Richard Poon refuses to talk about Maricar Reyes in interviews

IMAGE 0


During his career as a singer, Richard Poon says he has never really talked about his personal life. "So why should I suddenly change? Parang, hindi ko persona 'yon," he explains on why he has decided to keep quiet about Maricar Reyes.


Kung noong nakaraan ay napaka-vocal ng big bang crooner na si Richard Poon tungkol sa kanyang pagtingin kay Maricar Reyes, tikom naman ang kanyang bibig nang muli siyang usisain tungkol dito. (CLICK HERE to read related article)

Sa press conference para sa concert ng ASAP Sessionistas na ginanap sa tanghali ng Enero 12, puro "no comment" lamang ang kanyang isinagot sa mga tanong na: "Kumusta naman ang lovelife mo?" at "Kumusta naman ang panliligaw mo kay Maricar?"

Ayon kay Richard, napagdesisyunan niyang maging tahimik na lang muli tungkol sa kanyang personal na buhay dahil ito naman talaga ang kanyang pagkatao.

"I just think that I'm a very private person. I have some friends who would like to be public about their lovelife, pero I'd like to be private about mine."

Dagdag pa niya, naging kumportable lamang siyang magsalita tungkol sa panliligaw kay Maricar noon dahil nandoon ang ilang kaibigan niya sa media.

Sabi ni Richard, "Siyempre, may good friends tayo sa press at that presscon, I had to tell them na ito 'yong truth.

"I think I've already said it sa presscon and I think that's enough for our good friends from the press. You know, I don't want it to come from anybody so, I tell it straight."

'Tapos ay muli niyang sinabi na hindi siya tulad ng ibang celebrity na bukas sa publiko ang ilang bagay sa kanilang personal na buhay.

Paliwanag niya, "Feeling ko you can take another option. Other people, kapag inumpisahan, naging sila, at kinasal sila, they want coverage, e.

"Ako naman, I'd like to take another route. I know some friends in the industry... artista na, they've kept quiet about it and kept it private. Ako, I like that. I like the fact na ang galing nila sa trabaho nila and [when it comes to their private life], they're very low-key about it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Agad naman nilinaw ni Richard na ang desisyong ito ay dahil hindi naging kumportable si Maricar sa pag-amin niya sa kanyang nararamdaman para sa kapwa Kapamilya talent.

Ani Richard, "Well, I can't speak for her, 'no? Kasi, siyempre, she has her own mind...

"Even before... our issue, she's never been ano naman, e, 'Hey, I've got something to say.' Hindi naman siya gano'n. I don't think she would change, private din siyang tao, e."

Ayon pa kay Richard, ito ay personal niyang desisyon at walang kumausap sa kanya para maging tahimik na lang tungkol sa isyu.

"I've never been ano naman, e. Parang as a singer, wala namang buzz about me, my personal stuff, e. So why should I suddenly change? Parang, hindi ko persona 'yon.

"I mean, if I really want to be public, siguro from the start the press would know na, 'Ah, si Richard ganito, e.' So, I wanna keep it the way I am off stage — I'm a private person."

ASAP SESSIONISTAS. Samantala, masaya naman si Richard dahil muling magbabalik ang kanilang grupo sa Araneta Coliseum para sa concert na gaganapin sa February 5.

Ikinatutuwa rin niya na hanggang ngayon ay marami pa rin ang sumusuporta sa kanilang grupo.

"It's our second year together. Maganda, very happy kami sa ASAP... maganda ang segment namin at naging regular siya. Maganda, maganda ang feedback from the ratings kapag 'Sessionista' segment."

Bagamat may kanya-kanyang career ang mga miyembro ng ASAP Sessionistas—sina Richard, Duncan Ramos, Aiza Seguerra, Sitti Navarro, Princess Velasco, Juris, at Nina—hindi raw ito problema sa pagiging isang grupo nila.

"I think instead of working against us, it worked for us. I think all of us, career-wise, mas naging solid pa because of this group.

"So, ang ginagawa rin ni Direk Dido [Camara], 'yong nag-isip ng ASAP Sessionistas, talagang kapag sabay-sabay — sabay-sabay, kasi team kayo, e. Kapag nag-solo spot, talagang big band na ako with the horn, si Sitti, bossa na. So, nakikita mo talaga 'yong distinction na iba-iba na, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think it has worked for us."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN