GMA-7 launches Louise delos Reyes to stardom via Alakdana

IMAGE 0


"Ngayon po, parang naiisip ko na ang daming expectations nila sa akin. Ang dami pong tanong kung 'Sino ba si Louise? Bakit siya ang binigyan?' So, kailangan ko pong ma-meet yung expectations nila. Gagawin ko na lang pong talaga ang best ko at iti-treat ko yun as the last time na magte-taping ako," says Louise delos Reyes about her first starring role.


Napakalaking oportunidad ang ipinagkaloob ng GMA-7 sa baguhang si Louise delos Reyes. Siya ang lead star sa pinakabagong afternoon series na Alakdana, na magsisimula nang umere sa January 24.

Dahil sa pagkaka-cast sa kanya sa Alakdana, nagpaalam na si Louise sa Sunday youth-oriented show na Tween Hearts. Pareho kasi ng taping days ang dalawang shows kung kaya't kinailangan niyang magpaalam sa Tween Hearts at mag-focus Alakdana.

Ayon kay Louise, masaya naman para sa kanya ang mga kasamahan niya sa Tween Hearts, gaya nina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Bea Binene, Jhake Vargas, Joyce Ching, Kristoffer Martin, Derrick Monasterio, at Lexi Fernandez.

"Actually nga po, noong last taping nga po, parang ayaw pa nila akong paalisin," sabi ng 17-year-old actress sa presscon ng Alakdana kagabi, January 17, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

WHY LOUISE? Sa Lunes nga ay huhusgahan na si Louise bilang bida ng isang napakalaking programa. How does she feel about it?

"Sobrang excited po at sobrang masaya!" bulalas niya.

"And parang napi-pressure rin ng konti. Kasi, alam ko naman po na aalagaan naman po ako ng production.

"Ngayon po, parang naiisip ko na ang daming expectations nila sa akin. Ang dami pong tanong kung 'Sino ba si Louise? Bakit siya ang binigyan?'

"So, kailangan ko pong ma-meet yung expectations nila.

"Gagawin ko na lang pong talaga ang best ko at iti-treat ko yun as the last time na magte-taping ako."

Ano sa tingin niya ang meron siya at binigyan siya ng ganitong oportunidad ng Kapuso network?

"Hindi ko rin po alam," sabi ni Louise.

"Kasi, marami pong magaling sa generation namin ngayon. Hindi ko po alam.

"Pero siguro po, masasabi ko lang po na kada eksena ko, ibinibigay ko ang best ko."

Aware naman si Louise na as early as now ay naiintriga na sila ng kanyang kasamahan sa Tween Hearts na si Barbie Forteza. Pinagkukumpara kasi silang dalawa at sinasabing kesyo si Louise na raw ang posibleng makatapat ni Barbie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi niya rito?

"Ano po kasi, parang yun po ang sinasabi nila. Pero para po sa akin, iba po yung atake ni Barbie. Iba rin po yung atake ko. Iba yung target audience po," sagot ni Louise.

Bukod dito, mas matanda si Louise kay Barbie. Seventeen na si Louise samantalang 13 pa lang si Barbie.

SEXY IMAGE. Kaugnay ng kanyang edad, isa rin ito marahil sa dahilan kung bakit ipinagkatiwala sa kanya ang lead role sa Alakdana.

"Actually, hindi ko naman po itinatanggi na parang ako yung isa sa matanda doon [Tween Hearts]. Seventeen na po ako.

"Parang feeling ko, awkward na po sa akin ang palaging magpa-tweetums. So, kailangan po ng growth ng bawat artista. So, I think, it's time na rin po na mag-grow na rin po ako."

May plano ba ang GMA-7 na gawing sexy ang image niya na tipong pantapat sa mga tulad ni Erich Gonzales ng ABS-CBN?

"Ay, hindi naman po," sabi ni Louise.

"Actually, yung sa damit ko pa lang po, nag-iisip sila kung paanong magiging sexy. Pero hindi kailangang maglabas palagi ng dibdib and merong konting sweetness. Parang gusto nila na may kapilyahan ng konti."

Kung eventually ay sexy ang maging image niya, okay lang ba sa kanya?

"Sexiness in a way na hindi ganoon kabastusin na parang sweet pa rin," sagot niya.

"Yun po kasi ang tina-target namin. Yung hindi para pagsawaan na, ayan na naman, pa-sexy na naman."

May limitations ba siya?

"Siguro po hindi yung magpapa-sexy na sobrang sexy na talaga. Mas okay po sa akin yung konting silip-silip," sabi ni Louise.

LEADING MEN. Sa Alakdana ay tatlo ang leading men ni Louise—sina Paulo Avelino, Ritchie Paul Gutierrez, at ang baguhan ding si Alden Richards.

Paano niya ide-describe ang tatlong leading men niya?

"Si Paulo po, akala n'yo parang ang tahi-tahimik. Pero yun, kapag nang-asar, pang-asar din po. Pero parang feeling ko, sa amin walang edad-edad. Parang kasing-edad ko lang sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Ritchie Paul naman po, sobrang tahimik, pero alam ko po na may kakulitan din. Kasi, first time pa lang po naming nagka-work. One day pa lang po kaya idi-discover pa po namin.

"Si Alden naman po, since matagal ko na rin po siyang nakatrabaho... Nagkaroon po kami ng commercial together, yung Moby po. Sobrang comfortable na po kami. Kahit mag-holdhing hands kami, okay lang. Wala nang ilang-ilang."

Pero ayon kay Louise, sina Alden at Paulo ang mas close sa kanya dahil palagi niyang nakakasama ang mga ito, kumpara kay Ritchie Paul na isang beses pa lang niya nakakaeksena.

IDOLS & CRUSH. Bilang baguhan, maraming artistang hinahangaan si Louise na gusto raw niyang tularan at makasama rin.

"Si Ms. Jean Garcia po," pagtukoy ni Louise tungkol sa kanyang co-star sa Alakdana.

"Actually nga po, parang napi-pressure ako kapag kaeksena siya. Ang bilis niyang umiyak. Ako, hindi pa nakakaiyak. Parang ganoon.

"Actually, marami po akong idols—si Ms. Marian Rivera, si Ms. Rhian Ramos, Ms. Glaiza de Castro... Halos lahat po.

"Kasi, may iba-iba po silang atake sa scene. Like si Ms. Marian, talagang mararamdaman mo. Si Rhian, may iba.

"Gusto ko po na one day, maging katulad din nila ako."

Si Chris Tiu naman ang sinabi ni Louise na crush niya sa showbiz.

But when asked kung sino sa young actors ang gusto niyang makapareha if given the chance, si Aljur Abrenica ang kanyang binanggit.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN