Jestoni Alarcon remains active in showbiz despite emergence of new breed of stars

IMAGE 0


"I enjoy being busy again in showbiz dahil ito naman ang mundo na una nating minahal bago ang politics. Ngayon, bumabalik lang tayo sa unang minahal natin," says Jestoni Alarcon.


Kahit hindi pinalad na manalo si Jestoni Alarcon bilang congressman ng 2nd district ng Antipolo, Rizal, noong May 2010 elections, hindi ito naging dahilan para itigil ang kanyang pagtulong sa tinakbuhang distrito.

Ayon sa aktor, hindi matatapos sa kanyang pagkatalo ang kanyang ipinangakong tulong sa mga kababayan niya sa Rizal. May mga proyekto pa rin daw siyang itinutuloy sa tulong ng ilang mga kasamahan niya.

"Hindi porke't natalo ka, hanggang doon na lang 'yon," sabi ni Jestoni.

"Siyempre, may mga binitawan kang mga pangako sa mga tao doon. Ako naman, win or lose, nandiyan pa rin tayo para tumulong at ipatupad ang mga nasabi ko.

"Hindi naman tayo tulad ng iba diyan na hindi lang pinalad na magkaroon ng posisyon, titigil na sa pagtulong.

"Kung sincere ang iyong hangad na tumulong, you don't really have to be in government or have a position in government in order to help."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jestoni sa presscon ng Dwarfina sa Studio 7 ng GMA Network Studios noong Martes, January 4.

Nagsilbi bilang councilor noong 2001 at vice governor noong 2004 ng Rizal si Jestoni kaya marami na siyang naging experience pagdating sa pagtulong sa maraming tao.

Aniya, "Kung experience din lang, marami na tayong nagawa. And siguro nga, hindi para sa atin ang maging congressman.

"Baka sa susunod na election, hindi pa natin alam kung ano ang mangyayari. I can say na naging maayos naman ang pagsilbi ko sa mga taga-Rizal and makakaasa pa rin sila sa mga maibibigay kong tulong sa kanila."

FOCUSING ON SHOWBIZ CAREER. Ngayon ay ang showbiz career naman niya ang haharapin ni Jestoni at ipagpapaliban niya muna ang politics.

Nitong Metro Manila Film Festival (MMFF) nga ay nakasama siya sa dalawang pelikula—Ang Tanging Ina Mo (Last Na 'To!) at Super Inday and the Golden Bibe.

Sa TV naman ay kasama siya sa cast ng bagong telefantasya ng GMA-7 na Dwarfina, kunsaan gumaganap siya bilang Ditu Calixto, ang butihing hari ng mga duwende.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagkasunud-sunod ang mga projects ko and natutuwa naman ako at nagiging busy ulit tayo kahit na nasa ganitong edad na tayo," nakangiting sabi ni Jestoni.

"I'd like to thank GMA-7 kasi parati naman akong may project sa kanila basta available ako. Ginawa ko before sa kanila yung Twin Hearts, Sugo, Marimar, Darna, at Stairway To Heaven. Nagkaroon din ako ng guest role sa Beauty Queen.

"I enjoy being busy again in showbiz dahil ito naman ang mundo na una nating minahal bago ang politics. Ngayon, bumabalik lang tayo sa unang minahal natin."

NEW BREED OF STARS. Natutuwa si Jestoni dahil nakakatrabaho pa niya ang mga bagong artista ngayon. Napapansin daw niya na mas busy ang mga artista ngayon kesa sa kanila noong araw.

"Kami kasi noon, puro lang kami movies, e. Bihira kaming may TV show. Meron kaming That's Entertainment noon, tapos guestings na lang sa GMA Supershow kapag may promo, sa mga talk shows. Wala pang soap dramas noon na kasing laki ng ginagawa ngayon.

"Ako, galing din ako sa isang soap drama noon bago ako nag-branch out sa movies. Pero iba ang soap dramas ngayon. Kung noon sa studio lang kami, ngayon may mga special effects na.

"Malaki na talaga ang pinagbago kaya mas tutok ang mga tao ngayon sa TV kasi parang pelikula na ang mga napapanood nilang series.

"Kaya yung mga artista ngayon, mas pagod sila. Kasi bukod sa series, kailangan sumayaw at kumanta sila. Kunsaan-saan din sila pumupunta.

"Gano'n din naman kami noon, pero hindi tulad ngayon na lahat gagawin mo, or else, mapag-iiwanan ka ng kasabayan mo."

Ang maganda nga raw ay marami nang alam ang mga bagong artista ngayon. Handa na sila dahil sa iba't ibang workshops na ginagawa nila.

"Ngayon kasi, bago ka isalang, kailangan marunong ka nang umarte, sumayaw at kumanta. Kami kasi noon, basta may hitsura ka, matangkad, may porma, puwede ka nang artista. 'Tsaka na lang malalaman kung marunong ka bang umarte, sumayaw o kumanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maganda rin na maraming bagong artista. 'Yan ang buhay ng showbiz, e. Nakakataba lang ng puso kasi kaming mga datihan na ay nabibigyan pa ng pagkakataon na makatrabaho sila."

TOP LEADING MAN. Isa si Jestoni sa maituturing na top leading men noong '80s at '90s.

Nagsimula siya sa youth-oriented show na That's Entertainment ni German "Kuya Germs" Moreno. Naging top actor si Jestoni nang maging contract star siya ng Seiko Films ni Robbie Tan.

Bagamat nagsimula siya sa paggawa ng comedy films tulad ng Ako Si Kiko, Ako Si Kikay; Leroy, Leroy Sinta; Black Magic; Rock-A-Bye Baby: Tatlo Ang Daddy; Di Bale Na Lang; at Mirror, Mirror On The Wall, ginawa siyang bida sa mga big-budgeted action films tulad ng Lihim Ng Golden Buddha; Babayaran Mo Ng Dugo;Kunin Mo Ang Ulo Ni Ismael; at Kristobal.

Nasubukan din ni Jestoni na gumawa ng drama films at maidirek ng mga dekalibreng direktor tulad nina Laurice Guillen (Ang Bukas Ay Akin at Magkano ang Iyong Dangal?), Lino Brocka (Ama, Bakit Mo Ako Pinabayaan?), Peque Gallaga and Lore Reyes (Hiwaga Sa Balete Drive), at Mario O'Hara (Johnny Tiñoso and the Proud Beauty).

Bukod sa GMA-7, marami ring ginawang drama series sa ABS-CBN si Jestoni tulad ng Pangako Sa 'Yo, Bituin, Crazy For You, Komiks, and Pieta.

Ikinatutuwa rin ni Jestoni na hindi lang siya ang aktibo ngayon sa TV kundi pati ang mga kasabayan niya sa That's Entertainment na naging Seiko Jewels din.

"Nakakatuwa nga kasi kaming mga magkakasabay sa That's at sa Seiko ay buhay na buhay pa rin," ngiti ng aktor.

"Tulad ni Gretchen [Barretto] na kontrobersyal pa rin. Si Sheryl [Cruz] na mahusay nang kontrabida.

"Sila Romnick [Sarmenta] at Jennifer [Sevilla] naman, paminsan-minsan napapanood ko.

"Si Billy Joe [Crawford] naman naging international star at nandito naman siya sa bansa natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, si Cesar [Montano], nandiyan pa rin siya at aktibo pa rin.

"It's nice to see na aktibo pa kaming lahat after all these years."

NINETEEN YEARS. Sa personal na buhay naman ni Jestoni, 19 years na siyang kasal sa kanyang asawang si Lizette kung saan may tatlo siyang anak.

Ang dalawang girls niya ay sa Miriam College nag-aaral, samantalang yung lalaki ay sa Ateneo de Manila University.

Inamin ni Jestoni na dumaan din sila ng wife niya sa matinding intriga na muntik nilang ikahiwalay noon. Pero mabilis daw na naayos ito at walang hiwalayang naganap.

"Matagal na 'yon, di ba?" pag-alala ni Jestoni.

"Mga first few years ng marriage ko 'yon. Medyo nagkaroon ng problema, pero naging maayos naman agad.

"Kapag ang dalawang tao ay nagmamahalan nang tunay, walang imposible. Magkakaayos kaagad at ang ending, masaya ulit kayo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN