Jaclyn Jose's mother passes away at 72

IMAGE 0


Jaclyn Jose with daughter Andi Eigenmann (main photo) and sister and former actress Veronica Jones (inset) at the wake of her mother, Mrs. Rosalinda Sta. Ana. Jaclyn's mom passed away last January 14 from complications of severe asthma.


Nagdadalamhati ngayon ang aktres na si Jaclyn Jose dahil sa biglaang pagpanaw ng kanyang ina na si Rosalinda Sta. Ana noong hapon ng Enero 14, 2011.

Bagamat nalunasan na sa Heart Center ang unang naging sakit na severe asthma ng ina ni Jaclyn, after a week of confinement starting January 9, naging sanhi rin 'yon ng kumplikasyon matapos mag-shoot-up ang BP o blood pressure nito.

"Lalabas na siya ng ospital, e. May release [order] na kami ng doktor, tapos biglang tumaas ang BP niya at hindi na bumabalik sa normal, tuluy-tuloy na... Hindi ko ito inaasahan," malumanay na sabi ni Jaclyn (Mary Jane Sta. Ana Guck in real life) nang bisitahin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi, January 18, sa Ascencion Columbary ng Arlington Memorial Chapels sa Araneta Ave., Quezon City.

Jane's mom Rosalinda was 72 years old.

"Nag-birthday siya nung December 9. Tinapos niya... Christmas, New Year, tinapos niya," banggit din ni Jaclyn sa naging magandang pamamaalam sa kanilang anim na magkakapatid ng kanilang butihing ina.

Ayon kay Jaclyn, last year was their happiest holiday season sa piling ng kanilang mommy. Sina Jaclyn at nakatatandang kapatid na babae na si Lorraine (ang dating aktres na si Veronica Jones) and a brother, John, ang nasa bansa for their mom's birthday and for the Christmas holidays.

Ang tatlo pa nilang nakababatang kapatid na sina Marie, Dondon, and Jason ay pawang U.S.-based at kahapon lang dumating to pay their last respects to their departed mother.

"Malungkot ang maiiwan," sabi ni Jaclyn.

"Ang affected nang sobra, kapatid ko, si Dondon. Favorite siya ng mommy ko. Ngayon lang sila [Dondon, Marie, Jason] dumating galing States."

Gayunman, regular naman daw ang communication ng mga ito sa kanilang mahal na ina.

Sa Sabado, January 22, ang libing ni Mommy Rosalinda sa Himlayang Pilipino.

MOMENT OF DISBELIEF. Nasa taping daw ng ABS-CBN afternoon soap na Sabel sa Nagcarlan, Laguna si Jaclyn nang pumanaw ang kanyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Nung nangyari yun, parang meron kang disbelief. 'Paanong nangyari yun? Bakit nangyari?'

"May ganun pala pag anak ka. Parang hindi totoo.

"Kasi, feeling ko, hindi siya mawawala. Ganun pala pag anak, ano? Meron kang feeling na imortal... Pag nanay mo, imortal.

"Ang alam namin, nandiyan lang siya. Hindi siya puwedeng mawala, diyan ka lang. Akala namin, gano'n."

Hindi naman daw siya nakakaramdam ng pagkapilay sanhi ng pagyao ng kanyang ina.

"A, nandiyan naman si Ate Vero," sabi ni Jaclyn. "Pero hindi puwedeng wala si Mama, e. Kahit nandiyan kaming lahat, si Vero, ako, kaming mga head of the family, kailangan namin siya diyan."

Walang premonition ng nakatakdang pagpanaw si Mommy Rosalinda, ayon din kay Jaclyn.

"Hindi siya nagparamdam, e."

Looking at her mom inside the coffin, na maaliwalas ang mukha nito sa pagkakahimlay, gladdens the actress-daughter. Alam niyang masaya ang kanyang mommy saan man ito naroroon ngayon.

"Bumata siya. And she's been taking care of us. Alam niya, nandito kami," ngiti ni Jaclyn.

MORAL SUPPORT. Sa buong panahon ng lamay, sa bawat gabi, ay hindi nagsasawa si Jaclyn sa pagbanggit sa mga nakikiramay sa naging sanhi ng pagyao ng kanyang ina at kung gaano ito naging mapagmahal sa kanilang magkakapatid.

Hindi na siya masyadong makasagot sa mga tanong hinggil sa kanyang trabahong showbiz, pati kung anong araw ng linggo ay nalilimutan niyang pansumandali.

"Wala na akong mind sa... Asikaso kami nang asikaso araw-araw, masakit na ang ulo ko. Kaninang umaga lang ako nakatulog nang mabuti."

Noong gabing makausap ng PEP si Jaclyn ay kalmado na siya matapos ang matinding pag-iyak nang unang mabatid ang nangyari sa ina, ayon sa kanyang kaibigan at manager na si Edgar Instrella.

Pero hindi mapatid sa isipan at laging binabanggit ng aktres ang naging immediate cause ng pagkamatay ng kanyang mommy.

"Nang mag-shoot up ang BP niya, dinala na siya sa ICU," sabi ni Jaclyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko alam, e. Meron na kaming release [papers]... Ang feeling ko, yung hindi siya natulog magdamag [on January 13], na-excite siya nung uuwi na, e.

"Tapos, hindi na rin kumain ng lunch kasi uuwi na raw. Sabi, 'Ayoko Jane. Kakain na ako sa bahay, uuwi na, e.' Na-excite siguro.

Ever since, ang dating nag-artistang kapatid na si Veronica Jones ang naging pinakamalapit kay Mary Jane. O lalo't sila ang nakatatanda na kaagapay ng ina.

"Sa moral support. Bilang... nandiyan lang siya, ayos na, e. Inaalagaan namin siya, ever since. Alaga namin ang mommy ko, kaya kami nagtrabaho.

"Nag-artista ako dahil sa kanya. Para matulungan siya. Nag-takeover ako [sa pag-aartista] nang mag-asawa si Vero," saad niya.

ANDI AND GWEN. Marami nang apo sa kanyang mga supling si Mommy Rosalinda, kabilang ang dalawang anak ni Jaclyn na sina Andi Eigenmann (her 20-year old daughter with actor Mark Gil) at Gwen Garimond (her nine-year-old son with Kenneth Ilagan, former vocalist of True Faith).

"Sa akin, dalawa. Kay Vero, lima. Sa mga lalake, tigalawa," banggit ni Jaclyn.

Last night, nagkataong walang scheduled taping si Andi kaya kasama siyang nag-istima ng mga nakiramay sa ikalimang gabi ng burol para sa kanyang yumaong lola.

"Nung bata po kami, tinuturuan niya kaming mag-baraha," banggit ni Andi nang tanungin ng PEP hinggil sa kanyang fondest memories of her Lola Rosalinda.

"Nung bata pa ako, close kami [magpipinsan] sa kanya kasi lagi niya kaming tinuturuan ng pangmatandang bagay. Hindi masama, ha. Pang-matanda lang. Ginagawa niya kaming mga ano niya... kumare! Di ba, mommy?"

Bagay na sinang-ayunan naman ni Jaclyn.

"Koboy 'yan e. Mommy ko, koboy 'yan," nakangiting sabi ng aktres.

Saksi si Jaclyn sa naging magandang ugnayan ng mag-lola. Hindi raw ito naging istriktang lola o kaya'y spoiler nina Andi at Gwen.

"Koboy 'yan. Wala lang, dedma lang siya. Koboy mama," dugtong ni Jaclyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang youngest child naman ni Jaclyn na si Gwen ay nasubaybayan din ng kanyang mommy hanggang sa ika-siyam na taon nito.

"Nandiyan lang siya sa loob, pakalat-kalat, mataba!" biro ni Jaclyn.

Sa mismong chapels, masayang kahalubilo ang batang si Gwen ng kanyang mga pinsan. Third grader na ito sa Ateneo at matatas magsalita sa wikang Tagalog at Ingles.

"Okey kami ni Kenneth," sabi ni Jaclyn tungkol sa ama ni Gwen, na nananatiling mabuting kaibigan.

"Walang problema, lagi siyang nandiyan para sa anak niya kaya open ang communication. Dumalaw na siya."

BACK TO WORK SOON. Ayon kay Jaclyn, balik-trabaho na siya sa susunod na linggo.

"One week lang akong off. By Monday [January 24], balik na ako. Kasi yung story, e. Siyempre, kailangan ko rin silang intindihin.

"Ako na ang nagsabi, babalik ako ng Monday. Kasi yung takbo ng story ng Week 8, masisira.

"Mabait naman ang mga taga-Sabel. Nung first night, nandito sila, very supportive."

May iba pa ba siyang gagawing teleserye o pelikula this year bukod sa Sabel?

"Yun lang ang ginagawa ko. I'll wait, after... one at a time na muna ako.

"Sumasakit na yung balakang ko. Hindi na ako kasing-lakas ng dati.

"Or, depende kung may dumating, hindi ko na alam. Wala rin yata akong matandaang ginawang pelikula last year. Sa ngayon, parang wala akong maalala, maski ano."

ANDI'S MOM. Kahit ngayong sikat na si Andi Eigenmann, hindi kinakitaan si Jaclyn ng pagiging isang stage mother.

"Hindi," sambit niya. "Siya pa ang ang nagpapaliwanag sa akin, 'Mommy, you know what? Ganito 'yan...' 'A, okey...' Gumagano'n na lang ako."

Jaclyn believes her daughter has a mind of her own at kaya nitong diskartehan ang sarili sa larangang pinasok.

"Magaling siya," pagpuri ni Jaclyn sa anak. "Basta ang importante, professional siya, on time siya, alam niya ang ginagawa niya. Pinababayaan ko siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mabilis na pagsikat at magandang impression ng taga-industriya sa angking kahusayan ng anak makes Jaclyn doubly proud of Andi. Tinutulungan pa niya ito ngayon to promote her lead teleserye starrer, ang Minsan Lang Kita Iibigin, na malapit nang ipalabas sa ABS-CBN.

"Hindi ko na siya kailangang i-guide o turuan. Papanoorin ko na lang. Wala naman akong nakikitang diperensiya, e. Yung sa dapat kong i-correct na depth? Marunong, e.

"Hindi rin naman siya yung pasaway. Pag may taping, magte-taping 'yan. Hanggang umaga, hindi magrereklamo, tapos biglang nandun na pala!"

No doubt, Andi's innate talent as an actress she took after her very talented set of parents, Jaclyn and dad Mark Gil. At lubos itong nakakapagpaligaya sa kanyang mommy.

"Oh, yeah. Kaya alagwa na ako diyan, pinababayaan ko na lang siya," sabi ni Jaclyn.

Kumusta naman ang sitwasyon ngayong meron na ring manliligaw ang anak niya?

"Ang advice ko sa kanya, 'Be free, cause you're 20, you should learn to take care of yourself.' Tsaka, para naman tayong hindi nagdaan ng 20," makahulugang sambit ng aktres.

ANDI'S DAD. Sa mga tinuran patungkol sa ama ni Andi ay may bahid ng hinanakit si Jaclyn. Pangunahing dahilan ay ang diumano'y "madalang pa sa pagpatak ng ulan" na magpakita si Mark Gil sa kanyang dalagang anak na.

"Nasa sa kanya 'yon, hindi ako nakikialam," seryosong sabi ni Jaclyn. "Katulad niyan, hindi natin alam kung pupunta siya [sa burol ni Mommy Rosalinda].

"Para madagdagan yung mga hindi niya talaga pagpunta...birthday, graduation ni Andi. E, idire-diretso na niya.

"Baka sa wedding ni Andi, hindi rin magpunta 'yan, e. Di okey lang. Idire-diretso na talaga."

Then, as an afterthought, Jaclyn averred, "Sa debut pala [ni Andi], inimbita pala niya sarili niya. O si Andi nag-invite.

"Okey lang naman sa akin. Sino bang hindi... Gusto mo, masaya ang anak mo, 'no?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isipan ay umaasa rin si Jaclyn ng pagbabago sa sitwasyon ng mag-ama, at nais ding isipin na tumitiyempo lang ang daddy ni Andi para punan ang mga pagkukulang sa bata.

"Siguro," marahang banggit ni Jaclyn. "Ay, wala naman akong demands sa kanya either or I don't mind. Close nga si Andi sa kabila [Eigenmanns] dahil hindi ko naman binawalan. Wala akong binabawalan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN