Arraignment of Ronald Singson's drug case postponed after Hong Kong judge inhibits himself

IMAGE 0


Magpi-plead umano si Ronald Singson ng guilty sa drug trafficking case nito sa Hong Kong.


Na-postpone ang arraignment para sa kasong drug trafficking ni Ilocos Sur Rep. Ronald Singson matapos mag-inhibit ang Hong Kong judge mula sa kaso. Sa halip na ngayong araw, January 26, ay sa January 31 na gagawin ang arraignment.



Ayon sa ABS-CBN News, nagpasyang mag-inhibit si Tsuen Wan Principal Magistrate Ernest Lin dahil nakatanggap siya ng isang sulat mula sa isang "anonymous concerned Filipino worker" noong January 22. Laman umano ng sulat ang ilang "damaging allegations" laban kay Ronald.



Makakaapekto raw ang sulat sa partiality ng mahistrado, kaya't bago na ang judge sa susunod na arraignment.



Sa pagkakaalam ni Lin, magpapahayag umano si Ronald ng guilty plea sa kasong drug trafficking.



Sasabihin din umano nito na para sa "personal consumption" ang drogang nakuha sa kanyang bagahe.



Naaresto ng Hong Kong police si Ronald noong July 11, 2010 sa kanilang international airport. Nakuha sa kanyang mga bagahe ang 26.1 grams ng cocaine at dalawang tableta ng valium, mga ipinagbabawal na gamot.



Noong August 2010, pinayagan ng hukuman na makapagpiyansa si Singson ng HK$1 million, ngunit pinagbawalan siyang umuwi sa Pilipinas.



Si Ronald ay anak ng pulitikong si Chavit Singson, at kasintahan ng aktres na si Lovi Poe.

Sa huling interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Chavit Singson, sinabi niyang na set-up lamang ang anak, at ginawa itong "sacrificial lamb" para sa nangyaring hostage crisis noong August 23, 2010, na ikinamatay ng ilang Hong Kong nationals. (CLICK HERE to read related story.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN