Nina has no grudge anymore against ex-boyfriend Nyoy Volante, just wants her money back

IMAGE 0


"Pag may galit ka pa rin kasi sa katawan mo, parang may pagmamahal o may iniisip ka pa rin na memories. So, ang concern ko na lang ay maibalik sa akin ang pera ko. Wala akong galit or whatsoever, ibalik na lang nila. Yun lang ang kailangan nilang gawin—bayaran ang dapat nilang bayaran para tapos na ang lahat," says Nina about the money that ex-boyfriend Nyoy Volante and his family owe her.


Kasabay ng paglabas ng balita na madi-disband na raw ang grupong Sessionistas ng ASAP Rocks, usap-usapan din na lilipat na raw ng ibang network ang Soul Siren na si Nina.

Si Nina ang isa sa pinakaaabangang performer at isa sa may pinakamalaking hukbo ng tagahanga sa Sessionistas. Kaya marami tiyak ang manghihinayang at nagsasabing malaking kawalan sa grupo pag natuloy na mawala sa kanila si Nina.

Sa nakaraang presscon para sa concert na ASAP Sessionsitas 20.11, na gaganapin sa Araneta Coliseum on February 5, nilinaw ni Nina sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang balitang iiwan na niya ang Sessionistas at ito na ang huling concert ng grupo kasama siya.

"Wala namang nababanggit sa akin, walang offers," sabi ng Soul Siren.

"Sabi ko nga, hindi ko alam kung yung manager ko ang kausap nila. Pero sa akin, wala naman.

"Regarding sa issue na madi-disband na raw ang Sessionistas, parang nabanggit nga 'yan sa presscon namin. It's a segment sa ASAP na ginawan ng shows.

"Iba't ibang artists ang bumubuo nito na na-establish na nila ang mga sarili nila in their own rights. Kumbaga, lahat kami may career na.

"So, mawala man ang grupo o ma-disband kami, lahat mayroon nang individualities."

Bukod kay Nina, kasama rin sa ASAP Sessionsitas sina Aiza Seguerra, Juris Fernandez, Sitti, Duncan Ramos, Princess Velasco, at Richard Poon.

RICH BOYFRIEND. After her controversial breakup with Nyoy Volante, masaya na ngayon si Nina sa kanyang non-showbiz boyfriend, na ayon sa balita ay mayaman.

Naiulat nga noon na niregaluhan daw si Nina ng kanyang boyfriend ng luxury car na Lamborghini, na gamit-gamit daw ng singer noong nakaraang Star Awards for Music ng PMPC.

Nilinaw naman ni Nina ang tungkol dito.

"Sa kanya yun, hinatid niya lang ako. Sobra naman kung magreregalo siya ng ganun!" sambit niya.

"Wala pa naman kami sa point na tatanggap ako ng sasakyan galing sa kanya. Boyfriend-girlfriend pa lang kami at hindi naman tama na magregalo siya ng kotse sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Nina, maayos ang itinatakbo ng relasyon nila ng kanyang boyfriend. Kung may isa man daw siyang natutuhan sa dating naging relasyon—partikular na sa naging relasyon nila ni Nyoy—ito ay may kinalaman sa pera.

"Una, huwag kang magpapautang kasi baka hindi mabayaran," sabi niya.

"Hindi mag-a-attempt na mangutang sa akin yun [her current boyfriend] dahil hindi niya kailangan, saka alam naman niya ang mga nangyari."

Para kay Nina, mas nagwu-work ang pagkakaroon ng non-showbiz boyfriend kesa kung taga-showbiz ang kanyang karelasyon.

"Okay na okay kami ng boyfriend ko," aniya.

"For me, parang nagwo-work sa akin yung non-showbiz. Di masyadong napag-uusapan, private. Tapos pag may problema kami, kami-kami lang ang umaayos."

ESTAFA CASE. Kinumusta rin namin kay Nina ang estafa case na isinampa niya kay Nyoy. Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin nakikipag-ayos sa kanya ang ex-boyfriend at hindi pa rin daw binabayaran nito ang P1.4 million na utang sa kanya.

"Hindi pa, kasi feeling nga nila, wala silang utang sa akin. They think they don't owe me anything. So, ano ang iaayos nila sa akin? Wala, di ba?

"Ongoing pa rin yung kaso namin. Alam ko ipapasa na sa higher court.

"Pero yung ibang kaso nila sa mga inutangan nila, drinop na sila ng mga abugado nila. May warrant of arrest na sila.

"May utang sila sa pari, sa second cousin nila... Hindi lang pala sa akin.

"Kumbaga, marami silang inutangan bukod sa akin. So, naaawa naman ako," saad ni Nina.

Wala na raw siyang galit o anumang nararamdaman para kay Nyoy. Ang gusto na lang ni Nina ay maibalik ang P1.4 million na pinaghirapan niya.

"Pag may galit ka pa rin kasi sa katawan mo, parang may pagmamahal o may iniisip ka pa rin na memories. So, ang concern ko na lang ay maibalik sa akin ang pera ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala akong galit or whatsoever, ibalik na lang nila. Yun lang ang kailangan nilang gawin—bayaran ang dapat nilang bayaran para tapos na ang lahat.

"Pinaghirapan ko yun. Hindi yung halaga, e.

"Nagkasakit ako dahil dun. Marami akong family gatherings na hindi ko napuntahan dahil nagtatrabaho ako to earn that money," diin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN