Venus Raj and Binibining Pilipinas Charities, Inc. sign up with ABS-CBN

IMAGE 0


"'E, kasi malabo!'" Venus Raj's mother said about why she wants the beauty queen out of GMA-7 and into ABS-CBN. "Ngayon po masaya na siya. Kasi palagi na po nila akong mapapanood sa ABS-CBN," continues Venus. It was her mother who really wanted her to transfer to the Kapamilya network.


Opisyal nang Kapamilya ang 2010 Miss Universe 4th runner-up na si Venus Raj.

Pumirma na ng kontrata ang beauty queen sa ABS-CBN kaninang hapon, January 14.

Kasabay ng pagpirma ni Venus ang pagpirma rin ng five-year partnership deal ng nagma-manage sa kanya, ang Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI), sa Kapamilya network.

Matapos magpirmahan ng mga kontrata, nauna nang nagsalita at nag-welcome kina Venus at BPCI ang presidente at COO ng ABS-CBN na si Ms. Charo Santos-Concio.

"On behalf of ABS-CBN Corporation, we would like to welcome back, I think after 13 years, Cory?" baling ni Ms. Santos-Concio sa nasa presidential table din at kasama sa signatories sa mga kontrata na si Cory Vidanes, ABS-CBN Channel Head. "...Binibining Pilipinas Charities, Incoporated to ABS-CBN.

"We're all very excited here, alam n'yo naman ang mga Pilipino, we have beauty and we are pageant-crazy people.

"And Binibining Pilipinas Charities has been the home to a lot of women who have become role models for our Filipinas. Just like Venus Raj here, who is a picture of courage and humility.

"And we're looking forward to many years of working together and we hope that this will be a great partnership. Thank you very much," pahayag pa ni Ma'am Charo, na isa ring dating beauty queen (Miss Calapan at Baron Travel Girl 1976) bago naging artista.

Sa panig ng ABS-CBN, bukod kina Ma'am Charo at Ms. Cory, ay kasama rin sa pirmahan ng kontrata si Linggit Tan, head of TV entertainment production.

Sa panig naman ng BPCI, bukod kay Venus, kasama rin sa pirmahan ang BPCI Chairperson na si Ms. Stella Marquez-Araneta, executive board members Conchitina Bernardo at Pitoy Moreno, at director for marketing Sienna Olaso.

Nagpasalamat naman si Madam Stella sa magandang binitawang salita ni Ms. Charo tungkol sa BPCI.

Aniya, "I still believe that what you say is true. We have been [the] most prestigious contest in the land, we are now in partnership, as of today, with the most prestigious, the best channel station in the land."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BPCI GOING GLOBAL. Inaasahan din daw ni Madam Stella na sa pakikipag-partner nila sa Kapamilya network ay maraming pagbabago sa magiging presentasyon ng Binibining Pilipinas ngayong 2011.

"We are with a TV station which not only reaches the Filipino people in [the] Philippines, but the Filipinos all over the world," sabi niya.

Naniniwala ang pinakaunang Miss International (na napanalunan niya noong 1960 sa Long Beach, California) at maybahay ni Don Jorge Araneta, na malaki ang magagawa ng ABS-CBN para mas makilala pa worldwide ang Binibining Pilipinas.

THANKING GMA-7. Nagpasalamat din si Ms. Marquez-Araneta sa dating TV station na ka-partner nito, ang GMA-7, sa mga naging tulong nito sa Binibining Pilipinas.

"We are grateful and we had a very good relation with them. But we'd like to point that, yes, we want those changes and that's why we are here," sabi ni Ms. Stella.

VENUS'S MOTHER IS HAPPY, TOO. Natutuwa rin si Venus sa pagpirma niya sa ABS-CBN at nagpahayag ng excitement sa mga puwedeng mangyari sa kanya sa Kapamilya network.

"Sobrang saya po. Sabi ko nga po kagabi, nagagalit ang nanay ko. Gusto niya po talaga sa ABS-CBN ako," ani Venus.

Hindi raw kasi siya mapanood ng nanay niya kapag nasa probinsiya ito (sa Bato, Camarines Sur).

"'E, kasi malabo!'" sabi pa raw ng nanay niya noong nasa GMA-7 pa raw si Venus.

Kaya nang mabalitaan daw nito na magsa-sign na si Venus ng kontrata sa ABS-CBN, natuwa siya.

"Ngayon po masaya na siya. Kasi palagi na po nila akong mapapanood sa ABS-CBN," dagdag pa ng 22-year-old reigning Bb. Pilipinas-Universe.

Hindi pa raw puwedeng sabihin kung ano ang mga gagawing proyekto ni Venus sa ABS-CBN, pahayag naman ni Ms. Linggit sa press na nasa contract signing na naganap sa 9501 restaurant sa ELJ Bldg. ng ABS-CBN.

"Marami pa kaming dapat konsultahin at kausapin dahil mainit-init pa ang aming kontrata. As in kahapon at kaninang umaga lang namin na-finalize ang laman ng kontrata," sabi pa ni Ms. Linggit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero usap-usapan na kasama raw si Venus sa napapabalitang reformatting ng morning show ng Kapamilya na Umagang Kay Ganda. Doon nga ba ilalagay si Venus?

"As I've said, hindi pa naming puwedeng sabihin. Pinag-aaralan pa rin namin," ulit ni Ms. Linggit.

Si Venus naman, game kahit saan daw siya ilagay.

"Kahit saan po. Kung kinakailangan ko pong mag-improve, ano mang improvement ang kailangang gawin, siguro kung may mga kailangang pagdaanan to satistfy kung ano man din yung gagawin ko [na project sa ABS-CBN], I am very much willing to do that."

KAPAMILYA HUNKS SHE WANTS TO WORK WITH. Dahil Kapamilya na nga siya, tinanong si Venus kung sino naman ang gusto niyang makapareha na Kapamilya hunk?

"Actually, marami nga po akong pinagpipilian. Hindi ko lang po alam kung gusto nila akong maka-partner. Pero matagal ko na pong iniidolo ang mga tao na ito—sina Piolo Pascual, sina Coco Martin na crush na crush na crush ko!" sabi pa ng kinikilig na si Venus sabay tawa.

Dagdag niya, "Pero kung sino pa ang gusto ng direktor na ipareha sa akin, okey lang po. Hindi ko naman po kailangang mamili dahil ayaw ako ng tao.

"Alam ko naman na kahit sino ang i-partner sa akin, is, alam n'yo yun... Siguro nakikita nila na bagay naman sa akin or kaya kong makatrabaho."

Hindi kaya maging problema sa height niya sa paghahanap ng makakapareha niya? Lalo na sa crush niya na si Coco na hindi rin naman katangkaran?

"Yun nga po, e. Pero okey lang naman sa akin ang mag-flats all throughout. Basta para sa akin, height does not matter!" tawa pang muli ni Venus pagkatapos.

Nang tanungin kay Ms. Linggit kung hanggang ilang taon ang kontrata ni Venus sa Dos, "Hangga't masaya siya sa amin. Kahit naman may kontrata pa kung hindi ka naman masaya, balewala rin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN