Juris Fernandez making her music known in South Korea

IMAGE 0


"Hindi ko kaya 'yong taas ng boses ni Charice. Sana magustuhan nila 'yong normal lang!" laughs acoustic pop artist Juris Fernandez when asked if she were to follow Charice's footstep after releasing her first EP album in South Korea.


Masaya ang acoustic pop singer na si Juris Fernandez dahil kamakailan ay nai-release na ang kanyang EP album na If You and Me sa South Korea.

Ayon sa singer-songwriter, isang Korean producer ang nakipag-usap sa kanyang recording company at manager upang sabihin ang kanilang interes na kunin siya.

"We had a recording here talaga, 'tapos send lang lahat via e-mail. 'Tapos siya na ang nag-ayos lahat," kuwento ni Juris nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung paano ang naging proseso ng paggawa ng kanyang six-track album, na inilabas sa Korea noong Nobyembre 2010.

Dagdag pa niya, "Pinapili kami ng mga kanta. Nag-change sila ng mga songs na sikat doon. 'Yong iba kasi English.

"But they've added a song na 'Officially Missing You' kasi sikat yata doon and I have one song from my album dito na isinama nila dahil nagustuhan nila 'yong ginawa ko, 'yong ginawa ni Mr. Junjee Marcelo, 'Opposites Attract.'

"Nakakatuwa, siyempre I'm very happy and feel so blessed. And I wanna say thank you siguro sa mga nagre-request do'n or via Internet din, naririnig 'yong mga kanta ko.

"Although hindi ko alam kung nakakatuwa 'yong dina-download at ikinakalat n'yo. I don't know, I guess bale natulungan din 'yong gano'ng klase. Kaya lang sana maganda kung 'yong actual album."

Kasama sa album na ito ang dalawang Korean songs na isinalin sa Ingles. Ito ay ang album title na hango sa kantang "If" ni Taeyeon ng Girls of Generation at ang kanta ni Baek Ji Young na "Do Not Forget," na ginamit bilang theme song ng Korean drama na Iris.

Kasabay ba ng album na ito ang pagpasok ni Juris sa international music scene, katulad ng nangyari sa noo'y YouTube sensation na si Charice?

Natawa nang malakas si Juris at sinabing, "Kaya lang, hindi ako Charice. Hindi ko kaya 'yong taas ng boses ni Charice. Sana magustuhan nila 'yong normal lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunman, positibo ang dating bokalista ng bandang MYMP na magugustuhan ng mga Korean ang kanyang EP album. Hindi naman ito nalalayo sa pangkaraniwang uri ng musika sa Korea.

Aniya, "Masaya 'yong tugtog nila, masaya 'yong music nila. Very catchy, actually, 'yong mga music nila.

"Noong narinig ko nga 'yong mga original, okay siya talaga. 'Tapos noong trinanslate, very relatable.

"Simple lang pero very relatable, madaling intindihin. I'm sure makaka-relate naman ang mga tao."

Sa ngayon, digitally released na rin ang EP album sa ilalim ng Star Records.

"Hopefully, we can release an actual album. Pero dadagdagan po kasi yata ng mga original song din, maybe second quarter ng year na 'to."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN