Baron Geisler: "I will keep my promise, I will get better."

IMAGE 0


"I deserve naman every bit ng kastigo na binigay sa akin ng PAMI dahil matagal na po 'yong ganito ito. Matagal na po 'yong, 'Si Baron laging nakakalusot, laging ganyan, umiinom.' Siguro it's time for me to face the music. Siguro nagsawa na rin ang tao sa kakasalita ko, wala namang gawa," says Baron Geisler about his decision to undergo a 90-day rehabilitation. The full rehabilitation is part of the Professional Artists Managers Inc. (PAMI) demands in its deci


"Hindi po ako natatakot pumasok. This time, gusto ko."

Ito ang naging pahayag ng 28-year-old actor na si Baron Geisler pagkatapos niyang ipahayag sa publiko na magpapasailalim siya sa isang rehabilitation program, na maaaring magsimula sa susunod na linggo.

Ang pagpasok ni Baron sa 90-day rehabilitation program ay bunsod ng kautusan ng Professional Artists Managers Inc. (PAMI) na hindi nila papayagan ang mga artistang hawak ng mga miyembro ng grupo na makatrabaho ang aktor hangga't hindi ito "fully rehabilitated." (CLICK HERE to read related article.)

Ang kautusang ito ay bunga ng reklamong isinampa ng aktres na si Cherry Pie Picache at ng talent manager niyang si Ed Instrella sa ginawang pambabastos umano ng aktor sa aktres sa set ng Noah. (CLICK HERE to read related article.)

PUBLIC APOLOGY. Bukod sa pagpasok sa isang rehabilitation program, inutusan din ng PAMI si Baron na magbigay ng public apology sa aktres.

Una itong ginawa ni Baron kaninang umaga, January 21, sa programa ng ANC na Headstart, at naulit pa sa press conference na ginawa kaninang tanghali sa Max's restaurant sa Scout Tuzaon, Quezon City. (CLICK HERE to read related article.)

Ayon kay Baron, bago pa man ang insidente, may balak na talaga siyang magpa-rehab, sa tulong ng kanyang manager na si Arnold Vegafria.

"To tell you the truth, hindi lang naman dahil sa isyu na ito kaya ako nag-decide mag-rehab. You can ask my manager, in between Noah, when we had this one month, nag-rehab na po ako. Naudlot lang dahil kinailangan po ako sa istorya.

"So, plinano po talaga namin ng manager ko na after Noah. Nagkataon lang na tumiming-timing lang po lahat," saad ni Baron sa emergency press conference na inihanda ng talent management na humahawak sa kanyang career.

Pero kung tatanungin si Baron, naging maayos naman na ang kanyang buhay nitong mga nakaraang buwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa nga niya, "I had a great year, to tell you honestly. Sumablay lang ako sa dulo. Sumablay lang ako sa dulo dahil sa mga issues na pumasok, so bumalik."

Ang sablay na tinutukoy ni Baron ay ang pagkabigo niyang mapasama sa bagong pelikulang ginagawa ni Direk Brillante Mendoza, ang Prey, na ilalahok umano sa Cannes Film Festival.

Ito rin ang isa sa mga nabanggit ni Baron na sanhi ng kanyang pagwawala sa set ng Noah matapos ang insidente.

Aminado rin ang aktor na ang pangyayaring ito, bukod sa ilan pang kaso ng harassment na isinampa laban sa kanya, ay maituturing na pinakamababang yugto ng kanyang buhay.

Bagamat tanggap na ng aktor ang naging desisyon ng PAMI sa bagong insidenteng kinasangkutan niya, hindi naman naitago ni Baron ang kanyang pagkadismaya sa tila mabilis na desisyon sa reklamo.

Aniya, "To tell you the truth, parang feeling ko, wala pang...ito sa akin, wala pang judge, hindi siya nilitis nang maayos pero na-predict agad.

"For me, to tell you the truth, I find it so unfair. But I respect, you know, 'yong organization ng PAMI for not allowing me to work."

Ngunit sa halip na maging sobrang malungkot sa pangyayari, ayon kay Baron, "Nilalagay ko na lang po siya sa positibo."

Sabi pa niya, "Okay, I will get help to become a better man, a better person. And probably, if they see the changes in me, then maybe they will allow me to work."

AN OPPORTUNITY TO BECOME A BETTER MAN. Bukod dito, iniisip na lamang daw ng dating Noah actor na isang magandang paraan ito upang maipagpatuloy na ang pagbabagong matagal na niyang binabalak.

"I really want to thank PAMI rin for giving me this opportunity to become a better man, to really change—not by just saying it publicly but feeling it and being that person who I really want to be."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi rin niya, "I deserve naman every bit ng kastigo na binigay sa akin ng PAMI dahil matagal na po 'yong ganito ito. Matagal na po 'yong, 'Si Baron laging nakakalusot, laging ganyan, umiinom.'

"Siguro it's time for me to face the music. Siguro nagsawa na rin ang tao sa kakasalita ko, wala namang gawa.

"Okay naman, pasalamat ako na nag-intervene sila. Kasi, alam ko na hindi naman sila galit sa akin. I know that they want to help me. So, ang laki ng pasasalamat ko sa kanila, sa PAMI.

"I hope pagbigyan nila akong magtrabaho eventually. Kasi, this is my life, e. Not only my bread and butter, it's more than that. I need the money, yes, but acting is my life, e."

APOLOGIZES TO CHERRY PIE. Kinuha rin ni Baron ang pagkakataon ito upang muling humingi ng paumanhin, hindi lamang sa kanyang dating co-star na si Cherry Pie Picache, kundi pati na sa iba pa niyang nakatrabaho.

"I wanna apologize din kay Ms. Pie if I offended her in any way sa eksena namin.

"I'm very, very sorry, Ms. Pie, kung 'yong actions ko po ay naramdaman ninyong na-offend ko po kayo or nabastusan. I'm very, very sorry. Noong time na 'yon, I thought I was just doing my job.

"And I hope you find it in your heart to forgive me. Sana hindi po kayo mag-keep ng grudges towards me. And I'm wishing and hoping to work with you someday."

Pagkatapos ay humingi rin siya ng pasensiya sa mga manonood na muli siyang tinanggap sa kabila nga mga naunang kontrobersiyang kinasangkutan niya.

"I wanna apologize din sa mga viewers, kasi parang, alam mo 'yon, sasabihin nila, 'Okay na. Okay na. Nandiyan na siya, makikita na ulit sa TV.' Tapos biglang parang nanghihinayang sila. So, 'yon, sorry if I let you guys down."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WHAT'S NEXT AFTER THE 90-DAY REHAB? Ngayong aminado na si Baron sa kanyang pagiging alcoholic at inihanda na ang sarili sa pagpasok sa rehab, ang tanong naman ng karamihan ay kung paano makakabawi ang aktor pagkatapos nito.

Sa ngayon, ayon kay Baron, ayaw na muna niyang isipin kung ano ang mangyayari habang nasa loob ng rehab at pagkatapos nito.

"Wala na muna po akong iintindihin sa labas," aniya. "Kahit na after 90 days, hindi ko po muna iintindihin 'yon. Kasi, I will be taking one day at a time, taking care of myself, loving myself some more.

"It will be a battle for me siguro for the rest of my life, you know, dealing with my problem. 'Yon na muna, ako na muna ang aayusin ko."

Sa kanyang pagpasok sa rehab, umaasa si Baron na maging isang ehemplo siya sa iba pang mga kabataang pinagdaraanang ang sitwasyon niya.

"As much as possible, I want to be an inspiration, be an inspiration lang sa kabataan. And do my part, and acknowledge that I am a public property.

"I have responsibilities sa mga manonood, lalo na sa mga kabataan. Hindi lang dahil artista ako, marunong akong umarte, doon lang. Siguro mas lalawak ang focus ko, hindi lang puro sa aktor ako.

"Siguro puwede rin akong gumawa ng iba't ibang bagay na makakaalis sa akin sa alak at makaka-inspire sa tao. So, 'yan ang ipi-figure out ko lahat 'yan inside."

Sa huli, muli niyang inulit, "Nilalagay ko na lang [ang pangyayaring ito] sa positibo na parang, 'Okay, I'll show you that I'll do my best. I'll try to come back—but not as a great actor, but as great man.'"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN