Sharon Cuneta having trouble introducing ex-husband Gabby Concepcion to her children with Sen. Kiko Pangilinan

IMAGE 0


"Yung kapag may tampo ako sa isang kaibigan, hindi ko na sasabihin!" replies Sharon Cuneta when asked about the things she did in 2010 that she will not do anymore this year.


Ang January siguro ang maituturing na isa sa pinaka-exciting na buwan sa buhay ng Megastar na si Sharon Cuneta.

Sa buwan na ito ipinagdiriwang ni Sharon ang kanyang kaarawan (she turned 45 last January 6). Ang buwan ding ito ang senyales ng bagong taon at pagharap sa panibagong buhay para sa Megastar.

Pero maraming highlights ang naganap sa career ng Megastar noong 2010.

"Oh, my God, marami rin!" sambit ni Sharon sa taped interview sa kanya ng The Buzz noong Linggo, January 9.

At inisa-isa nga niya ang mga ito.

"Star Power, of course, it opened the new chapter of my life. So, I guess, that's the highlight talaga.

"And then, my magazine came up noong January last year. So, one year na kami this month.

"My lifestyle network, Sharon at Home also. It was nakakataba ng puso ang feedback."

Ayon kay Sharon, naging memorable din ang pagse-celebrate nilang magpamilya ng Christmas at New Year.

"We had a complete family picture for the first time in years. Ganoon na rin ng New Year. Three times akong nag-roast ng turkey at goose.

"I enjoyed cooking for certain people, baking, and then seeing happiness when they taste it. I love it! It's just a love of mine," saad niya.

LOSING WEIGHT. Ipinaalala naman ng The Buzz kay Sharon ang binitawan niyang salita noon na gusto niya na sa next concert niya ay payat na siya.

Ngayong gabi, January 11, gaganapin ang birthday concert ng Megastar sa Araneta Coliseum.

"Pumayat naman," sambit ni Sharon.

"You know, ayoko na kasing nagka-crash diet. At may katulong ako na napakatindi ngayon... Ikukuwento ko 'yan sa inyo."

Gaano na kalaki ang nabawas sa kanya?

"Ang laki na!" bulalas niya.

"Pero ang total, sasabihin ko sa inyo kapag tapos na. Kasi ongoing pa, e. You want to lose it healthily and fabulously."

Kasabay sa pagpapayat na ito ni Sharon ay ang bagong reality show na gagawin niya para sa ABS-CBN, ang The Biggest Loser, na magsisimula raw ang taping sa March.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LEAVING 2010 BEHIND. Sharon was also asked kung ano ang mga bagay na ginawa niya noong 2010 na hindi na niya gagawin ngayong 2011.

"Yung kapag may tampo ako sa isang kaibigan, hindi ko na sasabihin!" natatawa niyang sabi.

Obvious namang ang tinutukoy ni Sharon dito ay ang naging tampuhan nila ng kaibigang si Aga Muhlach.

"Hindi ko naman kasi mini-mean, ano," sabi pa niya.

"Of course, I also got mad at myself. Parang, 'Ano ka ba?' It wasn't meant to be taken seriously.

"Ang mali ko, sabi ko nga, kami nagkakaintindihan. Pero yung iba, hindi kami naiintindihan."

LEAVING ABS-CBN? Tinanong din si Sharon kung may plano siyang talikuran ang pagiging Kapamilya, kagaya ng ibang mga artistang naglilipatan ng network.

Aniya, malabo raw itong mangyari.

"Yung pagtrato sa 'yo na Kapamilya ka talaga. I mean, you're very important to them. That means the world to me.

"Kasi, I grew up here. I grew more in ABS-CBN.

"As long as I'm treated like I've been treated in my station, I have no reason to leave," deklara niya.

INTRODUCING GABBY TO HER DAUGHTERS. Sa nababalitang reunion movie nila ng dating asawa na si Gabby Concepcion, may balitang pinoproblema raw ni Sharon kung paano ipapaliwanag sa mga anak nila ni Senator Kiko Pangilinan na sina Frankie at Miel—pati na sa adopted son nilang si Miguel—ang naging kaugnayan niya kay Gabby noon.

"Actually, you know, it's no problem between me and Kiko. I'm just worried. I want to process it very well with Frankie, Miel, and Miguel," sabi ng Megastar.

Nasimulan na ba niyang ipaliwanag ang mga bagay na ito sa kanyang mga anak?

"Yeah. Pero umpisa pa lang, si Frankie, 'Huh?'

"Sabi ko, 'No, no... Kasi before I met Daddy [Kiko], blah, blah, blah... Do you understand?'

"'Sino 'to?'" natatawa niyang kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KC'S STORY. Pagkatapos ng taped interview ni Sharon ay ikinuwento naman ng panganay niyang anak na si KC Concepcion ang personal experience niya with her sister Frankie nang malaman nito na may iba pa siyang sisters.

Ayon kay KC, na isa sa mga host ng The Buzz, "Kasi, na-mention ng mommy ko kung paano ba niya sasabihin or i-introduce ba niya ang mga bata sa Papa Gabby ko.

"So, sabi ko nga, 'Ay naku, ang hirap niyan!' Kasi, ako pa ang nag-break sa mga kapatid ko noong yung... Parang nagkuwento na hindi talaga ako ang buong kapatid nila. Pero ang trato talaga namin sa isa't isa, buong magkapatid.

"Actually, ako, it would have been nice sana kung iba ang nangyari. But, okay lang. I think everything happens for a reason.

"Yung credit sa album ko... Kasi, favorite ni Frankie yung album ko na KC. Itong last year na lumabas.

"Noong binasa ang credits: 'This is dedicated to my sisters Frankie, Miel, Baby Sam and Garie and Chloe.'

"Sabi niya [Frankie], 'Sisters?' Ang tahimik niya talaga that day. She was so quiet.

"I know something is wrong. Hindi talaga siya normal. Hindi ba, kilala mo ang mga kapatid mo?

"So, I sat her down. Sabi ko, 'Frankie, what's wrong?'

"Hawak-hawak niya ang CD. Sabi niya, 'Nothing, ate.' Tapos tumitingin siya.

"Sabi ko, 'Frankie, what's wrong?'

"Tapos sabi niya, 'No, kasi you said sisters.'

"So, sabi ko, 'Where did I say sisters?'

"'In your CD.' Then, sabi niya, 'Who's Garie? Who's Chloe? Who's Baby Sam?' She was nine years old.

"So, sabi ko, 'Naku, heto na, hindi pa pala nae-explain!'"

Si Garie ang anak ni Gabby kay Grace Ibuna, samantalang si Chloe ay anak ng aktor kay Jenny Syquia. Si Sam naman ay anak nito ni Gabby sa misis nito ngayong si Ginbee Yatco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ni KC, "Siyempre, it's not something you think every day kasi sister naman talaga ang trato namin sa isa't isa.

"So, in-explain ko, na sabi ko nga, 'Paano ko ba ie-explain 'to na dapat si Mama ang nag-e-explain?'

"Ngayon, in-explain naman nila.

"Sabi ko, 'You know, our dad, I met him when I was nine years old, your age.'

"Hindi niya siyempre maintindihan, di ba? Kasi, magkaiba nga kami ng biological father.

"Parang hindi siya...para siyang ano... So, sabi ko, 'You know, you're really my sister. We came from the same mother, same womb, di ba?'

"Parehong bahay ang pinanggalingan namin. We came in the same place. We're made in the same place.

"'Kung saan ka lumabas, doon din si Ate lumabas. Pareho tayo ng pinanggalingan. You know, sometimes, people don't have the same parents. But we're so lucky, we have the same mommy.'

"So, sabi niya, 'Oh! So, who's Papa?'

"So, sabi ko, 'You see, when I say papa and when I say dad, that's our dad and papa, that's also my other dad.'

"Hindi ko na rin alam and huma-high blood na ako! Siyempre, magulo. Lumalaki tayo na yun na yun.

"But when I showed her the picture of Chloe and Garie, sabi ko, 'These are my other sisters.'

"Sabi niya, 'Huh, they look like you.'

"Noong natuwa na siya, doon na gumaan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN