Director GB Sampedro denies third party in breakup with Candy Pangilinan; says Ai-Ai delas Alas is just a friend

IMAGE 0


"Hindi ko alam yung sinasabi nilang third party. Kung ano yung ebidensiya nila na may third party, e, di ilabas na lang nila. I-tweet na rin nila, tutal tweet sila nang tweet," says director GB Sampedro about report that a third party is involved in his breakup with Candy Pangilinan.


Gulat na gulat ang direktor na si GB Sampedro sa paglaki ng isyu sa breakup nila ng comedienne na si Candy Pangilinan.

Hindi inaasahan ng direktor ng Paparazzi na maging sa Twitter ay may mga lalabas na pasaring tungkol sa kanya kaugnay ng paghihiwalay nila ni Candy.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Direk GB, hindi niya alam kung paano umpisahan ang paglilinaw sa isyu dahil may mga pasaring na raw sa Twitter na may ibang babae raw siya.

"Yun na nga. Alam ko na may mga lumabas nang mga tweet. Hindi nga ako makapaniwala kasi wala naman akong Twitter [account].

"Yun nga, sabi raw, confirmed! May babae raw ako! Anong babae? Wala nga, e!" pagtatanggol ni Direk GB sa sarili.

Akala ni Direk GB ay tahimik silang naghiwalay ni Candy, pero sorpresa sa kanya ang mga lumalabas na tweets ng comedienne tungkol sa nangyari sa kanilang relasyon.

AI-AI DELAS ALAS. Nasasangkot din ang pangalan ng Concert Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas sa hiwalayan nina Direk GB at Candy. Napagdududahang si Ai-Ai raw ang babae sa buhay ng direktor.

"Magkaibigan kami no'n," pagkumpirma ni Direk GB sa samahan nila ni Ai-Ai.

Inamin ni Direk GB ang paglabas nila ni Ai-Ai, pero "friendly date" lamang daw yun.

"Nagkayayaan lang kami. Nagkataon lang na wala akong ginagawa noon kaya lumabas kami... sa Klownz lang kami nagpunta.

Diin pa niya, "Malinis ang pagkakaibigan namin ni Ai-Ai.

"'Saka, matagal na kami talagang magkaibigan nun, even before Ruffa and Ai pa."

Ang tinutukoy ni Direk GB ay ang matagal nang nagwakas na show nina Ai-Ai at Ruffa Gutierrez sa ABS-CBN na idinirek niya.

Sabi pa ni Direk GB, kahit "sexy, maganda, mabait, at girlfriend-material" si Ai-Ai ay hindi sila puwedeng magkatuluyan nito o magkaroon ng romantic bonding.

"Yung friendship namin ni Ai-Ai, walang malisya. Talagang magkaibigan lang talaga kami," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO THIRD PARTY. Hindi raw makapaniwala si Direk GB na naakusahan siyang may third party sa panig niya nang maghiwalay sila ni Candy dahil wala raw ibang taong involved sa breakup nila.

Ayaw na rin daw palakihin pa ni Direk GB ang isyu kaya naman hindi siya nagdetalye sa rason ng breakup nila ni Candy.

Pero inamin niyang hindi na sila nagkakasundo ng komedyana kaya minabuti raw nilang tapusin na ang kanilang relasyon.

Sabi ni Direk GB, "Iba-ibang pananaw na. May mga maliliit na issues na napapalaki. Minsan hindi na kaya resolbahan kaya nauuwi sa hindi pagkakaunawaan.

"Ganun talaga pag tumatagal ang isang relasyon. Sumulpot ang mga isyu kapag hindi mo na kaya ang demands ko, yung ugali ko. Ganun din ako sa kanya. Mga gano'n."

Aminado naman si Direk GB na nainis siya sa pagkakalantad ng nangyari sa kanilang relasyon ni Candy sa Twitter.

"Dapat kasi pribado yun na puwede namang sa amin na lang at hindi na kailangang lumabas pa.

"Tapos, may mga kung anu-anong mga... Ang Twitter kasi, mga one-liner. Parang ang dating niyan, yung mga one-liner na hirit, lumalaki. Kasi, iba-iba yung mga interpretasyon no'ng iba.

"Tapos, may mga sawsawero-sawsawera! Face-to-facena lang kayo magkita, sawsawan nang sawsawan, e!" natatawa niyang sabi patungkol sa show ng TV5 na tumatalakay sa alitan ng mga ordinaryong tao.

Dugtong ni Direk GB, "Ayoko nang depensahan ang sarili ko. Ang sa akin lang, sana tumahimik na lang ang lahat para hindi na lumaki pa. Ang dami kasing sumasawsaw, e."

MUTUAL DECISION. Ayon sa direktor, "mutual" ang desisyon nila ni Candy na maghiwalay. Kaya nagtataka raw siya kung bakit may mga one-liner sa mga tweet na parang siya ang natuturong may problema.

"Hindi ko alam. Hindi ko alam yung sinasabi nilang third party.

"Kung ano yung ebidensiya nila na may third party, e, di ilabas na lang nila. I-tweet na rin nila, tutal tweet sila nang tweet," hamon ng direktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw rin ni Direk GB ang isa pang isyu na masyado raw siyang seloso at nasasakal na raw siya sa kanilang relasyon si Candy.

"Masasabi ko naman na ako yung tipo ng lalakeng magseselos lang kung may dahilan, may basehan.

"Pag wala naman, bakit ka naman magseselos? Kung seloso nang wala sa lugar, hindi ko masasabing gano'n ako.

"Nagseselos lang ako pag may nakikita akong, 'Uy, hindi maganda yung ganyan, yung ganito.'

"Actually, hindi selos yun, e. Mga pagpapaalala lang na huwag ganyan, huwag gano'n. Walang specific na kung ano.

"Kung nagseselos man ako, yung more on actions niya, yung sitwasyon.

"Siyempre, pag ikaw ay nasa isang relasyon, gusto mong maging maganda yung relasyon at ayaw mo naman siyang mapasama," paliwanag niya.

CALLING OFF THE WEDDING. Itinuwid din ni Direk GB ang balitang siya raw ang nag-call off ng wedding nila ni Candy.

"Unang-una, wala pa naman talagang details. Wala pang date or preparations," diin niya.

"Matapos yung proposal ko sa kanya, wala pa talaga kaming konkretong napag-uusapan tungkol sa kasal.

"Hindi ko masasabing mabuti nga at wala pa talagang details sa kasal. Naisip ko lang na pangit kung sumulpot yung problema, tapos biglang nag-call off kami ng wedding, or isa sa amin hindi sumipot sa wedding namin."

ENGAGEMENT RING. Tumagal din ng mahigit isang taon ang relasyon nina Direk GB at Candy.

Sa pagkakatanda ng direktor, sa ika-anim na buwan mula nang maging opisyal ang relasyon nila ni Candy nag-propose na siya ng kasal, kasabay ng pagbibigay niya ng singsing sa Tagaytay.

Totoo bang binabawi raw niya ang engagement ring kay Candy?

Ayon kay Direk GB, napag-usapan nila yun ni Candy at sinabi nitong ibabalik niya ang singsing.

At press time, wala pa raw sa kanya ang singsing.

Kaya nagtataka raw siya kung bakit sinasabing kaya raw nagalit sa kanya si Candy dahil binawi na niya ang singsing, samantalang wala pa sa kanya ang engagement ring.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CANDY'S REACTION. Samantala, kinontak ng PEP si Candy upang hingan ng pahayag tungkol sa mga sinabi ni Direk GB.

Pero isang maikling mensahe lamang ang kanyang ipinarating sa amin: "I'd rather keep quiet."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN