Richard Gutierrez on Solenn Heussaff: "We're still both single. We're just having fun."

IMAGE 0


"Alam mo, pagdating naman sa relationship, hindi 'yan dapat hanapin, kusa 'yang darating sa 'yo kung kailan ka na ready," says Richard Gutierrez about choosing to stay single and focus on his showbiz career.


Naging pangunahing usapan ang kissing scene nina Richard Gutierrez at Solenn Heussaff sa pelikulang My Valentine Girls, matapos sabihin ng young actor na ito ang pinakamahaba niyang ginawa kumpara sa tatlo pa niyang leading ladies na sina Rhian Ramos, Lovi Poe, at Eugene Domingo.

"Siguro nga, 'yong sa amin ni Solenn, I think, is one of my longest kissing scenes. Parang there's one point pa nga na parang bumitaw kami ni Solenn 'tapos nagkatinginan kami, 'Hindi pa ba nagka-cut si Direk?'" nakangiting sabi Richard.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi, Enero 24, sa birthday press conference na inihanda para sa kanya ng GMA Films at Regal Films kagabi, Enero 24, sa Imperial Palace Suites, Timog Avenue, Quezon City.

Pero bago pa man mabigyan ito ng kulay, agad nilinaw ni Richard kung bakit napahaba ang take sa eksenang ito.

Kuwento ng 27-year-old actor, "Medyo mahaba-haba ang kissing scene namin ni Solenn, kasi nga, magandang highlight 'yon sa pelikula. And gusto ni Direk Andoy Ranay 'yong moment. So, marami siyang different angles.

"Siguro 'yon nga, dahil marami ring nag-aabang sa kissing scene namin ni Solenn. So, we try to make it as perfect as possible."

BRIGHT FUTURE FOR SOLENN. Sa apat na babaeng kanyang makakasama, si Solenn ang pinakabago kaya naman buong suporta ang ibinigay ng Kapuso actor sa kanya.

"Siya 'yong palaging maraming tanong," ani Richard. "So, hindi pa nagsisimula 'yong pelikula, parang unti-unti ko nang sinasabi sa kanya how it goes, kasali na siya sa hintayan, sa puyatan, ganyan.

"Kapag may mga eksena siya, especially mga emotional scenes, I'm willing naman to help her, even Direk Andoy. What's important with Solenn is that she wants to do well and she wants to do a good job."

Kung hihingin ang opinyon ni Richard, sa tingin niya ay malayo ang mararating ni Solenn sa industriya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think she has a bright future," sabi niya. "First day pa lang niya, first scene pa lang ni Solenn, she was very natural.

"Ang maganda sa kanya, wala siyang inhibitions. Parang natural lang 'yong acting niya."

Patuloy pa niya, "Sabi nga ni Direk Andoy, she's very raw, 'yong hindi nag-e-effort. 'Yon ang parang gusto ni Direk Andoy sa kanya, na parang very natural and very candid ang feel.

"And what's important is that Solenn wants to learn and she wants to become good. And every person who's inspired to do good and they put their heart and mind to something, I think they can achieve their goals."

"I'M ENJOYING MY SINGLE LIFE." Bagamat marami ang nang-iintriga sa kanila ni Solenn, itinanggi naman ni Richard na may namumuo nang espesyal na relasyon sa pagitan nila.

Matagal nang magkakilala ang dalawa dahil sa pagiging magkaibigan nina Solenn at ang ate ni Richard na si Ruffa Gutierrez. Ngunit unang nagkasama sa trabaho ang dalawa sa Survivor Philippines Celebrity Showdown, kung saan naging host si Richard at isa naman sa mga castaway ang dating commercial model at makeup artist na si Solenn.

Ayon kay Richard, "We're still both single, kami ni Solenn, and we're just having fun. We're taking our time.

"I mean, we don't want to ano, just because people want us to jump into something. Di ba, parang ang hirap namang gumawa ng major decisions because people are telling us.

"We're just taking our time, we're single. We're having fun and we go out. I think that's what's important for now—that we're having fun, we're smiling, and we're not putting pressure on ourselves. So, dito na muna tayo."

Hindi rin daw problema para kay Richard ang maging single. Aniya, "As of now, naka-focus ako sa trabaho ko. Ang dami kong projects na I have to focus on."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON JEWEL MISCHE. Noong nakaraang linggo, sa press conference ng Wansapanataym's Buhawi Jack, bahagyang nalito ang mga media sa mga sagot ng dating Kapuso actress na si Jewel Mische tungkol sa napabalitang hiwalayan nila ng rumored boyfriend niya na si Richard Gutierrez. (CLICK HERE to read related article.)

Hindi man niya ito pinabulaanan o kinumpirma, naging malaman sa entertainment press ang sinabi ni Jewel na, "My lovelife is alive."

Kagabi, matapos ang press conference, bagamat walang pagkakataon na linawin ito mula kay Richard, tinanong naman ng media kung sa pagiging single niya ay ibig sabihin nito na "his lovelife is dead."

"It's hard to say it's dead," sagot niya. "Well, if it's up to the person naman kung ano ang perception nila.

"You know, you can be single and still be loving and exploring kung ano 'yong dapat sa 'yo."

Sabi naman ng StarTalk reporter na si Gorgy Rula, "Ikaw naman 'yong tipo na hindi mo binabalikan ang mga dati mong [girlfriend]."

"Well, that's been on my track record," maikling sagot ni Richard.

Bago magtapos ang interview, giniit ng binatang aktor na, "Right now, I'm really focused on my work and siguro, darating din ang panahon.

"Alam mo, pagdating naman sa relationship hindi 'yan dapat hanapin, kusa 'yang darating sa 'yo kung kailan ka na ready."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN