Bea Binene says it's not true her mom was confronted by Maritoni Fernandez on Tween Hearts set

IMAGE 0


According to Bea Binene, the confrontation never took place. "Nagulat na nga lang po kami nang may lumabas na balita na kesyo sinugod nga daw ni Tita Maritoni yung mommy ko at sinigaw-sigawan, dahil wala naman talagang ganung pangyayari," she says.


Mabilis na kumalat ang bali-balitang sinugod ng premyadong actress na si Maritoni Fernandez at ina ng Tween Star Member na si Lexi Fernandez ang ina ni Bea Binene na si Mrs. Karina Binene sa taping ng Sunday show ng GMA-7, ang Tween Hearts, kamakailan lang.



Pero mariin naman itong pinabulaanan ng isa pang miyembro ng Tween Star na si Bea Binene nang makausap ito ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa telepono last January 12, 2011 . Ayon kay Bea, wala daw katotohanan ang nasabing balita at walang sugurang naganap sa set.



"Naku wala pong katotohanan yung sinasabi nilang sinugod ni Tita Maritoni yung Mommy ko (Karina) sa taping ng show namin (Tween Hearts).



"Nagulat na nga lang po kami nang may lumabas na balita na kesyo sinugod nga daw ni Tita Maritoni yung mommy ko at sinigaw-sigawan, dahil wala naman talagang ganung pangyayari," ang sabi ni Bea.



"Ang totoo po talaga ay pumasyal si Tita Maritoni sa set kasi birthday ni Lexi at Joyce nung araw na yun. Sa set silang dalawa nag-celebrate kaya nandun si Tita Maritoni.



"Totoo po na nag-usap ang Mommy ko at si Tita Maritoni tungkol sa mga tsismis na nakakarating sa kanya. Kasi gusto lang nilang alamin kung ano ang totoo, pero wala naman talagang katotohanan yung mga hindi magandang tsismis na lumalabas kaya okey naman yung naging pag-uusap nila."



FRIENDSHIP. Pero okey ba sila ni Lexi? Hindi ba naapektuhan ang friendship nila?



"Oo naman po, nagti-tweet pa nga kaming dalawa e. Okey na okey kami, hindi nga namin alam kung saan galing yung tsismis na yun.


"Lahat naman kasi kami sa Tween Hearts magkakaibigan at okey ang samahan. Kaya wala kaming away-awayan. Kami ni Lexi umpisa pa lang ng Tween Hearts okey na kami, kaya hindi naman naapektuhan yung friendship namin kasi hindi naman totoo yung tsismis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta hindi na lang po namin pinapansin kung ano man yung mga lumalabas na intriga sa amin. Kung may lumabas na tsismis, pinag-uusapan na kaagad namin para di na lumaki lalo na't hindi naman totoo," paliwanag ni Bea.

"Katulad na lang ng tsismis na 'to. Hindi naman totoo, kaya after mag-usap ang mga mommy namin at nagkapalinawagan, e hindi na lumaki ang problema.



"Basta tapos na po yang isyu na yan. Ayoko na rin naman pong pag-usapan. Deadma na lang kung may ibang mang-iintriga pa sa amin."



NO JEALOUSY HERE. Totoo ba na naiinggit si Bea kay Louise Delos Reyes dahil kahit bago pa lang ito sa GMA-7 ay may sarili na siyang soap?

"Naku sa amin walang inggitan, lahat kami magkakaibigan. Kung ano man po ang marating ng bawat isa sa amin, masaya kami.



"Naniniwala naman po kasi ako na kanya-kanyang panahon lang yan. Siguro panahon lang ni Louise at bagay sa kanya yung role na Alakdana, kaya sa kanya ibinigay ng GMA 7.



"Alam ko naman po na darating din yung time ko at willing naman po akong hintayin yung break ko na magkaroon ng solo show," ani Bea.



"Ang mahalaga naman po kasi ay may trabaho ako at hindi ako nababakante. Katulad ngayon, may 2 regular shows ako, ang Party Pilipinas at Tween Hearts na extended hanggang April 11.



"Bukod sa balik Primetime ako with Jhake Vargas, kasama kami sa Captain Barbell. So bukod sa two shows ko, may bago rin akong show na pang primetime. Kaya lahat kami may kanya-kanyang shows."



Tuloy na tuloy na ba ang laban ni Bea sa China for Wushu (isang uri ng martial arts)?



"Hopefully po matuloy, kaya naman po rigid ang training ko ngayon. Everytime na may oras ako, ang pag-eensayo ng Wushu ang ginagawa ko.



"Sana matuloy na para makalaban ako this year."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN