Baron Geisler apologizes to Cherry Pie Picache and to showbiz industry; will go on a 90-day rehab

IMAGE 0


"I don't want to make promises because I might fall off the wagon. But I will think positive this time and I will do my best for me, not for them," says Baron Geisler about going on a 90-day rehabilitation.


Nag-comply na ang aktor na si Baron Geisler, 28, sa demand ng Professional Artists Managers Inc. (PAMI) na magbigay siya ng public apology para sa paghipo niya umano sa dibdib ng aktres na si Cherry Pie Picache noong isang linggo.

Ibinigay ng award-winning actor ang kanyang apology kaninang umaga, January 21, sa panayam niya sa Headstart ng ANC, kung saan si Karen Davila ang host.

"You know, I do not want to talk about that anymore," saad ni Baron tungkol sa naganap na insidente.

"But I would like to apologize to Miss Pie. If I touched her or grabbed her in any way na she felt violated or offended, I'm very sorry, Miss Pie.

"I was just doing my job po. I have no intention to put you in that position or to make you feel that way na ma-offend po kayo.

"I'm very sorry, Miss Pie," ulit ng aktor.

Ayon sa balita, hinawakan umano ni Baron ang dibdib ng aktres sa taping ng Noah, kung saan pareho silang kasama sa cast. Lasing umano si Baron nang sumalang sa taping, at nagalit naman si Cherry Pie dahil sa nangyari sa kanya.

Agad na tinanggal ang karakter ni Baron sa Noah matapos ang insidente. Samantala, nagsampa naman si Cherry Pie at ang manager niyang si Ed Instrella ng formal complaint sa PAMI at sa ABS-CBN.

Sa statement na inilabas ng PAMI, isang samahan ng talent managers, na inilabas noong January 19, pinagbawalan na nila ang kanilang talents na makipagtrabaho kay Baron hanggang sa panahong "fully rehabilitated" na siya.

Hindi lamang kasi si Cherry Pie ang nagreklamo laban kay Baron. Ilan pa sa mga nagreklamo laban sa aktor ay sina Yasmien Kurdi at ang anak nina William Martinez at Yayo Aguila na si Patrizha Martinez.

Humingi rin ang PAMI ng isang public apology mula kay Baron, at ibinigay ito ng aktor ngayong araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod pa sa apology para kay Cherry Pie, humingi rin si Baron ng paumanhin sa buong entertainment industriy.

"Right now, I want to apologize to the entire industry for my actions. Sa lahat, sa director, sa producer, sa lahat.

"And I'm gonna do my best to behave and just to be proper because I'd rather be addicted to my work 'cause I love it. I love acting so much. It's really my passion and sometimes when I do things differently, parang...next time I will be more careful.

"Ako kasi, kaya ako nadya-judge, kasi when I'm on the set, I just become the character," saad ni Baron.

CAUSE OF INCIDENT. Sa panayam niya sa Headstart, inamin ni Baron na nakainom nga siya nang sumalang sa taping ng Noah. Dahil daw ito sa pagkakatanggal niya sa bagong pelikulang ginagawa ngayon ni Direk Brillante Mendoza, ang Prey, na ipapadala umano sa Cannes International Film Festival.

Ang Prey ay tungkol sa mga paghihirap na dinaraanan ng mga na-kidnap ng rebel group na Abu Sayyaf. Kasama sa cast sina Ronnie Lazaro, Raymond Bagatsing, Sid Lucero, Kristoffer King, at ang French actress na si Isabelle Huppert.

Nagsimula na ang shooting nito sa Batangas.

Paliwanag ni Baron, "The reason din why I got drunk sa Noah is because I was supposed to do a film with Brillante Mendoza and I was gonna work with this French actress.

"Napakaganda ng role. I studied the character for two months. Muslim Abu Sayyaf dapat ako. I studied Asura Al-Fatiha.

"You know, I just felt angry that they didn't give me the chance to do it because that's my dream project. Kasi dadalhin sa Cannes.

"We had to shoot the last moments of Noah like last two weeks. I felt bad kasi sobrang dinibdib ko.

"I wasn't eating much because I have to lose weight. At 'yong shooting na 'yon, we will be shooting chronologically for one month straight.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And then biglang patay na din ako sa Noah. So somehow I'm very angry.

"Siguro I was angry din sa sarili ko why I gave so much passion and attention doon sa film 'cause I really worked hard to study the character," paliwanag niya.

DRINKING PROBLEM. Pagpapatuloy ni Baron, matagal na niyang problema ang sobrang pag-inom. Inamin niyang umiinom na siya simula 14 years old, at nakadagdag sa addiction niya sa alak ang breakup nila ng dating kasintahang si Jodi Sta. Maria, na kasal na ngayon kay Pampy Lacson, anak ni Senator Ping Lacson.

Para maremedyuhan ang kanyang addiction, nais ni Baron na pumasok sa isang 90-day rehabilitation program. Matagal na raw niyang plinanong mag-rehab, at napo-postpone lamang ito dahil sa trabaho.

Pahayag niya, "I believe during my 90-day rehab, I believe I will do everything to really absorb everything and to understand myself, and to understand my demons, my problems, 'cause I really want to change.

"I'm not doing this para makabalik ako sa showbiz. I'm not doing this para i-forgive ako ng mga tao. I'm doing this to forgive myself and just to love myself more and to take care of myself.

"So that's the reason why I'm going through everything. But thank you sa industry for making me realize things.

"I don't want to make promises because I might fall off the wagon. But I will think positive this time and I will do my best for me, not for them."

Panawagan din ng aktor na sana ay patawarin siya ng industriya ng showbiz, na nais niyang balikan matapos ang rehab, na sisimulan niya sa susunod na linggo.

"Probably Monday or Tuesday. Just me and God. Just pray for me and for the people who still believe in me. I will really need that," saad ni Baron.

Samantala, isang presscon ang ang ipinatawag ng manager ni Baron na si Arnold Vegafria ngayong tanghali. Dito sa presscon na ito ay muling humingi ng paumanhin si Baron kay Cherry Pie at sa publiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN