Director Wenn Deramas raises storm over negative tweet about him and Ang Tanging Ina Mo

IMAGE 0


Nasaktan umano si Direk Wenn Deramas sa Twitter post ni Alfonso Martinez (inset) laban sa pagiging Best Picture ng pelikula niyang Ang Tanging Ina Mo (Last Na 'To) sa nakaraang Metro Manila Film Festival Awards Night.


Pinatulan ni direktor Wenn Deramas, 38, ang isang tweet na nang-insulto umano sa kanya at sa pelikula niyang Ang Tanging Ina Mo (Last Na 'To!) mula sa Star Cinema.

Ang nasabing tweet ay nai-post ni Alfonso Martinez, 23, sa kanyang Twitter account noong December 27—isang araw pagkatapos ganapin ang Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

Matapos umani ng kontrobersiya ang nasabing tweet ay tinanggal na ito ni Alfonso sa Twitter account niya.

Si Alfonso ang anak ni Albert Martinez, direktor ng Rosario, ang entry ng Cinemabuhay Productions sa MMFF 2010. Nagkamit ang Rosario ng Grade A mula sa Cinema Evaluation Board.

Ang tweet ni Alfonso ay isa lamang sa mga reaksiyon ng madla sa resulta ng naganap na MMFF Gabi ng Parangal noong December 26. Sa nasabing awards night ay nanalo bilang Best Picture ang Ang Tanging Ina Mo at nanalong Best Director si Wenn Deramas.

Samantala, nanalo namang Second Best Picture ang Rosario, pero hindi na-nominate sa Best Director category si Albert Martinez.

Kinabukasan, nag-post si Alfonso ng kanyang tweet bilang reaksiyon sa resulta ng Gabi ng Parangal. Ito ang nilalaman ng buong tweet, na nakuha ng PEP mula sa ilang mga tabloid:

"I am sorry, but how the fcuk can a shallow, stupid and over milked movie win best director? Apparently to the magical MMFF grading system, the pinacle of Philippine cinema is a brainless, rehashed, slapstick movie that would be the laughing stock of any filmfest outside the Philippines, OH WAIT! I guess the movie is successful afterall!" - @fonzmartinez

DIREK WENN'S REACTION. Matapos ang ilang linggo ay nagbigay na ng sarili niyang patutsada si Direk Wenn tungkol sa tweet ni Alfonso.

Sunud-sunod ang posts ni Direk Wenn sa kanyang Facebook account tungkol kay Alfonso noong January 10.

Noong 1:25 a.m. ay nag-post siya ng isang Facebook Note na may titulong "Sino ang mas Estupido?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito niya ni-repost ang sinabi ni Alfonso.

Saad ng Note, "Bakit sa Tweeter lang isinisigaw, lubos lubusin na natin ang sinabi ni Alfonzo Martinez sa akin at sa Pelikulang Tanging Ina Mo, Last na To! 'I am sorry, but how the fuck can a shallow, stupid and over milked movie win best director? Apparently to the magical MMFF grading system, the pinacle of Philippine cinema is a brainless, rehashed, slapstick movie that would be the laughing stock of any filmfest outside the Phil! OH WAIT! I guess the movie is successful after all'"

Matapos ang tatlong minuto, naglagay naman si Direk Wenn ng post sa kanyang Facebook Wall:

"Pagkatapos kong mabasa kanina ung tweet ng anak ni albert martinez, sinabi ko sa sarili ko na Pag aaralin ko ng husay ang mga anak ko sa paaralang Itinuturo ang PAGTANGGAP NG MALUWAG SA DIBDIB KAPAG NATATALO!!!"

Sinundan niya ito ng isa pang post na naka-type in all caps: "IPAGPATAWAD NINYO FRIENDS NA HINDI KO MASUNOD ANG PAYONG DEADMAHIN, HWAG PATULAN, Kasi hindi naman kayo ang NILAIT ANG TRABAHO...TRABAHONG PINAGPUPUYATAN, PINAG IISIPAN, MARAMING UMAASANG TAO SA AKIN KAYA NAPAKA IMPORTANTE NG TRABAHONG ITO SAKIN!!! WALANG KARAPATAN ANG SINUMAN NA LAITIN ITO LALO PA'T WALA KANG ALAM!!!"

STARS' REACTIONS. Marami sa mga kaibigan ni Direk Wenn sa Facebook ang nagbigay na ng kanilang comment sa posts ng direktor. Isa na rito si Ai-Ai delas Alas, na bida sa Ang Tanging Ina Mo (Last Na 'To!).

Komento ni Ai-Ai, na nag-post sa pangalang Martina de las Alas: "AKO KAIBIGAN KO SI LIZEL AT PAG NAKITA KO SILA AT SI ALBERT SASABIHAN KO>>>>TURUAN NYO ANG ANAK NYO NG MABUTING ASAL...WALA SYANG ALAM SA INDUSTRIYANG NANAY AT TATAY NYA KAYA WALA SYANG KARAPATANG MAGSALITA NG FUCKING AT STUPID>>AT HINDI SY...A BATA KAYA PWEDENG PATULAN (HEHEHEH) KASI ANG MGA ANAK KO PAG NATATALO AKO OR MAY MASAKIT NA NANGYAYARE SA AKIN ANG DIALOG NILA (MAMA WAG KA NA MA SAD MARAMI NAMAN TAYONG BLESSINGS)..GANUN LUMAKI ANG ANG MGA ANAK KO....MAY BREEDING >>PERO AKO WALA PAG NAGAGALIT AKO AT INAAPI ANG MGA KA ALYANSA KO KAIBIGAN AT KASAMAHAN SA TRABAHO>> MAMAYA ULIT"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin sa mga nagbigay ng komento ay sina Eugene Domingo, Ogie Diaz, at Nikki Valdez.

Positibo ang tono ng opinyon ni Eugene, na Inday Jones ang pangalan sa Facebook. Si Eugene ay gumanap na best friend ni Ai-Ai sa pelikula.

Saad ni Eugene, "i am sorry. so sorry about this. this is so sad. :-p for crying out loud , it's the middle of january , let's all MOVE ON. and again, CONGRATULATIONS DIREK WENN ! , thank you for entertaining millions of filipinos again and again! more success to you ! i love you and i thank you always ! :-D NEXT MOVIE NA O ! :-D"

Positibo rin ang tono ng showbiz commentarist Ogie Diaz. Aniya, "opinyon 'yon ni alfonso. hayaan na natin. hindi ko lang alam kung hinahayaan din ni alfonso ang mga opinyon naman sa "rosario." aasahan ko naman ang depensa nya sa "rosario." Sana, wag siyang mapagod... and by the way, i'm sure, pinagalitan na 'yan ng parents niya. at kung ako kay alfonso, sumama-sama siya sa tatay niya para mas maintindihan niya kumbakit nagpupursige ang tatay niyang magtrabaho."

Saad naman ni Nikki, na kasama rin sa cast ng pelikula: "Ayan nabasa ko na direk... Sana wag nang magbitaw ng mga ganyang salita, napanood man niya o hindi. Lahat naman tayo ibinibigay ang lahat lahat sa trabaho naten. Ganyan talaga ang buhay, may winners may losers... We love you direk!!!! You deserve that award kase totoo ka kaya totoo ang pelikula naten. Kaya lumabas ang pagiging pamilya naten sa buong pelikula. O, kadadaan ko lang dito sa Robinson's Place Metro East-- movie nalang naten ang the only filipino film na palabas! Yun na!"

Patuloy na babantayan ng PEP ang mga susunod pang mangyayari sa isyung ito.

Bukas din kami sa paglalabas ng panig ng sinuman sa mga taong kasangkot sa isyung ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN