Mother of Baywalk Bodies member Rejoice Rivera puzzled over daughter's mysterious death

IMAGE 0


Baywalk Bodies member Rejoice Rivera was found dead near the Tabang, Bulacan exit along North Luzon Expressway on December 31, 2010. Her family received a mysterious text message about the sexy star's whereabouts.


Isang araw bago magpalit ng taon, isang miyembro ng all-female group na Baywalk Bodies ang natagpuang patay malapit sa Tabang, Bulacan exit ng North Luzon Expressway (NLEX)—si Rejoice Rivera.

May tama ng baril sa ulo si Rejoice (Diane Marie Santos sa totoong buhay) nang matagpuan siya noong December 31. Nakasuot siya ng gray shirt at maong pants sa pinangyarihan ng krimen.

Pinaghihinalaang pinaslang si Rejoice, 26 years old.

Sa burol ni Rejoice noong January 1, nakapanayam ng The Buzz ang nagdadalamhating ina nito na si Nieves Santos. Ipinalabas ang taped interview sa kanya kahapon, January 2.

Inilahad nito ang saloobin sa kalunos-lunos na sinapit ni Rejoice at ang mga huling araw na nakapiling niya ang anak.

"December 28, nagkita-kita pa kami ni Rejoice. Basta nagkukuwento lang siya sa akin na, 'Mama, merong nag-text sa akin. Gusto raw makipagkita sa akin.'

"Wednesday [December 29], may show sila. Ang nagkukuwento naman nito, si Kissa [Kurdi, Baywalk Bodies member].

"Sabi ni Kissa, may show raw supposedly ni Rejoice, pero no-show raw si Rejoice. Which is unusual para kay Rejoice na ganoon nga, hindi mag-text."

Ayon pa kay Mrs. Santos, nagpa-blotter sila sa Manila hinggil sa pagkawala ni Rejoice. Pero nalaman lang nila ang totoong nangyari sa anak dahil sa isang mysterious text message na natanggap nila.

"Noong December 31, may nag-text sa akin. May binanggit siyang pangalan na bumaril kay Rejoice."

Ang nilalaman daw ng text message ay ito: "Nangyari po ito sa NLEX. Noon pa po itong December 29. Hindi po makaya ng konsensiya ko. Ayaw ko pong madamay rito."

Kuwento pa ni Mrs. Santos, "Tinanong ko siya, 'Nasaan na si Rejoice?'

"Sumagot pa rin siya. Sabi niya, 'Hindi ko pa rin po alam.'"

Bilang ina, hindi raw nito maisip kung bakit sinapit ng kanyang anak ang kalunos-lunos na kamatayan nito.

"Yun nga ang ipinagtataka ko. Alam ko naman na walang kagalit, walang masamang tinapay diyan," sabi ng ina ni Rejoice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Idinipensa rin ni Mrs. Santos ang anak sa usap-usapan na baka may kaugnayan sa trabaho o sexy image ng anak ang naging dahilan ng pagkakapaslang dito.

Aniya, "Alam ko po kasi na yung grupo niya, sing and dance lang. Ang alam ko talaga kay Rejoice, trabaho lang."

Ayon kay Mrs. Santos, wala pa silang konkretong plano para mahuli ang salarin.

Pero may iniwan itong mensahe sa pumatay sa kanyang anak: "Sana makonsensiya ka. Sana matakot ka rin sa Diyos. Sana huwag mangyari ito sa 'yo, ang nangyari sa anak ko. Yun lang. Ipinagdarasal kita."

Nagbigay rin ng mensahe si Mrs. Santos sa pinaslang na anak.

"Rejoice, kung nasaan ka man ngayon, mahal na mahal ka namin. Salamat sa 26 years na ibinigay mo sa amin. Twenty-six years na hindi nasayang. Twenty-six years na ginawa mong buhay na buhay ang pamilya natin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN