Asian Women in Film coffee table book honors Doña Sisang and Mother Lily

IMAGE 0


Regal Films matriarch Lily Monteverde, along with LVN Pictures founder Narcisa de Leon, made it to the list cited in the book titled Asian Women in Film

.


Kabilang sina Regal Films matriarch Lily Monteverde at LVN Pictures founder Narcisa B. de Leon sa pahina ng Asian Women in Film—isang coffee table book na inilimbag ng Singapore-based entertainment company na Cathay Organization Holdings Limited.

Nagdiwang ang nasabing kumpanya ng kanilang 75th anniversary noong nakaraang taon. Kabilang ang libro sa ilang proyekto na kanilang inilatag para sa espesyal na okasyon.

Ilan lamang sa mga pangalan na kabilang din sa listahan ay sina Malaysian director Yasmin Ahmad, Indian actress Aishwarya Ray, Japanese director Kinuyo Tanaka, Indonesian producer Mira Lesmana, Chinese actress Gong Li, at Japanese costume designer Emi Wada.

Pinahalagahan ng libro ang malaking kontribusyon nina Mother Lily at Doña Sisang (kilalang palayaw ni Mrs. de Leon) sa pagpapalaganap ng industriya ng pelikula, hindi lamang sa Pilipinas, kundi maging sa buong Asya.

THE QUEEN OF LVN. Hindi na siyempre bago sa ating mga Pilipino ang naging makulay na buhay ng dalawang well-loved movie producers.

Taong 1938 nang itayo ni Doña Sisang ang LVN Pictures sa edad na 61 years old. Giliw Ko ang pamagat ng pelikulang unang pinondohan ng nabanggit na film production outfit at nasundan ito ng madami pang proyekto na siyang nagpakilala din sa marami nating magagaling na artista.

Ilan lamang sa maraming pelikula na ginawa ng LVN Pictures ay: Ikaw ay Akin (1947), Magkaibang Lahi (1947), Kambal na Ligaya (1948), Engkantada (1948), Tanikalang Papel (1948), Sierra Madre (1948), Mutya ng Pasig (1950), Prinsipe Amante (1950), Anak ng Pulubi (1951), Sa Paanan ng Nazareno (1952), Dalaguinding (1953), Waray Waray (1954), Galawgaw (1954), Nina Bonita (1955), Walang Sugat (1957), Ang Langit Ko'y Ikaw (1958), Kung Ako'y Mahal Mo (1960), at marami pang iba.

Pumanaw si Doña Sisang noong February 6, 1966 sa edad na 88 taon.

Ang mga apo ni Doña Sisang ang nakipag-usap at humarap sa manunulat na si Victor Valbuena, na siya namang inatasan ng Cathay Organization Holdings Limited na magsulat ng profile ng dalawang movie producers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BELOVED MATRIARCH. Itinuturing naman ni Lily Monteverde na huwaran at idolo si Doña Sisang.

Kagaya ng namayapang LVN head, malaki ang naitulong ni Mother Lily sa industriya ng pelikung Pilipino mula noon at hanggang ngayon.

"I have always been a movie fan," pagmamalaki niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa isang interview noong 2008. (CLICK HERE to read related article.)

Bagamat nagmula sa mayamang pamilya ay kinailangan ni Mother Lily na magtrabaho para sa sarili matapos na tanggalan siya ng mana dahil mas pinili niya na magpakasal sa isang basketball player mula sa San Beda College.

Sa pagsisikap ay naitatag niya ang Regal Films at mula sa unang pelikula na kanyang ginawa noong 1974 (Kayod sa Umaga, Kayod sa Gabi) ay patuloy ang paglikha ni Mother Lily ng mga proyekto.

Ilan lamang sa mga pelikulang inilunsad ng Regal Films ay ang mga sumusunod:

Underage (1980), City After Dark (1980), Summer Holiday (1982), Relasyon (1982), Broken Marriage (1983), Daddy's Little Darlings (1984), Sister Stella L (1984), Mga Kuwento ni Lola Basyang (1985), Scorpio Nights (1985), Isang Araw Wala ang Diyos (1989), Pido Dida: Sabay Tayo (1990), Iisa Pa Lamang (1992), Batang X (1995), Bayarang Puso (1997), Live Show (2000), Bahay ni Lola (2001), Zsa Zsa Zaturnnah Ze Moveeh (2006), Tiyanaks (2007), Desperadas (2008), Mamarazzi (2010), White House (2010), at Super Inday and the Golden Bibe (2010).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN