Nonito Donaire Sr. airs his grievances about son Nonito Jr.

IMAGE 0


"Dumating kayo sa buhay ni Nonito, world champion na. Kami nga ang nag-umpisa diyan, hindi na kami nakialam. Tapos ngayon, kayo na ang nakinabang, kung ano-ano pa ang sinasabi ninyo sa amin?" says Nonito Donaire Sr. about Rachel Donaire, wife of boxing champ Nonito Donaire Sr. (in photo).


Nagpahayag na rin ng saloobin ang tatay ni Nonito Donaire, Jr. tungkol sa alitan nila ng kanyang anak na si Nonito Jr.

Tulad ng pahayag sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng kanyang asawang si Imelda Donaire, sinabi ni Tatay Nonito Sr. na malaki na ang ipinagbago ng ugali ni Nonito Jr. (Junjun) mula nang mapangasawa nito si Rachel.

Si Nonito Sr. ang nagturo ng boxing kay Junjun. Pero nagkahiwalay ang kanilang landas dahil naghanap ng ibang trainer ang kanyang anak nang maging world champion ito.

"Ako na nga ang nalugi dito, ako pa ang ibinabaon nila," simula ni Tatay Nonito.

"Hindi naman ako naghahabol sa kanila. Ang alam ko, kung bakit ako ginaganyan nina Rachel, kasi parang takot sila na kami ni Junjun magkabalikan.

"Dumating sila sa boxing... Dumating sila sa buhay ni Junjun, world champion na 'yan. Biglang nabago... biglang ako ang sinipa. Hindi man lang sinabi na, 'Hoy, umalis ka na, hindi ka na namin kailangan!'

"Basta nabasa ko lang sa Internet na hindi na raw ako ang trainer. Nakahanap na raw sila ng ibang trainer kaya masakit para sa akin."

Nakausap ng PEP si Tatay Nonito via overseas call noong Biyernes, January 21.

THE HISTORY. Ikinuwento ni Tatay Nonito sa PEP ang pagsisimula ng boxing career ni Nonito Jr.

"Nag-umpisa kami mag-train ni Nonito, hindi ko siya pinilit na mag-boxing. Si Glenn [panganay niyang anak] ang ipinasok ko sa boxing dahil nato-trouble na sa school, na-recruit na ng Filipino gang.

"So, nasuspindi na siya. Nagpupunta na ako sa school para makipag-usap sa principal.

"Kaya yung spare time ko sa hapon, pagkagaling sa work at sila rin, uuwi ng mga 2:30 pm, ang spare time na 'yon, sabi ko, dalhin ko ang mga bata sa gym.

"Kinausap ko ang mga bata, si Glenn at saka si Junjun. Sabi ko, 'Mag-boxing ka, ha.' Sabi ni Glenn, 'O, sige, Pa, gusto ko mag-boxing.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero wala akong intensiyon na mag-compete sila. Ang akin lang, maubos ang oras nila sa gym kesa nasa loob ng bahay, magbarkada.

"Tinanong ko rin si Nonito, sabi ko, 'Jun, ikaw gusto mo rin mag-boxing?' Sabi niya, 'A, karate lang, Pa. Karate lang.'

"Ang kagandahan, yung gym na napuntahan namin, may class na karate. So, doon nagba-boxing si Glenn. Si Junjun, karate. At ako rin, in-enrol ko rin sa boxing ang sarili ko para at the same time, mate-train ko rin si Glenn.

"Nang mag-umpisang mag-compete si Glenn, palaging nananalo, nagdadala ng mga trophy.

"Si Nonito mismo ang nag-volunteer sa akin na, 'Pa, mag-boxing na rin ako.' Naawa ako sa kanya kasi parang mahina ba...maliit.

"Sabi ko, 'Okey ka lang, talagang lalaban ka?' Sabi niya, 'Oo, Pa, gusto kong mag-boxing.'

"Mula noon, kapag weekend, kapag wala akong pasok, tumatakbo kami dito sa park. Hila-hila ko pa silang dalawa dahil maliliit nga kasi gusto na nilang mag-compete.

"Ayaw ko rin silang lalaban nang walang hangin kasi dati ako sa military. Alam ko yung wala kang stamina."

DOMINEERING DAD? Pinabulaanan naman ni Tatay Nonito ang paratang na siya ay dominanteng ama kaya pinalitan siya ni Nonito Jr. bilang trainer.

"Kasinungalingan 'yan!" mariing sabi ng ama ni Nonito Jr.

"Hindi ako nakikialam sa ano nila...pati yung sa training. Ang akin lang, kapag nasa gym kami, istrikto ako diyan.

"Hindi ko sila sinisigawan. Ang akin lang, parte ng training na hindi ka puwedeng patamad-tamad.

"Wala akong pinili sa mga anak ko. Mahal ko silang lahat...

"Kahit si Nonito ngayon, may asawa na 'yan, pero nami-miss ko pa rin 'yan. Anak ko 'yan.

"Ang ayaw ko lang, ang asawa niya ngayon ang gumagawa ng mga istorya na hindi maganda.

"Balewala 'yan sa amin, e. Kinalimutan ko na. Naka-move on na ako, pati ang pamilya ko naka-move on na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang kaso lang, nasasaktan naman kami ni Junjun. Wala na nga siyang itinulong sa Mama niya na matanda, na nagke-caregiver pa rin, naglalakad sa madaling-araw papunta sa trabaho, ang lamig-lamig.

"Mahal na mahal ko si Nonito, anak ko 'yan, dugo ko 'yan. Hindi ko sila sinaktan noong maliit pa sila. Minahal ko sila.

"Ewan ko kung bakit ganyan ang trato niya sa akin. Kung maaari sana, hindi ko na lang sila pinag-boxing. Hindi ko sana naramdaman ang ganitong sakit.

"Nagsisisi ako kung bakit inano ko pa siya sa boxing. Pero ang isang intensiyon ko noon, ilayo sila sa gang.

"Ngayon, ako pa ang napasama. Kabutihan para sa kanila ang ginawa ko, pero ako pa ang napasama.

"Ang kagandahan, nandito si Glenn sa akin at ang tatlo kong anak na talagang nagmamahal sa akin. Si Nonito lang ang lumayo kasi may pera na.

"Dati, wala siyang kapera-pera. Nag-apply 'yan doon sa trabaho kay Glenn, na-fire out kaagad.

"Nagte-train pa lang, finired na kasi may pagkasuplado. Kino-correct niya yung instructor.

"Doon sa isang pinagtrabahuan niya, dalawang linggo lamang siya. Tumawag sa akin, ang sabi, 'Pa, pick-up-in mo ako. Ayokong trabaho ito, magbo-boksing na lang ako.'

"Yun ba ang pinilit ko siya na mag-boxing? Pati pag-aaral niya, sinabi niya pinakialaman ko. Hindi ako nakialam.

"Sobrang sakit... Talagang stressed ako masyado," saad ni Tatay Nonito.

APPEAL TO RACHEL. May mensahe si Tatay Nonito sa kanyang manugang na si Rachel.

"Ang sabi ko, kung meron kang ilalabas. Pero ano naman kaya ang ilalabas mo na ebidensiya, wala naman akong pinirmahan?

"Saka bakit ka pa... Ano pa ba ang kailangan ninyo? Nakuha na ninyo ang lahat!

"Dumating kayo sa buhay ni Nonito, world champion na. Kami nga ang nag-umpisa diyan, hindi na kami nakialam. Tapos ngayon, kayo na ang nakinabang, kung ano-ano pa ang sinasabi ninyo sa amin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya hintuan n'yo na kami dahil hindi na kami ang nakikialam sa inyo. Kami na ang nakikiusap.

"Kung meron ka man ilalabas na ebidensiya, ilabas mo at diyan na tayo magkikita-kita kung ano talaga ang ilalabas namin [laban] sa inyo.

"Takot sila na makabigay sa amin ng pera hindi kami hihingi sa kanya. Yun siguro ang ikinakatakot niya, ang tumulong sa amin. Hindi kami manghihingi ng pera sa kanya.

"Ang sa amin lang, hintuan na nila kasi puro naman kasinungalingan ang lahat ng sinasabi ni Rachel. Wala talaga ni isang tama.

"Kaya ang ano ko... Kung gusto nila, mag-lie detector test kami. Magharap tayo, magharapan kami para malaman kung sino ang sinungaling.

"'Yon ang hamon ko sa kanila."

WISHES UNGRATEFUL SON GOOD LUCK. Sinabi rin ni Tatay Nonito sa PEP na hindi na siya nanonood ng laban ng kanyang anak.

"Hindi [ko] na pinapanood ang mga laban ni Nonito. Siyempre, ama ako, masasaktan din ako.

"Wala man lamang siyang utang na loob. Hindi man lang niya sinabi na maghahanap na lang siya ng ibang trainer. Basta na lang ako na-dump.

"Good luck sa laban mo. Sana, you keep on winning.

"Huwag mo nang isipin o huwag mo na kaming sasaktan pa dahil sinaktan mo na kami nang lubusan.

"Sobra-sobra nang ginawang pasakit sa amin kaya hintuan mo na. Parang hindi ko na kaya ang mga ginagawa niya," saad ni Nonito Sr.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN