Raymond Gutierrez to Heart Evangelista: "Be loyal to your friends and have a backbone."

IMAGE 0


"In all her interviews, she kept saying na pag nakita niya ako, she would say hi to me. Pag nakita niya si Chard [Richard Gutierrez], she would say hi to Chard... So, I was kind of testing it kung gagawin niya yung mga sinasabi niya sa mga interviews niya. E, hindi naman niya nagawa," says Raymond Gutierrez about Heart Evangelista.


Lalong umiinit ang usapin tungkol sa isyu ng pagdededmahan o hindi pagpapansinan umano sa pagitan ng dating magkaibigan na sina Heart Evangelista at Raymond Gutierrez na magkasunod na naganap noong Linggo, January 9, sa Party Pilipinas at sa Showbiz Central.

Kagabi, January 11, si Heart ang nagpaliwanag sa showbiz talk show ng QTV 11 na Tweetbiz tungkol sa nangyaring dedmahan umano sa kanila ni Raymond. (CLICK HERE to read related story.)

Ngayong gabi, January 12, naman ay si Raymond ang tinawagan ng Tweetbiz to air his side.

Sabi ng TV host, "Alam mo, nagugulat din ako kung bakit lumabas 'yan ngayon lang. Because yung conflict ng family ko with Heart's family, parang matagal nang isyu 'yan, e.

"So, I'm also surprised that Heart decided to have a phone patch with you guys only now, only this week. Kasi nakakagulat din siya.

"Kung ang sinasabi nila yung sa Showbiz Central, yung mga sinasabi ko dun, it's actually an inside joke between me and the hosts. Lagi naman kaming may mga inside jokes there.

"So, nagulat din ako na biglang pinalaki ng ganito," paliwanag ni Raymond tungkol sa umano'y pagpapasaring niya kay Heart sa Showbiz Central.

Sa isang bahagi ng show ay nagpasaring daw si Raymond kay Heart on the air nang sabihin nito na: "Pati yung mga hindi namamansin puwede kayong maging involved diyan."

At may pahabol pa raw ang TV host na "Thank you, Kuya Ogie [Alcasid] pinansin mo ako," dahil sa pagpayag daw ng singer na makipag-one-on-one interview sa kanya.

SNUBBING ISSUE. Ano naman ang reaksiyon ni Raymond sa sinabi ni Heart na pinansin at binati raw siya nito sa Party Pilipinas, pero hindi siya nag-react sa pag-hi ng aktres?

"Actually, after ng gulo niya with my mom [Annabelle Rama], ako yung unang lumapit kay Heart," sabi ng TV host.

"This happened when we had that breakfast for Procter & Gamble in Shangri-La Makati. Ako yung unang bumati sa kanya at saka kay Daniel [Matsunaga, Heart's boyfriend] sa lobby ng Makati Shang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, kung meron man akong ganun... Hindi ako yung mahilig sa conflict, [o] mahilig sa confrontation.

"So, when I saw them, I said, 'Hi, guys!'"

Dagdag niya, "Yung sa Party Pilipinas naman, she tapped me on the shoulder. But when I turned around, she turned around already.

"She didn't even gave me the chance to say hi or to say anything. So, it was a very quick moment."

Ano ang kailangan para maayos ang gap sa pagitan nila ni Heart?

"Well, actually, in all her interviews, she kept saying na pag nakita niya ako, she would say hi to me. Pag nakita niya si Chard [Richard Gutierrez], she would say hi to Chard.

"So, in Party Pilipinas, I was kind of waiting for her gesture because siya naman talaga yung kumalas sa amin, di ba? Kasi kami, wala kaming naging problema sa kanya.

"So, I was kind of testing it kung gagawin niya yung mga sinasabi niya sa mga interviews niya. E, hindi naman niya nagawa."

NOT A BIG DEAL. Si Raymond ang naging daan para kuning talent ng kanyang inang si Annabelle Rama si Heart, at the same time ay lumipat from ABS-CBN to GMA-7. Kaya naman ikinasasama ng loob ni Raymond kung bakit kailangan umabot sa ganitong awayan ang lahat.

"Heart and I were friends, pero hindi naman kami yung best of friends," sabi niya.

"Actually, nagsimula 'yan when I helped her out with her career and I was the one who suggested her to be part of GMA.

"Since then, since alam ko na wala siyang close sa GMA, ako yung parang nagga-guide na rin sa kanya in the network.

"So, it was just so unfortunate that this had to happen and it had to result to this na parang phone-patch awayan whatever.

"But you know, for me it's not really a big deal because like I said, I know the true people in my life. I know my real friends. And yun lang ang importante sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, may malamang mensahe pa si Raymond para kay Heart:

"Siguro to Heart, be true to your friends. Be loyal to your friends and have a backbone. And siguro, Happy New Year na lang and good luck sa lahat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN