Jewel Mische on rumored breakup with Richard Gutierrez: "Nag-break? Talagang nag-break?"

IMAGE 0


"Alam n'yo po, for the last three years, I never spoke about him. I remained silent, I kept silent, and it's going to be the same right now. I don't find any good reason to talk about us or talk about him right now," Jewel Mische said laughing when asked about reported breakup with rumored ex-boyfriend Richard Gutierrez.



Nahirapang magpaliwanag ang bagong Kapamilya actress na si Jewel Mische nang tanungin siya ng media tungkol sa napabalitang breakup nila ni Richard Gutierrez. (CLICK HERE to read related article.)

Nag-umpisa ang pag-uusisa ng entertainment writers tungkol dito nang mapag-usapan ang patuloy na komunikasyon nila ng ina ni Richard na si Annabelle Rama sa kabila ng pag-amin ng Kapuso actor ng paghihiwalay nila.

"Nag-break? Talagang nag-break?" natatawang sabi ni Jewel sa presscon ng Buhawi Jack kahapon, January 18, sa ABS-CBN.

Dahil dito, nagtaka ang mga nag-i-interview kung totoo ang balitang ito. Ngunit sa halip na sagutin ito, binalikan ni Jewel ang tanong tungkol sa relasyon niya sa ina ni Richard.

Aniya, "Well, si Tita Annabelle, sabi ko sa nga sa kanya, I would thank her from time to time. I know trophy talaga for me na biglang ganyan mo ako kamahal ngayon.

"Kasi, before talaga, siya naman ang nag-testify ng story na nangyari sa amin. She had the wrong impression about me. But then, when she got to know me, okay naman magmahal si Tita Annabelle. Until now, nothing changed."

Ibig bang sabihin nito ay hindi totoong nagkahiwalay sila ni Richard?

Muling tumawa si Jewel at sinabing, "Alam n'yo po, for the past three years, I've been silent. I kept silent about Richard. And it will remain the same right now, I'll be quiet."

Dagdag pa niya, "I don't see any good reason to talk about us right now. Lalo na he has a project with different girls and I have a project here in ABS-CBN."

Ang tinutukoy na project ni Jewel sa ABS-CBN ay ang Buhawi Jack kung saan siya ang leading lady ni Gerald Anderson. Ang sinasabi naman niyang project ni Richard ay ang pelikulang My Valentine Girls, kung saan kasama niya sina Rhian Ramos, Lovi Poe, Solenn Heussaff, at Eugene Domingo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lalo pang naging malaman ang pagtawa ni Jewel sa nabanggit ang issue ng breakup nang sabihin niya na: "Well, to make it more interesting, has anybody claimed me to be his girlfriend? Has anybody claimed me to be his girlfriend po?"

Sinubukan pa rin ng entertainment media na alamin ang totoo tungkol sa kanila ni Richard, ngunit sabi ni Jewel, "I don't find any good reason to talk about us right now.

"Whatever happens, whatever is happening, Richard won't do anything without my approval, without settling things with me, without talking with me.

"He won't do that. He won't be that rude to do that to me.

"So, what I'm trying to say is that kung anuman ang nangyari, kung anuman 'yong ngayon, kaming dalawa na lang ang nagkakaintindihan."

Ibig bang sabihin ng mga sagot niya ay nagkabalikan na sila ni Richard, na ayon sa kanya ay first boyfriend niya?

Natatawa ulit na sumagot si Jewel, "I will repeat what I said earlier. I never talked about my relationship with Richard in the past three years or more. I'm not going to talk about it right now.

"Funny, you know, I never talked about Richard when I was with GMA-7, and now... I didn't say that we're back together but I think my answers were very clear naman po."

Para tapusin na ang usapan tungkol sa anumang relasyong mayroon sila ni Richard sa ngayon, sinabi na lamang ni Jewel na, "My lovelife is alive."

SMOOTH TRANSFER TO ABS-CBN. Samantala, sinabi ni Jewel na naging maayos naman ang paglipat niya sa ABS-CBN mula sa GMA-7.

Ayon pa sa young actress, "'Yon ang blessing sa akin kasi walang oposisyon from anybody.

"Matagal ang process pero may blessing from Tita Annabelle, talk with the bosses of GMA-7. Nirespeto po nila ako kaya na-gain po nila lalo ang respeto ko for them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Even after my contract signing, I was able to meet up with Atty. [Felipe] Gozon and thank him again personally for giving me this chance. Thank you also to Tita Annabelle for being the bridge."

Sa ngayon, ayon kay Jewel, magiging busy na siya sa kanyang showbiz career. At umpisa na nga ng kanyang pagbabalik-telebisyon ang gagawin niyang weekend television series na Buhawi Jack.

"Right now, medyo mahihirapan po ako kasi ang schedule ko is medyo puno. ABS-CBN has so many great plans for me and it will demand time.

"So, 'yon po ang kailangang pag-aralan ko ngayon, kung paano ko ima-manage. Kasi, it's the first time na ganito kapuno ang schedule ko, e. The first time na puno ang MWF and TThS ko."

Gayunman, nilinaw ng 20-year-old actress na ang pagiging madalang niya sa telebisyon noong nakaraang taon ay kanyang sariling desisyon at hindi dahil hindi siya nabibigyan ng proyekto sa Kapuso network.

"Last time po kasi, it was partly a choice. So, this is the first time that I'm giving it my all to my showbiz career. Kaya nga po nabanggit ko before na bagong pagsisimula ito."

Masasabi bang mas naging makabuluhan ang kanyang paglipat?

"Worth it in a sense na so far nare-reach naman 'yong goal," sagot ni Jewel. "As of now, everything para sa akin is unexpected. I'm just so grateful that ABS-CBN, you know, is giving me this chance and, you know, they're trusting me sa ganitong mga project."

At kahit lumipat na siya, sabi ni Jewel, "Whatever success I will have in ABS-CBN, [GMA-7] will be proud of me kasi sila po ang nag-discover sa akin, and I give them that credit."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN