Rap Fernandez follows the footsteps of parents Lorna Tolentino and the late Rudy Fernandez

IMAGE 0


"Baka may nagawa akong maganda nung nakaraan kong buhay, tsumamba ako, kaya ipinanganak ako na sila ang mga magulang ko. Suwerte rin kasi pinalaki nila ako nang maayos," says Rap Fernandez about his parents, Lorna Tolentino and Rudy Fernandez.


Suwerte raw ang mga anak ng artista who try their luck in show business. Unlike other stars na kailangan pang dumaan ng auditions o sumali ng reality shows, napakadali para sa mga anak ng artista na pumasok sa industriya dahil na rin sa magandang pangalan na nagawa ng kanilang mga magulang sa showbiz.

Ang mga Eigennman, Revilla, Quizon, Gutierrez ang ilan lamang sa mga kilalang angkan ng mga artista sa Pilipinas.

Ngayon, isa namang Fernandez ang papasok sa mundo ng showbiz. Ito ay ang panganay na anak ni Lorna Tolentino at ng yumaong si Rudy Fernandez—si Rap Fernandez.

Kasama si Rap sa weekly action series ng ABS-CBN na Buhawi Jack, na pagbibidahan nina Gerald Anderson at Jewel Mische.

Gagampanan niya rito ang role ni Rex Vergara, ang main kontrabida.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Rap sa presscon ng Buhawi Jack noong Martes, January 18, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Bilang isang baguhan, sinabi ni Rap na maganda ang pakikitungo sa kanya ng halos lahat ng taong nakakasalamuha niya sa showbiz. Tanggap din niya at ipinagpapasalamat na ang magandang pakikisama ng mga magulang ang isa sa rason kung bakit madalas ay may special treatment sa kanya ang marami.

"Napapansin ko na mababait ang mga taong nami-meet ko, pero hindi ko alam kung ano ang motibasyon nila o dahilan.

"Kung ang mga magulang ko nga ang sinasabing dahilan, nagpapasalamt ako dahil yung pagmamahal nila sa magulang ko, nag-carry over na lang sa akin. Ayos yun.

"Malaking biyaya ito sa akin. Baka may nagawa akong maganda nung nakaraan kong buhay, tsumamba ako, kaya ipinanganak ako na sila ang mga magulang ko. Suwerte rin kasi pinalaki nila ako nang maayos," saad ni Rap.

AFTER DABOY. Aminado si Rap na may pressure sa panig niya pag nakukumpara siya sa achievements ng kanyang mga magulang, partikular na sa kanyang yumaong ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Mayroon siyempre. Mahusay silang dalawa. Ako, hindi ko pa napu-prove ang sarili ko.

"Kung para din lang sa mga gawa nila kaya ako naging sino ako, kailangang patunayan ko na may sarili din akong kakayahan. Kailangang magkaroon ako ng sariling identity as myself kasi malaking sapatos ang pupunuin ko."

Hindi ipinagkakaila ni Rap na gusto niyang sundan ang yapak ng namayapang ama. Dalawa nga sa mga pelikula ni Daboy ang gusto niyang i-remake kung mabibigyan siya ng pagkakataon—Bitayin Si Baby Ama (1976) at Pasukuin Si Waway (1984)

"Kasi yun ang mga breakthrough films ng tatay ko," sabi ni Rap.

"Mayroon akong archive ng mga old movies ng papa ko, ako yung nag-aalaga. Nasa archive sa baba ng ABS, pero mayroon din akong kopya, digital nga lang.

"Sa ngayon, hinahanap ko yung Baby Ama."

DIRECTOR/ACTOR. Nagtapos ng kursong Filmmaking sa Ateneo si Rap. Ikinuwento nga niya sa PEP na may short film siyang natapos na hindi naman niya naipalabas.

"May nagawa kaming short film ng mga kaklase ko, ang title is Nakaw. Nag-enjoy naman ako kasi mga naka-work ko ay mga professional performers lika sila Tita Gina Alajar, Ricky Davao...

"Nahiya nga ako dahil hindi ko masyadong na-backup-an yung project kasi ang dami namin. Pito kaming nagdirek, may kanya-kanyang eksena, magulo nga. Bale gumastos ako ng 200 thousand, nagbigay ng kaunti si Mama [Lorna].

"Ako kasi, feel ko flop itong movie naming ito kasi medyo advanced. Yung mga gusto kong time, madilim. Parang di maa-appreacite ng mga tao.

"Parang sa SM, di ba, pag R-18, di pinapalabas? Limitado yung distribution ng pelikula, tapos digital. So, kailangang pickup-in pa ng distributor."

Bakit pag-aartista ang pinasok niya gayong pagdidirek naman pala ang background niya?

"Feeling ko, maganda siyang stepping stone para matupad ang pangarap ko na mag-direct at mag-produce balang araw," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat may alam at interesado talaga sa paggawa ng pelikula, sinabi ni Rap na hindi siya makikialam sa pagdidirek ng kahit na anong proyekto na kasama siya bilang artista.

"Ay hindi, susunod lang ako sa director. Ayokong nakikidirek. Kasi kung may artista ako at ako ang direktor, at makikidirek ka sa akin, hindi ako matutuwa. Kanya-kanyang trabaho 'yan."

TAPING HOURS. Dahil parehong artista ang mga magulang niya, may ideya na si Rap sa haba ng oras na ginugugol ng mga artista sa taping at shooting. Pero ngayong naranasan na niya mismo ang magtrabaho sa set, nakapag-adjust na ba siya sa working schedule?

"Nakakapag-adjust na rin," sagot ni Rap. "Ako kasi, nag-e-enjoy ako being on the set kahit di ako yung direktor.

"Naninibago ako, pero good experience siya. Nakikita mo yung cast, yung production crew, yung staff working together to make something.

"Maganda siya, naa-apply ko dun sa future ko pag magdidirek na ako. Good habits ni Direk Dondon na gagayahin ko pag direktor na ako."

Ano namang advice ang ibinigay ng kanyang ina na si Lorna Tolentino sa pagpasok niya sa showbiz?

"Advice sa akin, maging totoo, be professional, keeping your head on your shoulders, yung di ka magpa-panic masyado or naba-bother."

Ano naman ang naging preparations niya ngayong pinasok na rin niya ang pag-aartista?

"Two years akong nag-practice na magpuyat saka maging on time talaga," sabi niya.

"Yung oras kasi, importante 'yan, yung equipment rental. Naiintindihan ko kasi yung proseso ng paggawa.

"Sa shooting or taping, nire-rent yung equipment, ganito kamahal. So, talagang isusulit yung lahat ng oras ng tao.

"Dun naman sa pagpupuyat, nakatulong ang Internet, makakasanayan mo. Nung Thursday nag-Twitter ako, ang pagkakamali ko, akala ko lalabas automatically yung acting, hindi ako masyadong prepared.

"So, yung first few sequences, talagang nag-buckle ako tapos talaga sinuportahan talaga ako nila Gerald. Kasi nung una kong banat, medyo nakalimutan ko yung linya ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kinausap ako nung direktor. 'O, ganito, basahin mo yung script, pag-aralan mo ang linya mo.' Nagkaroon kami ng talk.

"After that, I decided, 'Okay, papatayin ko na ito para focus na ako sa work,'" kuwento ni Rap.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN