Anne Curtis's family in Brisbane, Australia now safe from flood

IMAGE 0


Actress Anne Curtis expressed relief now that her family, particularly her sister Kaye, is now safe from the massive flood that struck Brisbane, Australia.


Isa si Anne Curtis sa mga artistang tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy noong 2009. Pero ngayong 2011 ay ang sariling pamilya niya sa Brisbane, Australia ang naging apektado ng malawakang pagbaha roon.

Hindi nga naiwasan ni Anne na mag-alala sa kalagayan ng kanyang pamilya, partikular na ang kanyang kapatid na sa Brisbane mismo nakatira.

"Nandoon sa Brisbane ang sister kong si Kaye, si Ruby Claire, yung bunso nila, and their three other boys na mga nephews ko. Siyempre, kabado ka dahil puro maliliit, e," sabi ni Anne sa taped interview sa kanya ng The Buzz noong Linggo, January 16.

Iba't ibang kalamidad nga ang nagaganap sa iba't ibang panig ng mundo na ang sanhi ay ang malakas na pag-ulan, katulad na nga lang ng nangyaring pagbaha sa Eastern Australia.

Pero last Thursday, January 13, masayang ibinalita ni Anne sa kanyang Twitter account na ligtas na ang kanyang kapatid at mga pamangkin.

"They're good, they're safe, my family down the coast. We're just worried lang in the beginning because yung kapitbahay nila was under water. They have a second floor, so they went to second floor. Sinabi niya pa sa amin, 'Don't worry, we're not gonna drown or anything.'"

Pero bago yun, may mga naglabasang balita na hindi na makontak ang kapatid niya.

Paliwanag naman ni Anne, "The power was out. Everything was turned off. Pinatay niya yung phone to save power daw. Kinabahan ako! But at least, they are safe na."

Nagpasalamat si Anne sa mga taong nagdasal para sa safety ng kanyang pamilya.

"Maraming salamat sa mga lahat ng nag-pray for my family. It really means a lot. Kahit hindi ko sila kakilala. That goes a long way.

"Sana 2011 is a year that we can learn to take care of mother nature more. To take care of our planet..." saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN