Jewel Mische begins new chapter of her career on ABS-CBN

IMAGE 0


"Magmula sa mga unang araw ko at hanggang sa mga oras na ito, wala akong ibang naramdaman kung hindi pagtanggap, pag-aalaga, pagrespeto sa bawat taong nakilala ko. Hindi ko pa po nakikilala lahat, pero sa mga taong nakilala ko, nakasalamuha ko na, they made me feel so good. At sobrang palagay ang loob ko na sobrang magiging maayos ang lahat," says Jewel Mische about her stay in ABS-CBN so far.


Pormal nang ipinakilala si Jewel Mische bilang Kapamilya sa live interview sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz kahapon, January 2.

Pero bago ang interview ay nagpalabas muna ng VTR tungkol sa Ultimate Sweetheart ng StarStruck IV.

Ipinakilala siya bilang si Jewel Fatima Avejade Mische. Ipinanganak siya sa Manila, pero lumaki sa Bulacan kasama ang kanyang Filipina mother, German father, at tatlong kapatid.

Bata pa lang ay kinakitaan na ng potential si Jewel na mag-artista dahil sa ganda nito at sa talento sa music. Pero hindi raw na-imagine ni Jewel na papasukin niya ang showbiz dahil ang talagang pangarap niya ay maging piloto, na na-pursue pa rin niya kahit pumasok na siya sa showbiz.

Pagkatapos nito ay sinimulan na ni Boy Abunda ang pagtatanong kay Jewel.

LADY PILOT. Nasaan na ang kanyang pangarap na maging piloto?

"Ipinagpapatuloy ko po," sagot ng dating GMA-7 talent.

Nasa puso pa ba ito ni Jewel? Paano niya ito ipinagpapatuloy, lalo na't hindi lahat ng babae ay pangarap na maging piloto?

"Kasi, bata pa lang ako, yun na ang alam kong gusto kong gawin. And you know na it's for you kapag hindi nawawala yung fire."

Bakit hindi beauty queen, doctor, abogabo, or artista? Saan nanggaling yung dream niya to be a pilot?

"It's a calling, I would say," sabi ni Jewel.

"Kasi, bata pa lang ako, alam ko na kung ano ang gusto kong gawin. Gusto kong maging musician at gusto kong maging piloto."

Ang pagiging musician, understandable dahil nasa paligid lang ang music. Pero sa pagiging piloto, meron ba siyang kakilala, kapamilya, o napanood na nagpa-interes sa kanya rito?

"Opo, merong istorya 'yan," sabi niya.

"Kasi, taga-Bulacan ako. Lumaki ako sa Bulacan, na malapit po sa lugar namin, meron pong Plaridel Airport.

"It was the busiest airport in the Philippines kasi halos lahat ng estuudyante, do'n nag-aaral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, bata pa lang ako, whenever I hear it, I will run out, check out kung anong eroplano yung dumadaan.

"So, bata pa lang ako, naramdaman ko na. I wanna be up there. I wanna do that."

MAALAALA MO KAYA. May konek naman sa pinagbidahang episode ni Jewel sa Maalaala Mo Kaya (MMK), na ipinalabas noong January 1, ang sumunod na tanong ni Boy: It's 2011, may posibilidad kaya na ma-in love siya sa isang bakla?

Sa istorya kasi ay na-in love si Jewel sa kaibigan niyang bakla, na ginampanan ni Baron Geisler.

"Hindi ko po alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap," simula niya.

"Pero yung episode na yun ay malaking bagay para mapag-isipan ko yung tungkol sa pag-ibig, at nag-e-exist talaga yung mga ganyang klase ng pag-ibig.

"At puwedeng mangyari sa kahit kanino."

How was it working with Baron Geisler?

"Ang husay! Ang husay-husay ni Baron. Very intense!" bulalas ni Jewel.

"At kung napanood n'yo po episode kagabi, hindi ko ma-imagine kung sinong artista ang gaganap sa role na yun. He was very effective and he was really good.

"At naging maganda ang bawat eksena kasi tinutulungan niya ako. And he was such a gentleman."

Does she feel privileged na ang kauna-unahang episode ng MMK this year ay siya ang bida?

"Opo, napakasarap ng pakiramdam," sambit ng 20-year-old actress.

THE BIG MOVE. Kasunod nito ay inusisa na ni Boy si Jewel tungkol sa paglipat niya mula sa GMA-7 papuntang ABS-CBN. Bakit niya napagdesisyunang lumipat?

"Nagdesisyon ako na magsimula ng panibago sa aking career," sagot niya.

"Ang paglipat ko po rito ay hindi nangyari nang overnight lang. Nagbuhos ako ng mga oras.

"Pinag-isipan kong mabuti kung ano ang dapat na hakbang na gagawin. Nagdaan ako sa proseso ng pananalangin at gusto ko talagang magsimula.

"At kung minsan, kapag gusto mong magsimula, kailangan bago lahat. Bagong kapaligiran, bagong mga tao. Bagong kapamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"If you want to start fresh and anew, you need a new environment. And ginawa ko lang po ang sa tingin ko, talagang makakabuti at tama sa aking career."

Dagdag ni Jewel. "At gusto ko pong sabihin na nagpapasalamat ako ng marami kay Atty. Annette Gozon and kay Atty. [Felipe] Gozon for allowing me, for giving me that freedom to choose what's best for me.

"Napakabuti po nila... I want to say that whatever big that's in store for me here, they are a part of it. Kasi, I wouldn't be here kung hindi po nila ako inunawa."

Si Atty. Felipe Gozon and president at CEO ng GMA-7, samantalang si Atty. Annette Gozon-Abrogar naman ang presidente ng GMA Films.

Ayon kay Boy, saying goodbye is not easy. Sinasabi ba ni Jewel na naging maayos ang kanyang pagpapaalam sa Kapuso network?

"Napakaayos," sagot ng young actress.

"It was a long process. Hindi madaling proseso.

"But I just feel great na walang oposisyon sa kahit kanino, and especially from Atty. Gozon."

Naghanap ba ng sign si Jewel na kailangan niya ng fresh start?

"Opo," sabi niya.

"In fact, nagsimula po ako sa panalangin. God has His way of talking to each one of us. Kung paano magpapatuloy sa lahat ng area ng iyong buhay."

LIFE AS A KAPAMILYA. Kumusta naman si Jewel sa ABS-CBN, so far?

"Palagi ko pong sinasabi na tuwing meron akong interview, na nagagalak at nag-uumapaw ang kasiyahan sa puso ko.

"Sa totoo lang po, every day, I come up with expression of joy and gratitude.

"Magmula sa mga unang araw ko at hanggang sa mga oras na ito, wala akong ibang naramdaman kung hindi pagtanggap, pag-aalaga, pagrespeto sa bawat taong nakilala ko.

"Hindi ko pa po nakikilala lahat, pero sa mga taong nakilala ko, nakasalamuha ko na, they made me feel so good. At sobrang palagay ang loob ko na sobrang magiging maayos ang lahat," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa unang regular project ni Jewel bilang isang Kapamilya, she will be paired with Gerald Anderson. What was on her mind nang malaman niya na itatambal siya kay Gerald?

"Wow!" bulalas niya.

Bakit niya nasabing "wow"?

"Gerald is Gerald," sagot ni Jewel.

"Ang gusto ko lang po, mag-umpisa sa career ko. Hindi ko naman po inaakala na mag-uumpisa ako with such a big bang. And it's a gift."

Pero kaakibat ng malaking "bang" na ito ay malaking kontrobersiya rin. Nagkaroon na ba ng chance si Jewel na makausap ang Kimeralds, ang fans nina Gerald at Kim Chiu, who can be very possessive of the tandem?

"Well, I was able to reach out by giving a message through interview. Sinabi ko po na, sana, maintindihan nila. Kasi po, nagtatrabaho lamang ako.

"Unawain na lang po nila at intindihin na parang nagsisimula pa lang po ako and it's 2011 now, tulong na lang po nila sa akin.

"At napakabuti po at napakabait nila Gerald and Kim, and I'm sure mana sa kanila ang mga fans."

Dugtong pa niya, "Nagtatrabaho lang po ako. Hindi naman po ako ang naglagay sa sarili ko sa posisyong ito."

Aside from Gerald, sino pa sa mga leading men ng ABS-CBN ang gustong makasama ni Jewel?

"Marami po," sambit niya.

"You know, most of the leading men here in ABS are well-known, if not award-winners. So, kung sinuman yung makakatrabaho ko sa kanila, it would be a trophy.

"It would be very challenging working with John Lloyd Cruz, na alam ng lahat na magaling.

"It would be really interesting working with Piolo Pascual, dahil wala na siyang kailangang patunayan pagdating sa kanyang acting capabilities.

"And I can name more... I don't wanna miss everyone. But there's Coco Martin, na hindi umuurong sa kahit na anong hamon ng mga roles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"There's Derek Ramsay, who is not just a pretty face but he can act. At marami pa pong iba."

Sa mga girls, sino naman ang mga gusto niyang makasama?

"Naku, kung marami akong masasabi sa men's department, lalo naman sa women's department. Iba-ibang generation.

"I would like to work with Judy Ann Santos na napakagaling. We have Bea Alonzo.

"We have Kim Chiu, na sa aking paningin, the hottest chinita in the land.

"Angelica Panganiban. Shaina Magdayao, Toni Gonzaga..."

JEWEL'S MESSAGE. Hiningan din ni Boy ng mensahe si Jewel para sa mga nais niyang pasalamatan.

"Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat, you know who you are. But I'd like to mention Mr. M [Johnny Manahan], Tita Mariole [Alberto], for being here with me even from the very start."

Si Jewel ay nasa pangangalaga na ngayon ng talent arm ng ABS-CBN, ang Star Magic, na pinamumunuan nina Mr. M at Ms. Mariole.

Pinasalamatan din ni Jewel ang ilang top executives ng Kapamilya network.

"Tito Deo Endrinal, na every time you would see me, you would hold my hand, I will feel so loved. Ms. Linggit Tan, to Ms. Cory Vidanes, and even to Ms. Charo Santos who gave me inspirational message when we saw each other."

Dagdag niya, "Sa mga supporters ko na alam kong nandiyan at nag-aabang.

"This is a new beginning for me, a new journey.

"Marami pa po akong dapat na matutunan. Marami po akong dapat na maipakita.

"Every day, gusto kong maging mabuting tao, maging mabuting artista, maging committed.

"Whatever is good, whatever is pleasing, whatever that is admirable, whatever that will reach that kind of satisfaction, I wanna give it to you."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN