Cherry Pie Picache thanks PAMI for supporting her formal complaint against Baron Geisler

IMAGE 0


Ipinahiwatig ni Cherry Pie Picache sa kanyang statement na nais na niyang mag-move on sa nangyari. Gayunpaman, nais niya pa ring ipagdasal ang mga babaeng nahaharap sa parehong sitwasyong dinanas niya.


Nagbigay na ng statement ang aktres na si Cherry Pie Picache tungkol sa harassment na dinanas niya umano mula kay Baron Geisler.



Ito ay matapos suportahan ng Professional Artists Managers Inc. (PAMI) ang formal complaint na isinampa niya laban kay Baron, na inakusahan niyang humawak sa dibdib niya sa taping ng ABS-CBN primetime series na Noah.



Sa desisyon na inilabas ng PAMI, isang samahan ng mga talent managers, noong January 19, pinagbawalan muna nila ang kanilang talents na makipagtrabaho kay Baron para maiwasan ang ganito pang pangyayari. (CLICK HERE to read related story.)



Inutusan din ng PAMI si Baron na magbigay ng public apology kay Cherry Pie. Ibinigay ito ng aktor ngayong araw sa panayam niya sa Headstart ng ANC at sa isang presscon. (CLICK HERE to read related story.)



Nauna nang sinabi ng manager ni Cherry Pie na si Ed Instrella, sa PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Lunes, January 17, na nais ng aktres na huwag nang magsalita para hindi na lumaki pa ang issue at maprotektahan ang anak nito. (CLICK HERE to read related story)



Matapos ang apat na araw, nagpadala rin ang aktres ng statement sa pamamagitan ng text message. Ayon dito, nagpapasalamat siya sa PAMI para sa suporta ng grupo sa kanya.



Sinabi ni Cherry Pie na nais na niyang mag-move on. Gayunpaman, nais niya pa ring ipagdasal ang iba pang mga babaeng nahaharap sa parehong sitwasyong dinanas niya.



Narito ang buong statement ni Cherry Pie:



"I would like, first of all, to express my gratitude to PAMI for their kind concern and solid support for what is 'fair and just'. While I am ready to put this unfortunate experience behind me, I am praying for support for all the ladies with the same sad encounter. Let us all learn from what we went through with firm determination to uphold, with God's help, what's fair and just."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN