Celebrity and beauty doctor Joel Mendez found guilty of tax evasion

IMAGE 0


Celebrity and beauty doctor Joel Mendez's clients include stars like Pauleen Luna and Melanie Marquez.



Napatunayang guilty sa kasong tax evasion ang beauty doctor na si Joel Mendez. Ang desisyon ay mula sa second division ng Court of Tax Appeal.



Ayon sa report ng TV Patrol ng ABS-CBN kagabi, Enero 5, dalawang beses umanong hindi nakapagbayad ng buwis si Mendez.

Umaabot ito sa P1.5 million para sa taxable period na 2002-2003, at P2.1 million para sa 2003-20o4.



Hinatulan ng korte si Mendez na magbayad ng P20,000 penalty, at dalawa hanggang apat na taong pagkakakulong.



Si Mendez ang founder ng Mendez Medical Group. Ilan sa mga naging celebrity endorsers nito ay sina Pauleen Luna at Melanie Marquez.



Tumangging magbigay ng pahayag si Mendez tungkol sa hatol ng korte.

Pero maaari siyang magpasa ng apela sa Court of Tax Appeal sa loob ng 15 araw para mabaligtad ang desisyon nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN