Bugoy Drilon wishes for more work as he turns 21

IMAGE 0


Pinoy Dream Academy alumnus Bugoy Drilon celebrated his 21st birthday at a party organized by his fans club, Bugoyzters, led by Maricon Lim, with his family and friends. His mother, Mrs. Myrna Bogayan (in photo with Bugoy), and five sisters flew in a day before from Camarines Sur to celebrate with Bugoy.


Isang masaya at energetic na Bugoy Drilon ang sumalubong sa mga bisita sa kanyang 21st birthday celebration noong Linggo ng gabi, January 9, sa East Raya Gardens Clubhouse, Pasig City.

Noong January 1, o New Year's day, ang talagang araw ng kapanganakan ni Bugoy.

But through the efforts of the Bugoyzters Fans Club, led by Maricon Lim, nagkaroon ng isang birthday celebration si Bugoy kasama ang kanyang pamilya, mga kaibigan, fans, at ilang miyembro ng press.

Naroon noong gabing iyon ang nanay ni Bugoy na si Mrs. Myrna Bogayan at ang kanyang limang babeng kapatid na sina Mhabel, Emily, Jay, Almira, at Rosalie.

Pangatlo si Bugoy, o Jay Drilon-Bogayan, sa kanilang anim na magkakapatid.

"Ito ang pinaka-first na birthday party ko talaga na marami nag-attend. Kasi yung birthday ko dati... alam mo yung banana na may tinusok na hotdog? Yun na yung [handa namin]," ang sagot ni Bugoy nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang miyembro ng press noong gabing iyon.

Masayang-masaya rin daw siya dahil nakasama niya ang kanyang pamilya na lumipad pa galing ng Camarines Sur.

"Happy ako kasi first time nila na maka-attend ng party na ganito.

"Dapat mag-e-Enchanted Kingdom kami, pero may trabaho po kasi si Mama ko kaya uwi sila bukas, nag-leave lang siya.

"Hindi ko talaga ine-expect na ganito na maraming tao, na may lechon. Actually, matagal na nilang gustong matikman ang lechon, so happy ako.

"Naiwan si Papa kasi walang magbabantay ng bahay," paliwanag ng singer nang hanapin ng press ang kanyang tatay.

Nagtatrabaho si Aling Myrna sa munisipyo sa kanila.

"Para hindi lang ako nagtratrabaho, para kahit po pati siya nakakatulong din sa pamilya namin," ani Bugoy, na siyang tumulong para makapasok ng trabaho ang ina.

Ano ang wish niya sa kanyang kaarawan?

"Siyempre, more work. Happy lang, simple lang. Basta may trabaho ako, masaya na ako," ang mabilis niyang tugon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DEBUTANTE. Ngayong 21 na siya, ang debut age para sa mga lalake, ano ang mga puwede na niyang gawin na hindi siya pinapayagan na gawin dati?

"Yung normal pa rin. Pero kumbaga, more mature lang ako ngayon.

"Kailangan ko maging mature... The way ako magdesisyon sa buhay ko, the way na mga bagay-bagay pinag-iisipan ko, ginagawa ko. Pinag-iisipan ko bilang malaki na ako, 21 na ako," sagot ni Bugoy.

Wala rin naman daw pinagbago ang Bugoy na nagsimula dati sa reality talent search ng ABS-CBN na Pinoy Dream Academy Season 2, kung saan idineklara siyang 2nd Star Dreamer.

"Siguro po masasabi ko na yung Bugoy noon is Bugoy pa din ngayon.

"Kumbaga, gusto ko lang ipakita sa kanila na kahit na isang simple tao po... na gusto kong maging idol nila ako sa pagiging successful paunti-unti, iyong gradually.

"Makikita at maa-appreciate ng tao na, wow, kahit paunti-unti, kaya ko din maabot yung success na 'yon," pahayag ni Bugoy.

Hindi ba siya nababagalan sa takbo ng kanyang career?

Ngumiti si Bugoy at sinabing, "Actually, okay naman po. My third album is coming up, so happy naman po ako.

"Anything na blessing po, bakit pa naman ako magrereklamo kung maraming ibang tao na walang trabaho? Masuwerte na po ako na may trabaho ako. And masuwerte na po ako na nakakatulong ako sa family ko."

Sa usaping love life naman, sinabi ni Bugoy na hindi ito ang kanyang prayoridad sa ngayon.

"Family muna. Kailangan ko muna po mabuo yung bahay at lupa," sabi niya.

BUGOY'S MOM. Nakadaupang-palad at makapanayam din ng PEP ang nanay ni Bugoy na si Mrs. Myrna Bogayan.

Hindi maikubli sa mukha ni Aling Myrna ang saya para sa kanyang anak.

"Hindi ko maintindihan ang sarili ko kasi ngayon lang 'to nangyari sa anak ko, na magkaroon ng selebrasyon ng kanyang birthday. Masayang-masaya talaga ako kasi masaya din yung anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagpapasalamat ako kasi kahit papaano nabigyan ng pagkakataon ang anak na maging artista at maging singer," saad ng ina ni Bugoy.

Ngayong 21 na si Bugoy, ano ang mga bagay-bagay na papayagan na niyang gawin ng kanyang anak?

"Ngayon kasi, kahit na malayo siya sa amin, alam kong marunong naman siyang magdala ng kanyang buhay. Kaya alam niyang payag din ako kahit anong gawin niya. Kasi hindi naman masama yung ginagawa niya, sa kabutihan din," sagot ni Aling Myrna.

Ano naman ang wish niya kay Bugoy sa kanyang kaarawan?

"Ang wish ko sa kanya ay sana ay mabigyan pa siya ng maraming pagkakataon sa kanyang career.

"Sana patuloy na mapabuti yung katayuan niya kasi sa ganoong paraan, natutulungan din niya ang pamilya namin."

EDUCATION. Ngunit bukod sa singing career ni Bugoy, meron pang isang hiling si Aling Myrna para sa kanyang anak.

"Sa ngayon po, abala siya sa kanyang career kaya wala siyang time makapag-aral. Pero kung merong time, gusto ko ipagpatuloy niya yung pag-aaral niya.

"Nasa kanya kung ano gusto niyang kunin. Basta at least makatapos siya ng pag-aaral niya," hiling ni Aling Myrna.

Paliwanag naman ni Bugoy, "Lagi po niyang sinasabi sa akin na kahit konting subjects mag-take ako. So, sabi ko sa kanila, habang nandito pa, kailangan ko muna ng trabaho para rin sa future ko. Kailangan ko mag-ipon.

"Kung wala rin ako trabaho, hindi din ako makakapag-ipon para sa schooling ko. So, kailangan ko pa rin i-prioritize yung work ko.

"Then, after that, pag maluwag-luwag na ako, and then babalik na ako ulit sa pag-aaral ko.

"Kasi alam ko naman na yung studies ko yung pinakamahalaga kahit na saan man ako mapunta. Pag may tinapos ako, may maa-aplayan na trabaho."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN