Ogie Diaz clarifies rumor that he and talent Vice Ganda are parting ways

IMAGE 0


"'Saka walang permanente sa mundo. Lahat, may hangganan. Kahit nga ang ikinasal pa sa harap ng altar, naghihiwalay, e. So, hindi kami isolated case. Pero sa ngayon nga, busy pa ang baklang Vice. Hindi kami titigil hangga't hindi siya nagiging mayor. Ha-ha-ha!" jokes Ogie Diaz in a series of lengthy text messages in response to the blind item and rumor that he and his talent Vice Ganda are parting ways.


Noong Linggo, nagkaroon ng blind item sa TV5 showbiz talk show na Paparazzi na sa opinyon ng ilang nakapanood ay tumutukoy sa stand-up comic turned TV and movie personality na si Vice Ganda at sa manager nitong si Ogie Diaz.

Ayon sa blind item, maraming nakakapuna na isang sumisikat na komedyante raw ang tila lumalaki na ang ulo at may plano nang humiwalay sa manager nitong isang sikat na komedyante rin.

Kahit hindi pinangalanan, nagbigay naman ng clue ang isa sa hosts ng show na si Cristy Fermin. Ani Cristy, "Hindi ka kagandahan... at huwag kang umasta na parang mayor. Vice ka lang!"

Usap-usapan tuloy na baka nga si Vice Ganda ang binabanggit sa blind item dahil sa mga ibinigay na clue ni Cristy.

Agad na kinontak ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ogie para iparating sa kanya ang nabanggit na blind item at mabigyang-linaw ang tsismis na maghihiwalay na raw sila ng landas ng mainstay judge ng talent show na Showtime ng ABS-CBN.

Tinext ng PEP si Ogie at sa text din nagpadala ng mga paglilinaw ang reporter turned comedian-TV and radio host.

Kinumpleto ng PEP ang "text speak" para sa mas malinaw na pag-intindi ng mga mambabasa:

"Ay, baka hindi kami yong tinutukoy. Kasi, hindi naman kami maghihiwalay. Heto nga't may recording na mamaya si Vice ng album niya sa Viva Records, tapos start na ng shoot ng next movie niya sa January 29 na co-prod ng Star Cinema at Viva. Tapos, may May 21 major concert siya uli sa Araneta [Coliseum]. Tapos may Globe TVC [TV commercial] pa siyang gagawin sa February.

"May series of shows pa siya sa abroad ng June, July at November. Kaya busy pa kami para maghiwalay. So hindi kami yon," mahaba munang sagot ni Ogie.

Tentatively titled Mulan daw ang next movie ni Vice na ididirek ni Wenn Deramas, na siya ring nagdirek ng launching movie niyang Petrang Kabayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Ogie, baka may ibang tinutukoy sa blind item.

"Dyahe naman kung aakuin ko, di ba?" sabi pa ni Ogie.

"Pero kung kami talaga ang tinutukoy, e, 'yan pang blind item na 'yan ang magpapatibay sa aming relasyon."

Aminado naman si Ogie na may "away-bati" na relasyon sila ng kanyang alaga, na aniya'y "healthy" at inihalintulad pa niya sa relasyong mag-asawa at magkaibigan.

Nagkakaintindihan naman daw sila "at the end of the day" at nagkakaroon ng isang desisyon.

Sinagot din ni Ogie ang puna ng iba na lumaki na nga ang ulo ni Vice.

"Sa iba siguro, lumaki na kasi baka naninibago sila, dahil nga biglang sikat. Normal na lumutang ang isyung 'yan sa mga taong umaangat. Mas nakakahiya siguro kung ikakabit ang isyung paglaki ng ulo sa isang starlet, di ba? Bottomline: Vice can't please everybody."

Nagbigay rin ng kanyang pang-unawa si Ogie tungkol sa blind item na galing sa Paparazzi.

"Naiintindihan ko sina Ruffa [Gutierrez], DJ Mo, lalo na si Ate Cristy. Pare-pareho lang naman kaming host at entertainer. Isyu lang, blind item lang. Walang personalan. 'Yan din ang mainam pag reporter ka rin [bago ako naging manager], naiintindihan ko ang trabaho nila."

Pero sa usaping paghihiwalay, bukas naman si Ogie sa posibilidad puwede ngang mangyari sa kanila ito ni Vice, pero hindi pa sa ngayon.

"'Saka walang permanente sa mundo. Lahat, may hangganan. Kahit nga ang ikinasal pa sa harap ng altar, naghihiwalay, e. So, hindi kami isolated case. Pero sa ngayon nga, busy pa ang baklang Vice. Hindi kami titigil hangga't hindi siya nagiging mayor. Ha-ha-ha!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN