Alfred Vargas loses dad at the start of the new year

IMAGE 0


The father of actor Alfred Vargas (in photo), Alfredo Reyes Vargas, Jr., passed away last January 4 due to cardiac arrest. "He's not only a father, but a mentor, he's my teacher in life, my coach and my barkada," says Alfred about his father.


Malungkot ang pagsalubong ng actor-politician na si Alfred Vargas sa taong 2011. Pumanaw ang kanyang ama na si Alfredo Reyes Vargas, Jr. noong Enero 4.

Kuwento ni Alfred sa taped interview sa kanya ng Startalk na ipinalabas kahapon, January 8, "Actually kasi, nagsimula sa ano... Kasi diabetic siya, mga stage three diabetes na.

"Pagkatapos, nagkaroon siya ng liver complications, kidney complications. Tapos, pati yung lungs niya naano ng pneumonia, hanggang sa naging severe pneumonia.

"Pagkatapos, hindi na nakayanan ng heart niya, nag-cardiac arrest siya."

Bagamat nagdadalamhati sa pagkawala ng kanyang ama, tanggap naman daw ni Alfred ang pangyayari.

"Mabigat, pero siyempre ganun talaga ang buhay, di ba?" sabi niya.

"So I'm just very lucky na kasama ko ang mga kapatid ko sa lahat ng mga pangyayari. Kasi, talagang ang strength ko is yung mga kapatid ko, na sama-sama kami palagi, and we know that we are together.

"And, of course, yung mom ko na nagpapalakas sa amin."

Tungkol naman sa kanyang yumaong ama, sabi ni Alfred, "He's not only a father, but a mentor, he's my teacher in life, my coach, and my barkada."

Nakapanayam din ng Startalk ang isa sa mga kapatid ng aktor na si Vanessa Vargas-Unlay.

Ayon sa kanya, "Si Alfie was the one... We call him Alfie, e, he's our... third in the family siya sa eldest.

"Siya yung nagbantay sa daddy namin sa gabi. Talagang he really left everything and nagpupuyat siya. Siya yung nag-alaga kay Daddy.

"Siya ang night duty, graveyard shift siya. And to think, di ba, marami siyang ginagawa?"

Bukod sa pag-aartista ay nanunungkulan din bilang konsehal ng second district ng Quezon City si Alfred.

Nabalita rin ang planong pagpapakasal ni Alfred at ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Yasmine Espiritu na nasa bansa ngayon. Isang mahalagang okasyon na hindi na masasaksihan ng kanyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Alfred, "Umuwi na po siya [Yasmine] from Italy para yun nga... Dapat kasi ako yung pupunta sa Italy for Christmas. Pero yun nga, kinailangan kong alagaan si Dad to make sure he's okay habang nasa hospital siya.

"Pero I'm sure he's watching over us and I know he's very happy right now with the Lord."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN