Grazilda stars Glaiza de Castro, Geoff Eigenmann, and Daniel Matsunaga answer latest issues

IMAGE 0


(From left) Geoff Eigenmann, Glaiza de Castro, and Daniel Matsunaga were the guests on the "Sweet Fire" segment of Showbiz Central yesterday, January 2.


Sa "Sweet Fire" segment ng Showbiz Central kahapon, January 2, live na nag-guest ang Grazilda stars na sina Glaiza de Castro, Daniel Matsunaga, at Geoff Eigenamnn.

Huling linggo na ng GMA-7 fantaserye this week.

GLAIZA DE CASTRO. Tinanong ng host na si John "Sweet" Lapus si Glaiza kung sino kina Geoff at Daniel ang mas guwapo.

"Ay, puwede bang pareho? Ano ba yun?" natatawang reaksiyon ng young actress.

Diretsong tinanong naman ni Sweet si Glaiza kung boyfriend na ba nito si Felix Roco.

"Hindi," mabilis na sagot ng dalaga.

Magkaibigan lamang daw sila at career ang kanyang inaasikaso sa ngayon.

Dagdag pa ni Glaiza, "Oo, at saka marami akong dapat i-prioritize ngayon dahil sa bago kong bahay, and family muna."

GEOFF EIGENMANN. Ang unang tanong naman ni Sweet kay Geoff ay kung totoong necklace at cell phone ang iniregalo nito sa kasintahang si Carla Abellana noong nakaraang Pasko.

"True," ang mabilis na sagot ni Geoff.

Totoo bang dinala siya ni Carla sa tatay nitong si Rey "PJ" Abellana noong Christmas? (CLICK HERE to read related story.)

"Yeah, totoo yun," pagkumpirma ng young actor.

Nag-usap ba sila ng ama ng kanyang girlfriend tungkol sa mga intriga na kinasangkutan nila?

"Actually, hindi kami nag-usap talaga about yung mga lumabas na intriga. It was more of a welcome, na he was happy na nandun ako at kasama ng family niya during Christmas.

"It was a great night and it was an honor and a pleasure for me to be with the whole family," nakangiting sagot ni Geoff.

DANIEL MATSUNAGA. Natanong naman si Daniel kung si Heart Evangelista na ba ang babaeng pakakasalan niya.

"Oo! Sigurado ako, sigurado ako, at masaya kami," sagot ng Brazilian-Japanese hunk.

During their live guesting ay nasa audience si Heart bilang suporta sa kanyang boyfriend kaya madalas itong i-focus ng kamera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nalungkot ba si Daniel na hindi siya kasali sa bagong show ni Heart sa GMA-7, ang Dwarfina, kung saan si Dennis Trillo ang leading man ng kanyang girlfriend?

"Well, I would love to be a part of Dwarfina. I was expecting to be part of it kasi mahal na mahal ko siya [Heart], di ba?

"[Pero] okay lang, okay lang. Sa susunod, kung puwede," sabi ni Daniel.

FENG SHUI EXPERT. May bisita ring feng shui expert ang Showbiz Central kahapon—si Dr. Andy Tan. Hiningan ito ng mga pahayag tungkol sa mga posibleng maganap kina Glaiza at Geoff ngayong 2011, ayon sa mga bituin at sa kanilang birthday.

Tungkol kay Geoff, na ipinanganak noong March 24, 1985 (Year of the Pig), ay ito ang sinabi ng feng shui expert:

"Continue to be sincere and honest as he can, and very courageous in the kind of a relationship he has now. He is a very down-to-earth person, kaya ingat sa mga pakikipagsalamuha or going into business with people you are not sure of."

Sinabi rin ni Dr. Tan na dapat maging diligent at mag-ingat sa paghawak ng pera si Geoff.

"You're too nice to be true, so they might run away with your money. Relationship-wise, according to what you wish, ipon muna."

Tungkol naman kay Glaiza na ipinanganak noong January 21, 1988:

"Glaiza belongs to the sign of the dragon, one of the most supreme signs and symbolic of good fortune. Last year was good, this year might be better.

"Especially the first half of 2011, you have lots of projects. Maraming papasok, lots of savings, it would help.

"First half is talagang maganda and the latter part, waning. Ibig sabihin, medyo pakonti nang pakonti, pero not totally out.

"But generally for the whole year, year of the dragon, it's a good year."

Maganda rin daw ang 2011 para mag-asawa si Glaiza!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And just in case you're interested, it's a good year to settle down, just in case," sabi ng feng shui expert na ikinagulat naman ng actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN