Carlo J. Caparas submits self-defense against tax evasion charges

IMAGE 0


Graphic novelist and director Carlo J. Caparas submitted his counter-affidavit to the Department of Justice (DoJ) in response to the tax evasion charge hurled against him by the Bureau of Internal Revenue (BIR).


Personal na humarap kahapon, January 13, sa tanggapan ng Department of Justice (DoJ) ang direktor at kilalang graphic novelist na si Carlo J. Caparas kaugnay sa tax evasion charges na inihain laban sa kanya ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, nagsumite si Caparas ng counter-affidavit sa opisina ni Senior State Prosecutor Rosanne Elepano-Balauag.

Sinabi ng BIR na umabot sa P540,210,206 ang kabuuang utang ni Caparas sa ahensiya mula 2006 hanggang 2009.

Lumobo nang husto ang numero dahil isinama na rin dito ang penalties at ilang nagpatong-patong na karagdagang halaga sa pagdaan ng mga taon.

October 2010 nang masilip ang P1.3-billion contract ni Caparas sa Philippine Charity Sweepstakes (PCSO) sa loob ng limang taon kapalit ng serbisyo niya bilang producer at direktor ng mga programang Ang Pangarap Kong Jackpot at Kroko.

Ang dalawang nabanggit na programa na napapanood sa NBN 4 at IBC-13 ay tumatalakay sa buhay ng mga lotto winners. Ipinagkaloob ang kontrata kay Caparas noong panahon na nasa puwesto pa ang administrasyong Gloria Macapagal Arroyo.

COUNTER-AFFIDDAVIT. Sa kanyang counter-affidavit ay ikinatwiran ni Caparas na nakasaad sa kanyang kontrata na ang PCSO na mismo ang bahalang magbawas ng mga kaukulang buwis kaya hindi na siya nag-atubiling tingnan pa ito.

Sinabi rin ni Caparas na hindi buo ang nakukuha niyang bayad mula sa PCSO at sa pagkakaalam niya ay dahil nga ikinakaltas na rito ang mga halagang kailangang bayaran sa BIR.

"Considering that I am a layman totally unfamiliar with the intricacies and nuances of laws governing contracts and taxes, my failure to correctly appreciate the legal consequences of the stipulations in my contracts should not be met with punitive action," depensa ni Caparas sa sarili.

Iginiit din niya na kung may nakita mang kakulangan sa kanyang tax returns ang gobyerno ay hindi niya ito sinasadya. Pagpapatunay rin daw ang kanyang pagharap sa DoJ na handa niyang harapin ang mga paratang at wala siyang itinatago sa batas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakilala si Caparas sa nilikha niyang mga Filipino superheroes at karakter na tumatak sa local comics industry, katulad ng Totoy Bato, Kamandag, Joaquin Bordado, Tasya Fantasya, Elias Paniki, Bakekang, Panday, at marami pang iba.

Noong '90s naman ay nakilala si Caparas bilang direktor ng massacre films gaya ng The Vizconde Massacre Story (God Help Us!) at Kuratong Baleleng (Wilson Sorronda: Leader Kuratong Baleleng Solid Group).

Lumikha ng kontrobersiya noong 2009 ang nominasyon at pagkakahirang kay Caparas bilang National Artist of the Philippines para sa bagong kategorya na Visual Arts and Film.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN