Heart Evangelista learns to value simple things because of boyfriend Daniel Matsunaga

IMAGE 0


"Kasi dati, kapag may boyfriend ako, palaging high-profile, palaging may Louis Vuitton. Eto, it's always what I want—simple things. Siyempre minsan, mukha akong plastic kung sasabihin ko... But honestly, it's not really about the money that will make you happy," says Heart Evangelista about one of the things she learned in her relationship with Daniel Matsunaga.


Makikita naman sa aura ni Heart Evangelista kung gaano siya kasaya at kuntento sa buhay niya ngayon.

Obviously, isa sa malaking factor nito ang pagkakaroon ng masayamg love life with boyfriend Daniel Matsunaga.

Nadadala nga ni Heart ang kasiyahan na yun hanggang sa kanyang trabaho. Kaya inspirado siya ngayon sa bago niyang fantaserye sa GMA-7, ang Dwarfina, na magsisimula nang mapanood sa Lunes, January 10.

"I'm very happy! I'm overwhelmed with everything," saad ni Heart nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa grand launch ng Dwarfina kagabi, January 4, sa Studio 7 ng GMA Network Studios.

Dagdag niya, "New Year na New Year, napaka-blessed ko. Ang daming kaguluhan, a few days ago, last year, but God is good.

"Maganda naman ang aking opening ng year, so masaya. Masaya!"

Yung kaguluhan na sinasabi niya, masasabi ba niyang tapos na ito?

"Sana, sana... Pero it's ano pa rin, it's okay, I understand. Okay lang naman."

HEART'S MANAGER. Hindi man direktang binanggit ni Heart kung ano ang mga tinutukoy niyang "kaguluhan," hindi maikakaila na isa rito ang alitan nila ng kanyang manager na si Annabelle Rama.

Matatandaang nagbitaw ng masasakit na salita si Annabelle laban kay Heart nang malaman nito na hindi na magre-renew ng kontrata sa kanya ang young actress. (CLICK HERE to read related story.)

Affected pa rin ba siya rito?

"Of course," sagot ni Heart.

"I know Tita Annabelle. Kapag kaaway mo siya, she can be really, really bad.

"But when she loves you, she really loves you naman. And she really did love me, and I know that.

"Nasaktan siya. Wala lang talaga akong magawa sa sitwasyon.

"Even if she says a lot of things, I just wanna shut up because I get it. I understand."

RECONCILIATION. Hindi ba nagkaroon ng reconciliation sa pagitan nila noong nakaraang Christmas at New Year?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mainit pa kasi ang mga bagay-bagay dahil sa mga demandahan. Pero wala naman. Hindi naman kami kumo-comment ng masama.

"Naiintindihan din namin siya. That's how she is when she gets mad.

"Yun na lang sana ang ma-appreciate nila na hindi kami lumalaban," saad ng Kapuso star.

Hindi ba niya naisip na sa kanya na lang manggaling ang effort para magkausap sila?

"Well, alam ko na ayaw nila sa akin ngayon... Hindi ko na lang siguro pipilitin. I just want it to cool down."

Ang bagong primetime series niyang Dwarfina ay hindi na raw dumadaan ang negotiation kay Annabelle.

"Actually, dati pa, kahit yung mga projects, hindi naman necessarily dumaraan sa kanya.

"Because at the end of the day, mommy ko pa rin ang nag-aayos ng mga contract. Mommy ko yung nag-a-approve.

"Basta we just let her know and, of course, yung percentage niya, yun ang ano namin."

Dahil manager niya pa rin si Annabelle, may commission pa rin siyang ibinibigay rito?

"Of course, of course. Every little things, we make sure we send, for sure," sabi ni Heart.

Yung friendship niya sa mga anak ni Annabelle na sina Richard at Raymond Gutierrez, how is it now?

"It's inevitable. Siyempre, mommy nila yun. Sino ba naman ako compared sa mommy nila?

"I understand, I understand... Kung ayaw man nila sa akin, naiintindihan ko naman din, di ba?

"Ganoon naman talaga. That's the way of the world."

DWARFINA. Sa bagong fantaserye na pinagbibidahan ni Heart ay gumaganap siya bilang isang duwende. Mahirap bang gumanap bilang duwende?

"Medyo mahirap kapag chroma. Malaki ang movement kasi tumatalon-talon. Medyo exercise siya.

"Pero other than that, it's refreshing. Kumpara sa mga drama soaps, ganyan, eto, draining. Para kang naglalaro.

"Para kang nagwo-workshop kasi you use your imagination. Kasi nga, wala kang kausap. So, okay naman."

Ang chroma ay isang klase ng teknolohiya na ginagamitan ng special effects.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman ang balik-tambalan nila ni Dennis Trillo?

"Si Dennis kasi, hindi ko pa siya nakakatrabaho. Sa real world siya, hindi pa ako lumalaki. So, chroma lang talaga ang kasama ko."

SIMPLE THINGS. Kinumusta rin ng PEP kay Heart ang naging celebration niya ng kanyang Christmas at New Year.

"Masaya! Very, very happy," sambit niya.

"Christmas, kasama ko ang family ko. Noong [December] 25, kasama ko ang family ni Papa!" natatawang sabi niya bilang pagtukoy kay Daniel.

"Noong January 1, kasama ko naman ang family ko. So, masaya naman, bising-busy."

Ano ang iniregalo sa kanya ni Daniel last Christmas?

"The most simplest thing, pero the most thoughtful thing, ang aming goal, which is a letter to each other.

"And then, pinagluto niya ako ng masarap na masarap na Brazilian food. At binilhan niya ako ng sapatos at saka dress para sa susuutin ko for Christmas. Yun ang suot ko."

Ano naman ang gift niya kay Daniel?

"Binilhan ko siya ng sapatos. Kasi nag-Macau kami, may nakita akong magandang store do'n na tama lang naman ang presyo niya.

"Binilhan ko siya ng sapatos. And this time around, matipid ang aking gift kaya good!" natatawa niyang sabi.

May mga changes na binanggit si Heart sa kanya now that she's with Daniel. Anu-ano ang mga yun?

"Well, kasi dati, kapag may boyfriend ako, palaging high-profile, palaging may Louis Vuitton. Eto, it's always what I want—simple things.

"Siyempre minsan, mukha akong plastic kung sasabihin ko... But honestly, it's not really about the money that will make you happy.

"Isaksak mo sa baga nila yung Louis Vuitton na yun. Pero kung terrible ang nangyayari sa inyo, it's just really the simple thing that makes me happy now.

"Sana naman tuluy-tuloy. That's why I pray very, very hard every day."

Ayon kay Heart, yung expensive gifts daw na natanggap niya sa mga naging ex-boyfriend niya ay hindi na niya ginagamit ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I boxed them. I keep it in the storage," sabi niya.

"Kung may halaga siya, ang ginagawa ko, ibinebenta ko siya at ibinibigay ko sa orphanage. Para may kapuntahan naman, di ba?

"Alangan namang suutin ko, pagkatapos kapag nakita, shucks, suot ko yung nakita!"

Malaking tulong ba ang pagkakaroon ng love life sa kanyang career at kaligayahan ngayon?

"At this point, nakakatulong naman siya," sagot ni Heart.

"Palagi namang nakakatulong ang love life. Minsan, hindi siya nakakatulong.

"Pero at this point, nakakatulong naman siya and that's a good thing."

Six months na raw ang relationship nila ni Daniel.

"Okay naman, smooth sailing naman siya," aniya pa.

Nagkakaroon ba sila ng mga away ni Daniel?

"Hindi, hindi," nakangiti niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN