Manny Pacquiao tops Ring's best fighters of 2010 list

IMAGE 0


Two Pinoy fighters placed high in The Ring Magazine's list of best fighters for 2010. Manny Pacquiao placed first, while Nonito "The Filipino Flash" Donaire (inset) placed fifth.


Nanguna ang Pinoy boxing champion na si Manny Pacquiao sa talaan ng The Ring Magazine ng "100 best fighters in the world" para sa 2010. Inilabas ang listahan noong Enero 4, 2011.

Pang-apat na beses na ni Manny na makarating sa unang puwesto sa listahang ito. Number one din si Manny noong 2006, 2008, at 2009.

Ang The Ring Magazine ang nangungunang babasahin para sa boksing sa Estados Unidos.

Isa sa mga basehan ng magazine para sa pagpili nito kay Manny ay ang pagtalo nito sa Mexican-American fighter na si Antonio Margarito noong Nobyembre.

Saad ng magazine, "As most of us expected, Pacquiao made mincemeat out of Antonio Margarito, who not so long ago everyone was calling the most feared fighter in the world.

"It wasn't Pacquiao's most impressive achievement of the past year; the bludgeoning of Miguel Cotto (KO 12) in November of 2009 gets the nod there, and getting points too is the shutout he pitched against the highly competent if reluctant Joshua Clottey (W 12).

"Along with everyone else we would have preferred the year ended with a superfight against the next guy on this list, but you can't have everything. As it is, Pacquiao comes awfully close."

Ang "next guy" na tinutukoy dito ay si Floyd Mayweather Jr. Para sa mga boxing analyst, maaaring maging "fight of the century" ang hindi matuloy-tuloy na laban sa pagitan nina Manny at Floyd Jr.

Ilan sa mga dahilan ng hindi pagkakasundo ng dalawang boksingero ay ang akusasyon ni Floyd Jr. na gumagamit ng performance-enhancing drugs si Manny, at ang mga racist remarks nito laban sa Pinoy boxer na naka-post sa YouTube.

Samantala, nasa pang-17 naman sa listahan si Shane Mosley, na nakatakdang labanan ni Manny ngayong taon.

Nasa panlimang puwesto naman ang isa pang Pinoy fighter, si Nonito Donaire, na tumalo sa tatlong boksingero ngayong 2010: Wladimir Sidorenko ng Ukraine, at sina Manuel Vargas at Hernan Marquez ng Mexico.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito ang top 25 best fighters of 2010 ng The Ring Magazine:

1. Manny Pacquiao
2. Floyd Mayweather
3. Sergio Martinez
4. Juan Manuel Marquez
5. Nonito Donaire
6. Pongsaklek Wonjongkam
7. Fernando Montiel
8. Wladimir Klitschko
9. Timothy Bradley
10. Juan Manuel Lopez
11. Miguel Cotto
12. Vitali Klitschko
13. Hozumi Hasegawa
14. Jean Pascal
15. Bernard Hopkins
16. Paul Williams
17. Shane Mosley
18. Lucian Bute
19. Chris John
20. Chad Dawson
21. Andre Berto
22. Andre Ward
23. Yuriorkis Gamboa
24. Rafael Marquez
25. Giovani Segura


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN