Leyte Representative Lucy Torres-Gomez receives P15M tourism grant

IMAGE 0


Leyte Representative Lucy Torres-Gomez says tourism is one of her priorities for constituents in Ormoc, Leyte.


Naaprubahan na ng Philippine Tourism Authority ang application ni Leyte Representative Lucy Torres-Gomez para sa isang grant na gagamitin upang i-develop ang ilang tourism sites sa nasasakupan niya sa Ormoc, Leyte.

Ayon sa report ng Eastern Visayas Mail, isang diyaryo sa Ormoc, P15 million umano ang halaga ng grant na nakuha ng TV host turned politician.

Ang tourism sites na gustong ayusin ni Congresswoman Lucy ay ang Lake Danao, Palompon, at Tres Marias islets.

Ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) ng Department of Tourism mismo ang nag-apruba ng tourism plans.

Maaga pa lang sa term ni Congresswoman Lucy ay bumisita na umano ang TIEZA sa Ormoc para tingnan ang mga pasilidad na maaaring i-develop dito.

Para sa Lake Danao, magkakaroon daw ng isang floating pavillion na may dalawang guest rooms.

Sa kaliwang bahagi nito ay magtatayo ng isang floating jetty para sa mga bangka at mga balsa, at pasilidad para sa wakeboarding. Sa kanang bahagi naman ay magkakaroon ng landing pad para sa dalawang zipline.

Para sa Palompon, magkakaroon naman ng isang tourism wharf complex na ilalagay sa likod ng municipal building.

Sa ground floor nito matatagpuan ang tourism office, at sa ikalawang palapag ay magkakaroon ng ilang mga kuwarto. Sa rooftop naman ay magkakaroon ng isang open-air lounge at restaurant-bar.

Para naman sa Tres Marias Marine Sanctuary, maglalagay ng isang matibay na boardwalk. Sa gitna naman ng dagat ay maglalagay ng isang weather cottage.

Ayon sa Eastern Visayas Mail, eco-tourism umano ang approach sa magagawang developments.

Sa Lake Danao, halimbawa, ipagbabawal ang paggamit ng mga motorized equipment para maprotektahan ang delicate ecosystem na matatagpuan dito. Bawal ding gumamit ng nakalalasong langis.

Kasama ang turismo sa mga prayoridad ni Congresswoman Lucy, dahil ito raw ay isa sa mga paraan para mabigyan ng trabaho ang mga mamamayan ng Ormoc.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN