Vhong Navarro admits he can fall in love with Bulong co-star Angelica Panganiban

IMAGE 0


Vhong Navarro says he and the cast of Bulong did not experience anything eerie while shooting the film. "Wala, wala. So far, wala naman. Baka sa part two. Wop. May part two?" joked Vhong.


Masayang-masaya ang dancer turned comedian na si Vhong Navarro dahil kasama siya sa unang pelikula ng Star Cinema para sa 2011. Ito ay ang Bulong, isang horror-comedy starring Vhong, Angelica Panganiban, at Bangs Garcia. Idinirek ito ni Chito S. Roño.

Sa presscon ng Bulong kagabi, January 17, sa Dolphy Theatre sa ABS-CBN, ikinuwento ni Vhong sa entertainment press ang experiences niya working with Angelica.

Hanga raw si Vhong sa professionalism ng young actress sa set.

"Sobrang saya, para kaming naglalaro lang sa set," kuwento ni Vhong. "Kasi kaibigan ko si Angelica. Eto yung time talaga na nakatrabaho ko siya nang mahaba.

"Nakakatuwa kasi professional. Parang pag pinaarte, kung anong pagawa ni Direk Chito or magsa-suggest ka, talagang ginagawa niya, kaya nakakatuwa."

Tanong ng press kay Vhong, nakaramdam ba siya ng pagtingin kay Angelica habang nagsu-shooting?

Bakit daw hindi, sagot ni Vhong. Dagdag niya, "Bukod sa maganda, talagang ang hirap kasing hanapin na ang galing mo pang magpatawa."

E, pagnanasa kaya?

"Kasama na yun," pag-iwas ni Vhong. "Kung may pagmamahal, kasama na yun."

Pero magkapatid naman at hindi magkasintahan ang role nina Vhong at Angelica sa Bulong. Kaya sabi ni Vhong, dapat ang abangan ng mga manonood ay ang mga katatawanan na maibibigay nila ni Angelica.

"Abangan nila yung mga punchline, mga hiritan naming dalawa, yung pagsasama namin dito sa Bulong," saad ng komedyante.

TAKOT SA MULTO. Ang Bulong ay tungkol sa Filipino legend na pagbulong ng hiling sa tenga ng patay para magkatotoo ito. Ayon kay Vhong, hindi raw siya pamilyar sa paniniwalang ito bago niya ginawa ang pelikula. Kay Direk Chito niya raw ito unang nalaman.

Saad niya, "Hindi ko alam ang bulong. Nalaman ko na lang kay Direk Chito ang bulong, na may mga ganun palang mga pamahiin. Na-excite ako kasi meron pala tayong ganun.

"Marami pala tayong mga pamahiin na wala ang ibang bansa. Yun yung lamang natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang alam ko lang kasi pag may patay, hinahakbang ang bata, di ba, yung mga ganun, para hindi raw dalawin o bisitahin.

"O pag pupunta ka sa lamay, wag ka muna umuwi kasi baka sumunod. Pagpag, di ba?

"Yun yung mga alam ko."

Pagpapatuloy ni Vhong, hindi raw niya kayang gawin sa totoong buhay ang pagbulong sa patay.

"Parang nakakatakot bumulong, e. Kaya tulad nga ng sinabi namin sa presscon, pag bumulong ka sa patay, nakakatakot, baka sumagot, e.

"So, parang hindi ko carry yung ganun," sabi niya.

Matatakutin daw kasi siya sa supernatural.

"Takot ako sa multo. Naniniwala ako sa multo. Kaya medyo hindi ko kayang gawin na bumulong sa patay," pag-amin niya.

HORROR FILMS. Pinuri rin naman ni Vhong ang trabaho ng direktor niya.

"Oo, kasi ito, mas ang ginawa ni Direk Chito, hindi niya tinanggal yung takot, tulad ng mga Feng Shui, Sukob, at T2, na mga ginawa niya.

"Isa lang sa bago at maganda rito ay yung may halong comedy na aabangan mo, bigla na lang gugulatin ka ng hindi takot, tawa. Ang maganda nun, ang maganda kasi dito, nanonood ka na natatakot ka," paliwanag ni Vhong.

Para sigurado raw na bago ang maibibigay niya sa pelikula niya, nanoood daw siya ng ilang mga magagandang horror films.

"Mga The Ring, Shutter. Actually, mga Asian. Nanonood ako, nanonood ako ng mga movies na magkakaroon ka ng idea, magkakaroon ka ng inspirasyon. Lalo na yung Drag Me To Hell.

"Na para kasi magkaroon ka rin ng idea, anong puwede mong ibigay na bago na hindi pa nagagawa sa mga lumabas na horror film. Yun yung mga gusto na maiwasan namin. Baka ma-compare," saad niya.

Nag-e-expect ba siyang magiging Box-Office King siya kapag naging hit ang Bulong?

"Naku, sa akin, hindi ko na inaasahan na maging Box-Office king. Ang gusto ko lang sana, e, magustuhan ng mga manonood itong Bulong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung experiment na horror, at the same time, comedy. Sana magustuhan lang nila yun, yun na yung magandang regalo nila para sa akin," sagot ni Vhong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN