Gwen Zamora on being linked to different men: "Maybe because I'm just too friendly."

IMAGE 0


Na-link na nga ang pangalan ni Gwen Zamora kina Boy 2 Quizon, Wendell Ramos, Ervic Vijandre, Aljur Abrenica and just recently, sa leading man niya sa blockbuster hit movie na Si Agimat at si Enteng Kabisote na si Vic Sotto.


Pinagtatawanan na lang daw ng baguhang si Gwen Zamora ang pagkaka-link niya sa kung kani-kaninong aktor sa showbiz ngayon. Nagugulat nga ang French-Italian-Pinay beauty dahil iba-ibang mga names ng lalake ang naiuugnay sa kanya.

Sabi nga ni Gwen sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa story conference ng bagong GMA-7 primetime series na Machete, wala naman daw sa plano niya ang magkaroon muna ng boyfriend.

Pinangako nga raw niya sa kanyang parents na uunahin muna niya ang career sa showbiz. Ayaw nga raw niyang may makasira sa kanyang magandang plano.

"It's so funny because they keep linking me to different men. Paiba-iba kaya naguguluhan na rin ako," sabay tawa ni Gwen.

"Maybe because I'm just too friendly. Hindi naman mawawala sa akin ang bumati or makipagkaibigan kasi normal na sa atin iyon, e.



"Masyado lang kasing binibigyan ng malisya ng ibang tao ang pagiging friendly ko. There's nothing I would want than to have new friends, lalo na sa business na ito. Wala akong nakikitang masama sa pagiging friendly, 'di ba?"



Na-link na nga ang pangalan ni Gwen kina Boy 2 Quizon, Wendell Ramos, Ervic Vijandre, Aljur Abrenica and just recently sa leading man niya sa blockbuster hit movie na Si Agimat at si Enteng Kabisote na si Vic Sotto.



Sabi ni Gwen na mga kaibigan lang daw niya ang mga lalakeng 'yan. Nahihiya nga siya dahil sa pagkaka-link niya sa mga ito na hindi naman daw dapat.

"Sobra akong nahihiya, lalo na kay Bossing Vic," diin ni Gwen.



"Kasi may nagpalaki lang ng issue na hinatid niya ako sa bahay ko. He was just being kind enough to drop me off since he's from Ayala Alabang and I'm from Las PiƱas. Wala kasi akong ride that time kaya he offered and nahiya pa nga ako.

"Since para na nga kaming pamilya because we did Si Agimat at si Enteng Kabisote, wala akong nakitang masama. May nagpalaki lang ng issue which is hindi maganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Nagmagandang loob na nga si Bossing sa akin, nabigyan pa ng hindi magandang interpretation. Kaya sobra akong nahihiya sa kanya ngayon."

Dahil sa issue na iyon, si Gwen tuloy ang sinisisi sa breakup ni Vic sa girlfriend at co-host nito sa Eat Bulaga na si Pia Guanio.

"Iyon tuloy ang naiisip ng mga tao. That I had something to do with their breakup. The truth is, wala akong alam diyan. I'm not a part of it. Never will I be the cause of anyone's breakup.

"I only met Bossing Vic noong nagsu-shoot na kami ng movie. I think 'yung nangyari sa kanila ni Miss Pia ay matagal na yata. I wasn't even aware of it when we were shooting the movie.

"Kaya hindi ako. Huwag naman nila akong sisisihin diyan. That's their problem and sila lang ang makakasagot niyan. As for me, I'm not part of it."

At dahil kasama nga si Gwen sa Machete, mukhang matsitsismis siya ulit sa bida ng teleserye na si Aljur Abrenica. Natsismis na sila before na nag-date at pareho namang nag-deny ang dalawa.

"Na-explain ko na ang tungkol sa sinasabi nilang date namin ni Aljur. Nagsalita na rin si Aljur na it wasn't a date.

"Nagyaya lang siyang kumain sa labas kasi gutom na siya after ng workshop namin sa GMA-7. We were with friends kaya it wasn't a date. Nanlibre lang si Aljur sa amin."

At dahil dalaga't maganda si Gwen at wala namang nababalitang boyfriend, open kaya siya sa possibility na puwede siyang ligawan nila Vic at Aljur dahil single din naman sila?

"Mahirap sumagot because mabibigyan ng different meaning," diin ni Gwen.

"Okey lang na kaibigan ko silang dalawa. Like si Bossing Vic, I have so much respect for him. Nirerespeto si Bossing ng maraming tao sa showbiz. Si Aljur naman, he's a good guy and he's a gentleman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Like what I said, getting into a relationship is not my priority. I want to work and be good at it," pagtatapos pa ni Gwen Zamora.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN