Karylle remains tight-lipped on the status of her relationship with rock artist Yael Yuzon

IMAGE 0


"Very brave and very sweet. Mag-best friends kasi kami. I think 'yon 'yong quality, na mag-best friends kami," says Karylle when asked what she likes about Sponge Cola's vocalist, Yael Yuzon.


Iwas ang singer-actress na si Karylle sa tuwing matatanong siya tungkol sa frontman ng Sponge Cola na si Yael Yuzon.

Sa pictorial para sa kanyang upcoming musical na The Light in the Piazza, na ginanap kagabi, Enero 13, sa N.Y.N.P. Studio sa Tomas Morato, Quezon City, muling hiningan ng media si Karylle ng paglilinaw sa tunay na estado ng relasyon nila ng kapwa niyang music artist.

"Secret. Parang teenager, 'no?" natatawang pahayag ni Karylle.

Sa halip na magbigay pa ng kasunod na pahayag, sinabi ni Karylle na mas mainam kung aabangan na lamang ang kanyang sagot tungkol dito sa music album na kanyang inihahanda.

Aniya, "Hindi, ano, siguro kasi parati kong sinasabing may mga bagay na siguro masyadong corny kung masyado kang straightforward na sasagutin. Abangan na lang nila ang album ko, nando'n ang kasagutan. Kasi, di ba, kung sinabi ko na lahat, wala na silang aabangan."

Gayunman, nilinaw ni Karylle sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na hindi niya sinasadyang maging malihim ngayon pagdating sa kanyang personal na buhay.

"Hindi naman secretive," depensa niya. "'Yon nga kasi, sabi ko, parang now mas naging expressive ako sa pagsusulat—I started blogging and I started writing more songs. So, ayaw ko namang i-give away lahat.

"Minsan, if I listen to my favorite musicians abroad, parang natutuwa ako finding out who [they are] talking about in this song and that song. I wanna give that also to the people who listen to my music. Para naman kapag lumabas na 'yong album, hindi na masyadong corny na wala ng secret or wala nang iisipin pa."

Sa ngayon, ayon kay Karylle, in-enjoy niya ang anumang relasyong mayroon sila ni Yael. Dagdag pa niya, "Masaya lang."

Bukod dito, natutuwa rin ang dalaga dahil sa pagiging totoo ni Yael sa tuwing natatanong siya tungkol kay Karylle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya nga nasasabi ko na very brave kasi hindi naman lahat gano'n. So, nakakasindak din nang konti. Nakaka-turn off din 'yong gano'n, di ba? Pero I guess, at the same time, it's also admirable," sabi niya.

Nang patapos na ang interview, biniro ng TV Patrol reporter na si Mario Dumaual si Karylle, "Madami ang malulungkot, 'no? Si Yael na pala ang nag-wagi."

Natawa si Karylle at sinabing, "Wala namang nagwagi, wala namang contest."

Pahabol pang tanong ni Mario, "Pero maraming nagka-interest, di ba?"

Ang maikling sagot ni Karylle, "Ewan ko. Hindi naman sila umaamin."

BOLDER IN ACTING. Samantala, natutuwa naman si Karylle na magkakaroon ulit siya ng pagkakataong umarte sa entablado sa pamamagitan ng bagong produksyon ng STAGES, ang The Light in the Piazza.

"It's been a while since I did a play. West Side Story (2008) was the last one with Christian Bautista. And ito na nga, it will be another musical," sabi ni Karylle.

Sa pictorial, halatang naiilang pa si Karylle humarap sa media dahil nakasuot lamang siya ng kamison, na gagamitin niya sa isang eksena.

Kaya naman tinanong namin siya kung ibig sabihin nito ay handa na siya maging mas daring sa proyektong ito.

Sagot niya, "Well, pagdating naman sa theater... I have months to prepare. So, siguro naman by the time na we're gonna stage it, ready na ako."

Ayon pa kay Karylle, hindi rin naman ito ang unang pagkakataon na lalabas siya sa publiko suot ang isang sexy outfit. "Parang siguro ngayon dahil kilala nila kung sino ako, hindi masyadong tumatatak sa isip nila na nagmo-model ako in my underwear. Actually, mas balot pa nga [ako] sa lagay na 'to."

Hindi rin niya masyadong naiisip ito dahil para sa kanya, ito ay parte ng kanyang trabaho.

"Siyempre, when it comes to acting, kung ano ang ibibigay sa akin at kapag maganda ang piyesa, go."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN