Police heightens alert against carjacking groups; restaurateur Gaita Fores and radio announcer Carl Balita are latest victims

IMAGE 0


Ang radio announcer na si Carl Balita (in photo) ang pinakahuling nabiktima ng carjacking operations sa Metro Manila ngayong taon.


Nakaalerto ngayon ang pulisya matapos mangyari ang ilang nakaaalarmang insidente ng carjacking sa Maynila at mga kalapit na probinsiya.

Ilan sa mga ito ay ang pagkaka-carjack sa Toyota Land Cruiser ng businesswoman at celebrity chef na si Margarita "Gaita" Araneta Fores, pinsan ng dating vice-presidential candidate na si Mar Roxas noong January 19.

Na-carjack din ang Toyota Grandia Hi-Ace van ng radio anchor at businessman na si Carl Balita ngayong umaga, January 20.

Mas kalunos-lunos naman ang pagpatay sa dalawang car dealers na sina Emerson Lozano at Venson Evangelista, at isang driver, Ernane Sensil. Natagpuan ang kanilang sinunog na mga bangkay sa magkakahiwalay na lugar sa Central Luzon.

Ayon sa records ng Highway Patrol Group, ang sasakyan ni Carl Balita ang pang-32 na sasakyan na na-carjack ngayon taon.

CARJACKING IN METRO MANILA. Ayon sa police report, na-carjack ang sasakyan ni Margarita Fores noong Miyerkules, 12:15 a.m. malapit sa Bridgeway sa Dela Rosa Street sa Makati City.

Ayon kay Fores, na presidente ng ilang mga restaurant businesses tulad ng Cibo, Inc. at Cafe Bola, wala siya sa kotse, isang Toyota Land Cruiser, nang maganap ang insidente.

Sa halip, nasa sasakyan daw ang kanyang driver na si Roberto Villanueva. Ayon kay Villanueva, 48, nilapitan siya ng dalawang armadong kalalakihan nang bubuksan na niya ang SUV. Tinutukan siya nito ng mga baril bago umalis dala ang sasakyan ni Fores.

Kaninang umaga naman na-carjack ang sasakyan ni Carl Balita. Ayon sa radio anchor ng dzMM, sa Torre Venezia sa Timog Avenue, Quezon City nakaparada ang kanyang Toyota Grandia Hi-Ace van (ZSA-299) bago ito nawala ngayong umaga.

KILLINGS IN CENTRAL LUZON. Noong Biyernes, January 14, naman nang matagpuan ang mga labi ng car dealer na si Emerson Lozano, ang anak ng dating lawyer ni ex-President Ferdinand Marcos na si Oliver Lozano, sa Pampanga.

Natagpuan naman ang katawan ng kanyang driver na si Ernano Sensil noong Huwebes, January 13, sa Tarlac.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Parehong sinunog ang mga labi ng dalawang biktima.

Ayon sa police report, noong January 12 pa huling nakita sina Lozano at Sensil nang makipagkita umano ang mga ito sa isang unidentified buyer ng isang Kia Carnival sa Quezon City.

Natagpuan naman ang sunog ding katawan ng car dealer na si Venson Evangelista noong Martes, January 18, sa Cabanatuan City, Nueva Ecija. Huling nakita si Evangelista na may kasamang isang prospective buyer ng kotseng ibinebenta niya.

LOWER CARJACK CASES. Ayon sa Philippine National Police Highway Patrol Group (HPG), mas mababa na ang mga insidente ng carjacking ngayong taon kung ikukumpara sa parehong mga petsa noong nakaraang dalawang taon.

Tinatayang 32 nang sasakyang ang na-carjack mula January 1-20, 2011, ayon sa report ng GMA News.

Ngunit hindi naman nagbigay ng datos ang HPG tungkol sa dami ng carjack incidents sa parehong mga petsa noong 2009 at 2010.

"Compared sa average in [previous] years, mababa pa iyan," sabi ni Senior Superintendent Edwin Butacan, HPG spokesman, sa GMA News.

Ngunit sang-ayon si Butacan na naging mas matapang at mas delikado na ang mga suspek ng carjacking ngayon taon.

Samantala, natukoy na raw ng pulisya ang mga suspek sa brutal na pagpatay kina Lozano, Sensil, at Evangelista, ngunit hindi pa nila ibinigay ang identity ng mga suspek sa media.

Ilan sa mga showbiz personalities na nabiktima na ng carjacking ay sina Derek Ramsay at Rafael Rosell.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN