PEP EXCLUSIVE: Carlo Maceda weds non-showbiz girlfriend in civil ceremony

IMAGE 0


Former actor Carlo Maceda married his non-showbiz girlfriend Derlyn Robrigado last December 10, 2010, at Quezon City Hall. "She has all the qualities that I've been looking for. Kaya siya lang ang una at huling babae na nag-propose ako, at pinakasalan," says Carlo about his wife.


Bagong taon, bagong yugto sa buhay ng actor turned events-and-film producer na si Carlo Maceda. Mula kasi sa pagiging bachelor ay buhay-may asawa na ang kanyang haharapin.

Ikinasal na si Carlo sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Derlyn Robrigado noong December 10, 2010.

Naganap ang civil wedding sa 2nd floor ng Legislative Wing ng Quezon City Hall, sa office ni QC councilor Edcel Lagman. Ang kasal ay na-solemnize ni Rev. Fe Ferido.

Ang petsa na kasal nina Carlo at Derlyn ay siya ring wedding anniversary ng mga lolo't lola ni Carlo.

Ang witnesses ng kasal ay ang business partner ni Carlo na si Lem Francia at ang common friend ng bagong mag-asawa na si Nene Tamayo-Plamio, unang big winner ng Pinoy Big Brother ng ABS-CBN.

Piling-piling mga kaibigan ang sinabihan nila tungkol sa kanilang kasal, tulad nina Nene Tamayo, Christian Vasquez, Jay Manalo, and Chx Alcala.

Naging close si Carlo kela Jay at Christian nang magsama sila sa stage play na All About Men, directed by Joel Lamangan.

CARLO & DERLYN. Matatandaang modelo muna si Carlo Maceda bago nito pinasok ang show business.

Siya ang kauna-unahang male winner ng Mossimo Bikini Summit noong 2002. Ka-batch niya ang runners-up na sina Jordan Herrera at Douglas Robinson.

Eventually, lumabas na sa ilang mga pelikula si Carlo, tulad ng Mano Po 2 (2002), Bugbog Sarado, Sukdulan, www.XXX.com, Pinay Pie (2003), Singles and So Happy Together (2004).

Sa telebisyon nama'y nakalabas siya noon sa Captain Barbell, The Adventures of Pedro Penduko, and Now And Forever ("Mukha" episode), Maid in Heaven, among others.

Noong 2007, nang mag-boom ang indie films sa industriya, pinasok ni Carlo ang pagpo-produce ng pelikula. Kabilang dito ang Nars, na tinampukan nina Jennylyn Mercado, Jodi Sta Maria, Coco Martin, Agot Isidro, at Jon Avila; directed by Adolf Alix Jr.

Sumunod na taon, 2008, ay iprinodyus niya rin ang historical indie film na Sisa, kunsaan lumabas rin siya as actor, along with Jodi Sta. Maria, Christian Vazquez, Jay Manalo, at Aleck Bovick.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mayroon din siyang unreleased indie film at that time, ang Kristo, tungkol sa sabungan.

Aside from the movies, producer na rin ngayon si Carlo ng iba't ibang events tulad ng corporate shows, variety shows sa mga probinsiya at universities, sports activities, and even concerts.

Nagdidirek din siya ng AVPs (audio-visual presentation) and TV commercials.

He's also currently producing a new album ng mga soloista ng mga sumikat na banda noong '90s.

Si Derlyn naman ay second to the eldest among six siblings, mula sa isang simpleng pamilya. Ang ama nitong si Rodolfo Robrigado ay isang retired policeman, at Susan Bethancourt naman ang pangalan ng ina nito.

THE MEETING. Looking back, paano nakilala ni Carlo ang napangasawang si Derlyn?

Kuwento ni Carlo, sa exclusive interview sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal), ilang beses niyang nakita si Derlyn sa parties ni Jodi Sta Maria, na lead actress ng Sisa.

"First time na nakilala ko si Derlyn ay March 2008, where she immediately got my attention. I was stunned talaga sa pretty face at beautiful body niya," simula ni Carlo.

"Hindi ko nakuha ang name niya, but I did not forget her smile. Tapos, yung next party came. Nag-exchange smiles na kami that time.

"I got her name na, it's Derlyn, but not her cell number. Sayang! Umuwi ako na nanghihinayang.

"Then, the third party came, August of 2008 yun. Nakita ko siya in the same house. Nalaman kong she already did AVPs and endorsed a beauty product. So, nagka-idea ako.

"Tinanong ko yung bandmate kong si Adoy, kung puwede bang kunin si Derlyn as the female talent sa music video that they were planning to make para sa song naming 'Diwata sa Lupa.' He said, 'Oo, puwede!"

"And so, naglakas-loob ako to ask her number. And the rest is history!" natatawang pagbabalik-alaala ni Carlo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PROUD OF HIS WIFE. Half-American, half-Filipino si Derlyn na isang businesswoman.

"Ang naka-impress sa akin, I found out from her friends na consistent honor student si Derlyn, and very good in sports—from track and field to badminton to volleyball.

"Sabi ko nga, killer combination dahil beauty, brains, and physically gifted. Winner!" pagmamalaki ni Carlo.

Ayon pa rin sa dating aktor, ang napangasawa niya'y isang scholar, dean's lister, at beauty queen sa kolehiyo.

Double degree holder din si Derlyn. Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Business Administration, major in Computer Science, at ngayo'y isa na ring registered midwife at registered nurse.

"She is really a wonder woman," papuri ni Carlo.

"All along, I thought, e, very sophiscated lady siya. But to my surprise, I have underestimated her.

"Isang umaga yun noon, it was new year of 2009, pumunta ako sa place nila. Tinanong ko siya kung puwede ba niya ako samahang bumili ng barbeque.

"Nag-text siya at i-meet ko raw siya sa palengke. So I did. Sobrang nagulat ako nung makita ko siya sa palengke na nagtsa-chop ng chicken heads sa isa sa mga stalls!

"I was amazed, na ang gandang babae, pero nagtsa-chop ng ulo ng manok sa palengke! People adore her.

"Nalaman kong tumutulong pala siya sa good friend niyang si Ate Neng who owns the stall during special occasions.

"I said to myself, 'Grabe, walang arte itong babae na ito!' Lalo niya akong pinahanga."

COURTSHIP TO WEDDING. Dalawang taon din ang panliligaw ni Carlo kay Derlyn bago niya nakuha naibigay ang matamis niyang "oo." Paano niya madi-describe ang two-year courtship niya?

"Madalas akong mag-stay noon sa Cavite para makita siya nang madalas, dahil doon sila nakatira," sabi ni Carlo.

"Since nagdu-duty siya sa ospital, sinusundo ko siya sa mga hospital duties niya. Na-tour ko na nga ang iba't ibang ospital, e—mula mental, hanggang sa orthopedic, maternity, at iba pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She became my best friend. Nagtayo pa kami ng isang computer shop sa Cavite where she became my business partner."

Dahil punumpuno ng pag-ibig ang kanilang mga puso, namayani ang pagmamahalan sa kanilang dalawa. Hanggang sa dumating na nga ang punto sa buhay nila na sigurado na silang gusto na nilang makasama ang isa't isa bilang mag-asawa.

Kailan siya nag-propose ng kasal?

"I've asked her to marry me last year [2009]," banggit ni Carlo.

"She said yes, pero after her studies.

"Then, I always ask her in passing. Naghintay talaga ako.

"Hanggang sa last December 9, 2010, tinanong niya ako, 'Babe, do you love me?'

"Sumagot ako, 'Yes!' Sabi niya, 'Marry me then.'

At hindi na nga nag-aksaya pa ng panahon sina Carlo at Derlyn. Kinabukasan mismo ay naganap ang biglaan at mabilisang civil wedding nila.

"The very next day [December 10], nagpakasal kami. Baka magbago pa isip niya, e!" malakas nitong tawa.

Sa kasalang naganap, paano naman ito tinanggap ng kani-kanilang mga pamilya?

"Both family sides are happy. Derlyn got along with my family easily," sabi ni Carlo.

"One reason siguro ay dahil they're health professionals. My mother, sister, and a brother are all doctors. One of my brothers is also a nurse.

"So, nakaka-relate sila with each other, aside from mabait si Derlyn and easy to deal with.

"My mom loves Derlyn; tinatawag niya itong 'anak.' Gustung-gusto niya ang ginawa ni Derlyn sa house namin, she turned it into a home—clean, functional, cozy, and organized.

"Pag-uwi nga daw ng mommy ko from the States, she will ask Derlyn to do the interior of her house," banggit pa ni Carlo.

May plano rin ba silang magkaroon ng church wedding soon?

"Nagpaplano kami ng church wedding before the end of this year, 2011, with all our friends and families."

Dagdag pa ni Carlo, ngayong January 2011 ay pupunta silang mag-asawa sa U.S. upang mag-honeymoon, at para bisitahin na rin nila ang ina at mga kapatid na babae ni Carlo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya buntis na si Derlyn kaya mabilisan ang naganap na civil wedding?

"Nope, she is not yet pregnant," sabi ni Carlo.

"We are thrilled with the idea of having a baby soon. We both came from big families kaya gusto naming gumawa ng as much babies as we can!"

DERLYN'S ENDEARING TRAITS. Anu-ano ang mga quality na nagustuhan ni Carlo kay Derlyn upang pakasalan niya ito?

"I admire her fidelity and dedication sa akin," aniya.

"I know she can be trusted. I can be away and still have peace of mind dahil I know Derlyn is waiting patiently, at hindi maghahanap ng iba.

"I know na mahal na mahal niya ako. She is taking good care of me. She makes me laugh all the time. Komedyanteng tao at kalog 'yan.

"Magaling din in handling business. Matapang na babae. Isang fighter... I'm really lucky.

"She is beautiful inside and outside. Hardworking, God-fearing individual.

"Pardon my drivel, pero there's just a lot of things that I love in her.

"She is a good cook, too. Gustung-gusto ko mga niluluto niya.

"Nagtatanim din ng halaman, nagde-design, nagtatahi ng clothes, and she can do upholstery. Kaya nga ang tawag ko sa kanya, my wonder woman.

"Maghahanap pa ba ko ng iba? She has all the qualities that I've been looking for. Kaya siya lang ang una at huling babae na nag-propose ako, at pinakasalan.

"May God bless and guide our union na kami na habang buhay," maromantikong pahayag ng bagong kasal na si Carlo.

CHANGES IN CARLO. A few months back, na-meet na rin personally ng writer na ito si Derlyn nang minsang ipakilala siya sa amin ni Carlo sa pag-aaring resturant ng pamilya nila, ang Gerardo's restaurant sa Panay Avenue, Quezon City.

Sa tsikahan naming yun with Derlyn, naipagmalaki nitong "napag-mellow" niya ang dating medyo "mayabang" na kasintahan pa lang na si Carlo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung si Carlo mismo ang tatanungin ngayon, anu-ano ba ang nagawang pagbabago sa kanya ng misis niya?

"She made a holistic good influence to me," ani Carlo.

"Physically, I stopped smoking dahil sa kanya. Kumakain na ako ng vegetables ngayon na dating hindi o madalang.

"Mentally, I have a reading buddy now, nagbabasa na ako!

"Emotionally, I am more sensitive sa feelings ng ibang tao, na dating parang wala akong pakialam.

"Spiritually, we pray together every night."

DERLYN IN SHOWBIZ. Dahil nasa entertainment industry si Carlo, one time daw ay natanong nito si Derlyn kung type ba nitong umarte sa harap ng kamera.

Kuwento ni Carlo, "Ang sagot niya noon, 'You know my priority, it's academic excellence,' sabay tawa.

"Pero minsan, isang talent manager ang nagsabi sa akin, 'Noon ko pa kinukuha 'yang si Derlyn para mag-artista, pero ayaw, masyadong mahiyain.'

"So, I guess, acting is not really her priority."

Natapos na rin ni Carlo as producer ang principal photography ng bago niyang indie film na Bangkang Papel, directed by Alejandro "Bong" Ramos. Cast nito sina Snooky Serna, Emilio Garcia, Rainier Castillo, at Bela Padilla.

Mukhang mahihikayat na rin pala ni Carlo si Derlyn upang i-try ang pag-aartista sa pamamagitan ng pagsama sa cast ng Bangkang Papel. Naganap ang shooting noong third quarter of 2010.

"Hindi alam ni Derlyn na plano kong maging part siya ng Bangkang Papel. When I got the script, I told her na basahin niya. She finished it the same day.

"Sabi ko, 'Nagustuhan mo ba?' Sagot niya, 'Yes, nakakaiyak naman. That's the reality of life. Ang ganda ng message ng film.'

"Sabi ko, 'Will you play Diana?' Sa akin kasi, I want to expose her sa mga ginagawa ko sa movies so that she won't be alienated with our business.

"Sagot niya, 'Huh?! Kaya ko ba? I mean, it's my privilege to be part of a movie especially if it's yours, pero wala akong formal training in acting. So, kakayanin ko kayang gawin?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, 'Kaya mo.' Sagot naman niya, 'Okay, tell me what to do, kakayanin ko. Pagdasal natin. Anything for you, babe.' Yun sagot niya sa akin."

Sa shooting experience na yun na "subok" lang on the part of Derlyn at upang malaman nga nito ang "mundo" ng husband na filmmaking, ipinagmamalaki ni Carlo ang asawa.

"I'm proud of her, of course, 'coz she is my wife, pero dapat mo siyang panoorin. She is a natural. The camera loves her. She did good, more than I expected.

"Nag-enjoy siya working with the director, Alejandro Ramos at lahat ng nasa set. After that, nagpasalamat siya sa akin for letting her experience the world of acting."

FIRST CHRISTMAS TOGETHER. Kumusta naman ang unang Pasko na pinagsamahan nila bilang bagong mag-asawa?

"We spent the holidays at home in Quezon City, with my in-laws from Cavite.

"Definitely, naging merry ang Christmas at happy ang new year, dahil first holidays naming magkasama as husband and wife.

"I can't ask for more dahil ang saya-saya ng pasok ng New Year for us," sabi ni Carlo.

ALECK BOVICK. It would be remembered na sa pag-stay ni Carlo sa showbiz, na-link siya romantically sa dating sexy star na si Aleck Bovick, kunsaan nagkaroon sila ng isang anak.

Kumusta naman ang pakikitungo nina Carlo at Aleck sa isa't isa?

"Aleck is okay," sabi ni Carlo.

"We do communicate for the benefit of the kid, si Leonne. Nag-uusap kami tungkol sa bata.

"Yung tungkol sa marriage ko, I don't know if nalaman niya agad at that time, pero I guess narinig na niya somewhere."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN