Gerald Anderson: "Hindi pa naman tapos ang Kimerald."

IMAGE 0


"Sa akin naman, hindi ko naman hawak 'yon. Siyempre, kung kaya kong i-control 'yon, gagawin ko ang lahat," says Gerald Anderson about the death threats he and his new leading ladies receive from fans.


Hindi pa rin nawawala sa pangalan ni Gerald Anderson ang issue tungkol sa death threats na umano'y galing sa fans. Madalas itong napapabalita sa tuwing siya ay maipapareha sa ibang artista bukod sa kanyang long-time partner na si Kim Chiu. (CLICK HERE to read related article.)

Kaya naman ngayon may bago siyang leading lady sa kanyang bagong TV project sa ABS-CBN, ang Buhawi Jack, tinanong siya ng entertainment press kung paano niya mapoprotektahan ang mga makakasama sa trabaho sa mga pagbabantang ito.

"Sa akin naman, hindi ko naman hawak 'yon. Siyempre, kung kaya kong i-control 'yon, gagawin ko ang lahat," sabi ni Gerald sa press conference ng programa na ginanap kahapon, Enero 18, sa 9501 restaurant sa ABS-CBN compound.

Patuloy niya, "Kaso sa amin, siguro ang gagawin na lang namin, kami nina Jewel at ni Sarah, gagawin na lang po namin ang trabaho namin nang maayos. Sana susuportahan pa rin kami ng mga fans."

Bukod kay Jewel, maipapareha rin si Gerald sa Pop Star Princess na si Sarah Geronimo sa isang pelikula na gagawin ng Star Cinema.

Naniniwala rin si Gerald na ang mga pagbabantang natatanggap niya ay hindi galing mismo sa mga masugid na fans nila ni Kim.

"'Yong mga nagbibigay ng death threats, alam ko na hindi po mga Kimerald talaga. Feeling ko, mga ibang tao 'yan na hindi po talaga maku-control.

"So, bilang leading man lang po nila, gagawin lang po namin ang trabaho namin."

Bagamat may iba siyang leading lady ngayon, siniguro naman ng binatang aktor na: "Hindi pa naman tapos ang Kimerald, siyempre."

Ayon kay Gerald, isang hakbang lamang ito upang maipakita ang kanilang indibidwal na kakayahan sa publiko.

"Ako, open pa naman akong gumawa ng mga future projects [with Kim], siyempre.

"Pero siyempre, ito po 'yong time namin ni Kim to grow na kami lang, may mga proyekto na hindi kami magkasama, para maipakita po namin 'yong talent at galing namin kahit hindi kami magkasama."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORKING WITH JEWEL. Samantala, natutuwa naman si Gerald dahil makakasama niya ang kalilipat pa lamang na Kapamilya actress na si Jewel Mische sa Buhawi Jack.

Si Jewel ay produkto ng reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck, kunsaan nagwagi siya bilang Ultimate Sweetheart sa Season 4. Naging Kapuso star siya sa loob ng apat na taon bago lumipat sa ABS-CBN. (CLICK HERE to read related article.)

"Sobra siyang magaan sa set and she's very dedicated. Magaling kasama kasi lahat kami gusto naming maging successful 'yong show, so pare-pareho kaming nagtutulungan," sabi ni Gerald tungkol sa kanyang bagong leading lady.

Sa full-length TV series na ito ng lingguhang Wansapanataym, inaasahan ni Gerald na makikilala pa nang lubusan si Jewel at iba pang kasama sa programa.

Ani Gerald, "Kasi, sa amin, isang araw pa lang kami nagkasama ni Jewel. Well, isang taping day, pero nakapag-workshop na kami, nakapag-story conference.

"Siyempre, gusto ko makilala ko pa siya nang husto. At dito sa Buhawi Jack, maraming days pa kami magkasama. So, 'yong bonding namin, talagang mas lalalim pa."

Magsisimula ang TV adaptation ng serial comics ni Rod Santiago na Buhawi Jack sa darating na Sabado, Enero 22, sa primetime slot ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN