigyan pa ako ng special discount. Thank you very much to Monique."

Biro naman ni Butch kay Ogie, bakit hindi nito sinabi kay Vicki na sagutin na rin ang suit niya?

"Yun nga, e, kaso, hindi yata gumagawa si Monique ng suit na may Swarovski!" sakay naman ni Ogie.

"But no, si Randy Ortiz, he's always the one who makes my suits, plus sponsor naman ako ni Randy Ortiz."

Alam ng marami na si Regine ang madalas na nagme-makeup sa kanyang sarili at sa pamilya nila tuwing may okasyon. At maging sa kanyang kasal ay si Regine pa rin ang nag-makeup sa kanyang sarili, pero tinulungan siya ni Celeste Tuviera para sa kanyang buhok.

THE WEDDING ORGANIZERS. Nakapanayam din ng Startalk ang mga taong kinuha nina Ogie at Regine para mag-organize ng buong wedding.

Ayon sa events specialist na si Teddy Manuel, "Initially, Regine wants to get married sa ilalim ng cherry blossom tree. But our theme kasi is French-rustic theme. So, ang cherry blossom, medyo hindi siya pasok sa theme. So, we came up with the decision to come up with the nice, a vintage, rustic canopy for them.

"Our flowers are also in pastels pa rin. So from light lilac to lavender to light yellow and lots of green. And then, yung aisle na lalakaran ni Regine, gagamit kami ng mga lamps na nakalagay sa mga poste para medyo rustic ang dating."

Inilarawan naman ng event stylist na si Badang Rueda ang look at design ng reception venue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"This is crafted in array of French-rustic vineyard theme of this wedding, we decided to use parasols. So, the look, it's really a beach wedding and the dominant color are pastel colors—lavander, pink, green."

Nakausap din ng Startalk ang photographer and videographer sa wedding nina Ogie at Regine na si Charisse Tenio of Nice Print Photography.

Aniya, "Gusto nila very relaxed lang, so candid yung mga shots na gagawin namin. Walang masyadong mga naka-pose. Nothing traditional.

"So, gusto naming ipakita yung real side ni Ogie at saka ni Regine na nagtatawanan, nagkukulitan. So, very candid siya, walang formal. Gusto lang talaga naming yung moment, i-capture."

Marami rin ang humanga sa kakaibang wedding invitation ng dalawa.

Ayon sa invitation/print-material specialist na si Ther Galang, "When you open, yung invites nila, gallery of pictures. Pictures lang siya na walang ibang text. And then, when you turn it over sa likod, nandoon na ang formal side. Nandoon na ang invitation wording, yung entourage."

Ang nag-cater naman sa reception ay ang Juan Carlo Catering.

Sabi ni Tita Macatangay del Rosario, "We had so many preparations regarding the manpower, training and grooming of people. We even purchased all the utensils to be used. They are all new—the things that we will be using for Regine and Ogie's wedding."

Dugtong naman ni Alex del Rosario, "We have salmon with lambanog cream sauce. And also, we have a lot of foods. We have the tanigue shooters which is the appetizer... Actually, the presentation, because we would like to impress the people upon welcoming them."

Ang wedding cake naman nina Ogie at Regine ay gawa ni Penk Ching.

In charge sa buong kasal ay ang wedding coordinator na si Rowena Garcia of Events Manila Wedding and Celebration.

Ayon sa kanya, "Regine will have a brand new BMW 740i bridal car. She will leave in the middle of Punta Fuego and go to the peak of Terraza de Punta Fuego for her bridal walk.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And with Ogie, he will be riding his own car. I believe, it's a BMW as well to match the bridal car. "

Dugtong naman ng isa pang wedding planner na si Teena Barretto, "It's a beach wedding, at the same time, it's a concert. And it's not just a simple beach wedding. If you notice, nasa kabilang ibayo and iba kong guests because this is a 550-guests wedding, and for a beach wedding, it's really huge!"

Ang ilan sa naging wedding singers sa kasalang Ogie at Regine ay sina Lea Salonga, Gary Valenciano, Martin Nievera, Kyla, Jay-R, Rachelle Ann Go, at Sarah Geronimo.

LAST DAYS AS BF-GF. Kinumusta rin ni Butch sina Ogie at Regine on their last few days as boyfriend-girlfriend.

Sabi ni Ogie, "We have prepared, not that our goal is to be husband and wife. We're enjoying the bliss of preparing the whole thing. The bliss of vow, having the knowledge of the lifetime of we'll be spending together."

Ayon naman kay Regine, "Everybody knows naman how I started, yung life ko, na ako lang. So, parang this is another...parang ibang journey 'to for me.

"And now that we're going to get married... So, like he said, parang natutuwa ako na pareho naming kinikilala ulit si God. Not that we don't know Him or anything like that, but it's different when you're with someone na pareho kayo... Parang ganoon lang ang nasa isip ko, na pareho kaming we both wanted to know Him."

Hirit ni Ogie, "Para kaming mga 28 years old!"

"Ako 18 lang, ewan ko sa 'yo!" natatawang biro naman ni Regine.

Wala bang sadness o apprehension kay Regine na pagkatapos ng ilang taon na single siya, heto't magiging Mrs. Alcasid na siya?

"For me, ako siguro, kasi nga I'm so used to just thinking of myself, tapos na ako do'n sa family ko. Na alam ko na maayos na sila. I've been thinking of myself lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon, tinuturuan ko ang sarili ko na dapat bawat desisyon ko, bawat iisipin ko, dapat i-include ko na siya [Ogie].

"Kasi, hindi na ako mag-isa, e. Meron na akong partner. So, yun, yung I have to get used to that," sabi ng Asia's Songbird.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN