Liezl Martinez apologizes to Wenn Deramas for son's outburst on Twitter

IMAGE 0


Liezl Martinez apologizes to director Wenn Deramas for her son's oubirst and wishes him a happy new year.


Humingi na ng paumanhin si Liezl Martinez kay Direk Wenn Deramas dahil sa negatibong reaksyon ng kanyang anak na si Alfonso laban sa direktor at sa pelikulang Ang Tanging Ina Mo (Last Na ‘To).

Si Liezl ang asawa ni Albert Martinez, na siyang nagdirek ng pelikulang Rosario.

Kaninang tanghali, January 11, lamang nai-post ni Liezl ang kanyang pahayag sa Facebook Wall ng direktor.

Ayon kay Liezl, sana maintindihan ni Direk Wenn na ang nasabi ni Alfonso ay isa lamang "emotional outburst of a son who had a temporary lapse of judgement."

Noong December 27 nag-post si Alfonso sa Twitter ng reaksyon niya laban sa pagkakapanalo ng Ang Tanging Ina Mo (Last Na ‘To!) ng Best Picture sa nakaraang Metro Manila Film Festival. Reaksiyon din ito sa pagkakapanalo ni Wenn ng Best Director award.

Hindi makapaniwala si Alfonso na nanalo ng award ang nasabing pelikula at ang direktor nito.

Saad pa niya, ang pelikula ay "brainless, rehashed, slapstick movie that would be the laughing stock of any filmfest outside the Philippines."

Sa kanyang Twitter account (@fonzmartinez) ay ipinakita rin ni Alfonso ang suporta sa Rosario, ang MMFF entry na idinirek ng kanyang ama.

Second Best Picture award lamang ang natanggap ng Rosario, at hindi na-nominate si Albert sa Best Director category.

Noong January 10 naman ay naglabas na ng kanyang saloobin si Direk Wenn sa kanyang Facebook, kung saan sinabi niyang "walang karapatan" ang sinuman na "laitin" ang kanyang trabaho. (CLICK HERE to read related story.)

At ngayon nga, January 11, ay humingi na ng paumanhin si Liezl kay Direk Wenn.

Narito ang buong apology ng aktres na naka-post sa Facebook Wall ng direktor:

"Direk, just saw this in my FB now. Albert & I have already talked to Alfonso about this, he had no right to say those things. We are not making excuses for him because he is already 23yrs old, but sana you can understand kahit konti na this was just an emotional outburst of a son who had a temporary lapse of judgement. This was not personal. Albert works hard to give d kids a good education so they grow up to be good citizens, God fearing & treat everybody w respect. We are truly saddened this all happened but hope we can all start the new year w a little bit of understanding. Albert & I are truly apologizing on his behalf. God bless and Happy New Year!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN