Nonito Donaire Jr.'s manager adds fuel to feud between the boxer and his father

IMAGE 0


Tingin ng manager ni Nonito Donaire Jr. na si Cameron Dunkin matagal nang problemado ang relasyon nito sa kanyang ama. "I think their relationship was stressed, and there was a lot of stress on Nonito, by his father who wanted him at home with him every minute. He wanted to control every aspect of his life, everything from his, you know, who he dated, who he saw, what he ate, what he did everyday, his boxing, his living, you know? Everything about him, every aspect


May kumakalat na video ngayon sa YouTube kung saan ini-interview si Cameron Dunkin, ang manager ng champion boxer na si Nonito Donaire, Jr.

Ang video sa YouTube ay in-upload noong February 26 ni bmxbike247. Isa pa lamang ang video na ina-upload ng taong ito sa nasabing video-sharing website. Mapapanood ang video sa link na ito: (CLICK HERE to watch the video.)

Nanalo si Nonito Jr. sa kanyang laban sa Mexican fighter na si Fernando Montiel noong February 19, kaya naman tungkol dito ang unang tanong sa interview.

"Felt terrific about the win. Very excited. Excited for Nonito. It's like it all culminated together, all the years of hard work the came together. You couldn't have a more explosive, perfect, perfect performance. It was absolutely perfect," saad ni Cameron tungkol sa nakaraang laban ng Pinoy boxer.

FATHER-SON RELATIONSHIP. Pagpapatuloy ng boxing manager, bago ang laban ay mas naging concerned siya sa mental health ni Nonito Jr. kaysa sa physical capacity nito. Baka raw kasi naapektuhan si Nonito Jr. ng problema sa kanyang pamilya.

Matagal na kasing napapabalita ang hindi pagkakasundo ni Nonito Jr. at ng kanyang amang si Nonito Donaire Sr. Si Donaire Sr., na dating sundalo, ang dating trainer ng kanyang anak na boksingero.

Nagkaroon ng lamat ang kanilang relasyon noong huling bahagi ng 2008 dahil sa isyu sa pera.

Paniniwala ni Cameron, problemado na umano ang relasyon ng mag-ama sa simula pa lamang.

"I think their relationship was stressed, and there was a lot of stress on Nonito, by his father who wanted him at home, with him every minute.

"He wanted to control every aspect of his life, everything from his, you know, who he dated, who he saw, what he ate, what he did every day, his boxing, his living, you know?

"Everything about him, every aspect of his life, his father wanted to control, and I think that it was just too stressful for him as he became a man, and as he got older," saad ng manager.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FORGOTTEN ADVANCES. Ikinuwento rin ni Cameron ang ugat ng paghihiwalay ng landas ng mag-ama. Noong November 2008, panahon ng labang Donaire-Moruti Mthalane, ay may mga ginawa umanong hindi kanais-nais si Nonito Sr. na may kinalaman sa pera.

Una raw na napagkasunduang mapupunta kay Nonito Sr, bilang trainer, ang 10 percent ng kikitain ng anak. Ngunit pinataasan daw ito hanggang 12 percent, para maging $30,000 sa kabuuan.

Saad ni Cameron, "At first, he's gonna pay his father 10 percent, which is $25,000. He wanted 12 percent, Nonito agreed to that, to paying $30,000. After they settled on the 12 percent, his father was still not happy, but he settled and said he would do it."

Matapos daw ito ay nanghingi ang ama ng ilang cash advances, na binigay naman ni Nonito Jr. Umabot daw sa kulang-kulang $10,000 ang advances.

"Then he asked Nonito to pay for his monthly salary, as if he was working back at home. And he also wanted paid his expenses out here for an apartment, and for a car, rental car, food... You know, he wanted all of that, on top of that.

"So, Nonito said, he just couldn't do it. He can pay him his 12 percent, pay him $30,000, which he did, but he [Donaire Sr.] wanted advances.

"And he asked for $7,500 advance immediately, which Nonito did, then he asked for another $2,500, which Nonito did."

Pagkatapos ng laban, $20,000 na lang daw ang binigay na bayad kay Donaire Sr., dahil binawas na rito ang kanyang mga advance. Nagalit daw ama ng boksingero.

"He had forgotten that he had taken $10,000 in advances, and that's where the argument came in.... conveniently or inconveniently, however, he had forgotten that he had already taken $10,000," sabi ni Cameron.

PER DIEM DISAPPEARS. Bukod pa sa pagkalimot umano ni Donaire Sr. ng advances ay inangkin din umano nito ang per diem para sa food budget.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Cameron, si Donaire Sr. ang mismong kumuha ng per diem money mula sa Top Rank, ang promoter ng buong laban. Ngunit ang $1,240 na kanyang kinuha ay hindi umabot sa ibang miyembro ng Team Donaire.

Dahil dito, si Cameron daw ang nag-abono para sa nawalang per diem. Nang usisain niya ang Top Rank, ipinakita nito ang dokumento kung saan pumirma si Donaire Sr., katibayan umano na kinuha nito ang $1,240.

"In the meantime, I was calling Nonito Sr., and he was telling me that he didn't take the money, yet he had signed off for the $1,240, so we knew that he had, and he kept it," sabi ni Cameron.

GAMBLING ISSUES. Suspetsa ni Cameron, sa pagsusugal umano napunta ang perang nakuha ni Donaire Sr. mula sa anak.

Kuwento niya, "During all this time, during the Mthalane fight, Mr. Donaire was calling me, and he was telling me that, you know, he didn't have any money, and that they were starving to death, and that he couldn't eat, and that his son was no good, and it was terrible the way he was being treated.

"And so I called up Rachel [Donaire, Nonito Jr.'s wife] and said, 'Look, we just gave him $7,500, plus you know, he kept the per diem money, $1,240, because he didn't pay anybody, and I had to pay 'em. And she said, 'That's true.' And then I said, 'He's starving to death. Is there something wrong here?'

"And I get a phone call, and he's now at the tables of Mandalay Bay, gambling with money, while he told me he was starving to death."

Nawala raw ang respeto niya sa ama ng kanyang boksingero dahil dito.

"I lost a lot of respect when that happened. That he was saying he had no money to eat, no money to live. He didn't have gas money, food money, and that he had nothing. And that he took $10,000 in advances.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don't know how much he gambled of it. I prefer him to not even be gambling, especially the week of the fight, when his son had such an important fight. I thought it was pretty bad. I thought it was pretty classless," saad ni Cameron sa dulo ng video.

Nakapanayam ng PEP contributor na si Jojo Gabinete ang mga magulang ni Nonito Jr. tungkol sa bagong rebelasyon ng kampo ng boksingero. Abangan ang kanilang pahayag dito sa PEP ngayong araw.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN