Freddie Webb considers release of son Hubert as a milestone

IMAGE 0


"You know, 2010 is a milestone in my life. It came at the end of the year. I never expected this," says Freddie Webb about the release of his son Hubert Webb.


Isang masayang pagsalubong sa Bagong Taon para sa dating senador na si Freddie Webb ang paglaya ng kanyang anak na si Hubert.

Mahigit labinlimang taon din ang hinintay ng pamilya Webb para muling makasama sa bahay si Hubert, na naging prime suspect sa pagpaslang ng tatlong miyembro ng pamilya Vizcondeā€”ang magkapatid na Carmela at Jennifer, at ina nilang si Estrellita.

Noong December 14, 2010, binaligtad ng Korte Suprema ang naunang hatol ng dalawang mababang korte at pinalaya si Hubert, kasama pa ang anim na naakusahan, dahil sa "failure of the prosecution to rule their guilt beyond reasonable doubt." (CLICK HERE to read related article.)

"You know, 2010 is a milestone in my life. It came at the end of the year," nakangiting sabi ni Freddie sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at TV5 News sa isang panayam pagkatapos ng story conference ng Babaeng Hampaslupa noong Biyernes, Enero 7, sa Max's restaurant sa Scout Tuazon, Quezon City.

Dagdag pa ng aktor at dating senador, "I never expected this. No really, not even in my wildest dream, that he'll be able to spend Christmas with us. I never expected it.

"What is really for you, you don't grab, but you run towards it and accept it like that."

Kinumusta rin ng PEP kay Freddie si Hubert at ang mga ginawa nito matapos ma-acquit sa kaso.

"He's okay. We just came from a vacation outside Manila. We had fun. This is the first time he has ever gone out of Manila, e," sabi ni Freddie.

Isang malaking adjustment pa raw ang pinagdaraanan ng kanyang anak sa ngayon.

"We're talking of 15 years and four months. Now, he's trying to get himself get used to our society, to our kind of life.

"Prior to that, he was looking at the four walls, just talking to the same people.

"You know, not much improvement except the Bible. My son has read a lot about the Bible. I find him very knowledgeable when it comes to the Bible, which is very good."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila nito, ayon kay Freddie, nag-e-enjoy naman ngayon si Hubert kasama ang kanilang pamilya.

"But in any language, we got to break him slowly also, di ba? Para it's not too fast, not too soon for him. So, 'yong timplada, tamang-tama lang.

"You know, he knows what his responsibilities are, he knows the load that he carries.

"We're behind him, of course, his family, his friends. It just got to be a continuous dialogue with him at the same time."

CHANGES IN THEIR FAMILY. Bukod sa muling pagkakabuo ng kanilang pamilya, may ilan ding pagbabagong napansin si Freddie kay Hubert.

"Mayakap siya," sabi ng aktor. "Even before he sleeps, he goes to our room and embrace me saying good night and all those stuff.

"I've never... I don't know anything for 15 years. Ngayon, nandiyan siya, all of a sudden there's somebody who embraces me and say how much he loves me."

Naninibago rin ang buong pamilya lalo na kung araw ng Linggo. Ito kasi ang araw ng kanilang dalaw kay Hubert noong nasa piitan pa siya.

"Sometimes we make a mistake, when the Sunday arrives, we forget that he's already home.

"So, one time we said, 'Halika na, punta na tayo.' 'Saan tayo pupunta, e, nandito na.'

"Everytime we pass by South Super Highway, the exit is Susana Heights, every time we see that... Finally we get rid of that."

Nitong nakaraang Pasko, dumalaw si Hubert sa Muntinlupa bilang pagtupad sa kanyang naipangako sa mga dating kasamahan sa kulungan.

Kuwento ni Freddie, "He went there during Christmas. He visited his friends kasi nangako siya, e. They were very happy kasi nag-promise siya, e.

"The only thing that I always tell him is, 'Huwag kang magbibigay ng salita kung hindi mo kayang gawin. If you change something, you have to do it no matter what happens.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami pa raw mga pagbabago sa kanilang buhay ang nangyari simula nang ma-convict si Hubert sa kasong panggagahasa at pagpatay hanggang sa siya'y makalaya.

Dahil dito, pinag-iisipan ng dating senador na sumulat ng libro tungkol dito.

"It's something that is worth putting...na kailangang isusulat mo. I'm also looking at the possibility of writing a book. Gagawa ako ng libro para sa kanya. We're looking at somebody who's interested in a book," saad niya.

RETURN TO TELEVISION. Bukod sa paglaya ng kanyang anak, isa pang maituturing na blessing para kay Freddie ang muli niyang pagbabalik sa telebisyon. Ito ay sa pamamagitan ng bagong drama series ng TV5, ang Babaeng Hampaslupa.

"It's a spillover of the graces that we received," sabi ng dating Chicks to Chicks actor.

Dagdag pa niya, "Everyone comes up with a lucky star, 'no, and I caught mine. I'm very fortunate just to be able to be part of this drama series.

"As I've said, I will try to give justice to the role. I hope to be able to do my share the way the show requires."

Ano naman ang inaasahan niya sa unang proyekto niya sa TV5?

"Well, this is a new challenge din, 'no? But the thing is, when you get the chance to be able to be paired with Susan Roces, you do not think twice, you grab the opportunity.

"So, when it was mentioned to me na ito ang magiging sitwasyon, kasama si Ms. Susan Roces and some of the cast were mentioned to me, I'm very interested."

Gagampanan ni Freddie ang karakter ni George Wong sa Babaeng Hampaslupa, na nakatakdang magsimula sa Pebrero.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN