Richard Gomez filed for amnesty in his tax evasion case; this has already been approved and granted

IMAGE 0


"Alam n'yo, lahat ng mga problema, may solusyon 'yan. We just have to solve it a day at a time. We just have to stay focused this 2011. Kailangan masaya tayong lahat," says Richard Gomez.


Naging laman ng balita nitong mga nakaraang araw ang aktor na si Richard Gomez dahil sa kinasasangutan nitong tax evasion case.

Humingi kasi ng tulong ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) para gawing prayoridad ang ilang kaso ng tax evasion na matagal nang hindi nareresolba ng korte. Kasama na rito ang kaso ni Richard.

Kinasuhan ng BIR at DOJ ng tax evasion si Richard noong October 2007. Ayon sa dalawang ahensiya, hindi umano nakapagbayad ng tamang buwis ang aktor mula 2000 hanggang 2003.

Sa presscon ni Richard at ng asawa niyang si Lucy Torres Gomez para sa Men's Health at Women's Health magazines last Friday, January 7, ay nakuhanan ng maikling pahayag si Goma tungkol sa tax evasion case niya.

"With the tax evasion case, we filed for amnesty, which is granted and approved already. So, nasa DOJ na, sila na ang bahala do'n na tumingin," sabi niya.

Pero sa kabila ng kinahaharap na suliranin ay nananatiling positibo ang pananaw niya sa buhay.

"Alam n'yo, lahat ng mga problema, may solusyon 'yan. We just have to solve it a day at a time.

"We just have to stay focused this 2011. Kailangan masaya tayong lahat."

FORTE. On April 29, 2011, ipagdiriwang nina Richard at Lucy ang kanilang 13thwedding anniversary. Isang patunay na maaaring magtagal ang pagsasama kahit na parehong nasa show business ang mag-asawa.

Pagdating sa kanilang tahanan, sinabi ni Lucy na wala silang kanya-kanyang toka. Dinadaan daw nila sa "pakiramdaman" ang mga gawain sa bahay.

Ayon naman kay Richard, pareho silang may tinatawag na "forte."

"Lucy is good in handling money, managing people," sabi niya.

"Maybe I'm good in the kitchen. Maybe I'm good in telling people what to do, how to do stuff.

"Kung saan ka comfortable, yun ang gawin mo."

Bagamat pinasok na rin ni Lucy ang pulitika bilang representante ng Leyte, isiniwalat ni Richard kung ano pa ang isang pangarap ng kanyang misis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lucy wants to do the entertainment section of the news. Parang si Pia Guanio, parang ganoon!" natatawa niyang sabi.

Pagdating naman sa kanyang showbiz career, plano raw ni Goma na gumawa ng movie basta may magandang material.

When asked about pursuing his career as a director—like Albert Martinez did in Rosario—sinabi niyang wala pa siyang sapat na panahon para rito.

"I've done directing before on TV commercials. But a full-length film, I don't think na kakayanin ng schedule ko yun for now," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN