Cherry Pie Picache's manager Ed Instrella praises PAMI for speedy action on Baron Geisler harassment complaint

IMAGE 0


"Lagi niyang idinadahilan na 'in character' siya sa tapings o shootings, kaya nadadala siya ng emosyon niya. Mahirap naman yata na dumating ang pagkakataon, na makasaksak siya ng ka-eksena at mapatay ito, dahil 'in character' siya habang ginagawa ang eksena, di ba?" says Ed Instrella, the manager of Cherry Pie Picache (left), on Baron Geisler's (right) alleged "hits" on his co-workers.


Sa naging testimonya ng aktor na si Baron Geisler, bago siya humingi ng public apology at sumang-ayon na sumailalim sa 90-day rehabilitation, nabanggit niya ang disappointments sa maraming bagay—personal at propesyunal.

Sa personal na aspeto ay nabanggit niya ang naging ugnayan nila ng aktres na si Jodi Sta. Maria, na humantong sa paghihiwalay ilang taon na ang lumipas, bago pa nagpakasal ang aktres kay Pampi Lacson (anak ni dating Senador Panfilo "Ping" Lacson).

Sa propesyunal na aspeto, ayon din kay Baron, dinamdam niya ang hindi pagkatuloy, kundi man tahasang "pagkatanggal" sa kanya sa malaking cast ng bagong indie project na Prey, na kasalukuyang isinu-shoot ng Cannes Filmfest award-winning director na si Brillante Mendoza.

May malaon nang problema si Baron, sa kanyang hindi ma-kontrol na pag-uugali tuwing nakakainom ng alak, at ito ang nagiging sanhi ng gulong kanyang nasusuong.

Ayon kay Baron, ang hindi pagkatuloy sa malaking proyekto na inaasahang maitatanghal sa prestihiyosong Cannes International Filmfest ay lubos na nakapagpasama ng kanyang loob.

Dahil dito, binalewalang muli ni Baron ang anumang panuntunan ukol sa tamang pagri-report sa set (ng Noah sa ABS-CBN), at pakikipag-trabaho at respeto sa kasamahang aktor (sa Noah pa rin, sa beteranang aktres na si Ms. Cherry Pie Picache).

Hiningan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ng komento nuong January 21 si Ed Instrella, ang manager ni Cherry Pie at kaibigan ng direktor na si Brillante Mendoza, hinggil sa mga nabanggit na kadahilanan ni Baron Geisler.

Walang naging pahayag si Ed tungkol sa proyektong Prey, na nabanggit ni Baron. Nag-send ng sariling text message at nakausap din ng PEP sa telepono ang manager ni Cherry Pie.

"He [Baron] needs a total rehab, and it will be very difficult. He needs full support of his family, urgently," sabi ni Ed.

Naniniwala siya na hindi madali ang sitwasyon ni Baron.

"The scenario is rather bleak. And unfortunately, his condition does not excuse him from all his lapses and wrongdoings, and spare him eventual punishment," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

IMPRESSED WITH PAMI. Ayon pa sa manager ni Cherry Pie, ang mabilis na proseso o pag-aksiyon ng PAMI (Professional Artists Management, Inc.) sa naisampang reklamo ng aktres ay kapuri-puri.

"I'm so impressed with PAMI," pag-commend ni Ed sa samahan, na naging tuluy-tuloy ang pag-aksiyon, sa pamamagitan ng emergency meetings na dinadaluhan ng officers at members nito.

Maging ang namamahala sa artistang inireklamo, si Arnold Vegafria na manedyer ni Baron, ay may bukas na isipan hinggil sa sitwasyon ng kanyang alagang aktor.

"Nag-sorry siya agad, para sa talent niya," pagtukoy ni Ed kay Arnold.

Agad ngang naghain ng pormal na complaint sa PAMI sina Ed at Cherry Pie noong Lunes, January 17, 2011, matapos maganap ang insidente sa set ng Noah, na pinagsamahan nina Baron at Cherry Pie.

"Ang objective din kasi ni Pie at ng PAMI, para huwag na ring mangyari sa iba," paliwanag ni Ed, citing instances in the past na napag-alaman din ng publiko, ukol sa kaso ng diumano'y pangha-harass ni Baron na hindi na lang inirereklamo.

"Yung complaint noon ni Julia Clarete, hindi na lang na-pursue," saad pa ni Ed, tungkol sa diumano'y paghipo ni Baron sa behind ng young actress.

"Ang Gabriela [isang samahang pang-kababaihan], may nabanggit din na kaso ng mga make-up artist [sa set] na ginawan niya nang hindi maganda, at umiiyak na lang. Meron ding dalawang batang artista, sabi pa, na sa isang eksena ay niyugyog niya nang niyugyog, na ikina-trauma ng mga ito.

"Lagi niyang idinadahilan na 'in character' siya sa tapings o shootings, kaya nadadala siya ng emosyon niya. Mahirap naman yata na dumating ang pagkakataon, na makasaksak siya ng ka-eksena at mapatay ito, dahil 'in character' siya habang ginagawa ang eksena, di ba?" sabi ni Ed.

GOOD ENOUGH. Kaiba ang ginawa ni Cherry Pie sa naisampa nang mga kasong acts of lasciviousness at unjust vexation laban din kay Baron. Una na ang naisampa ni Patricia Martinez (dalagang anak nina William Martinez at Yayo Aguila) sa korte, ilang taon na ang nakakaraan, at ng young actress na si Yasmien Kurdi, na kasalukuyan pang dinirinig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi nagsampa ng kaso sa korte sina Cherry Pie at manager niyang si Ed.

Sa kanila'y sapat na ang pagdulog sa PAMI at mabilis na pagpataw ng parusa sa aktor, kaugnay sa naging bigat ng pagkakasala nito.

"Baron is now caught between his court case, wherein he pleaded 'not guilty' [on harassment charges] and his public apology kay Pie [and the whole showbiz industry]. I think, hindi total yung apology na yun," sabi ni Ed.

"And it doesn't diminish the anger of people who sympathize with Pie. Ang mga relatives sa father and mother sides, galit na galit sila kay Baron!

"I told Pie, 'Don't expect too much from the apology,' given the situation, but it's good enough for his [present] state," pagtukoy rin ni Ed.

Matapos maghain ng reklamo sa PAMI at sa management ng programang Noah ng ABS-CBN-2, agad nagkaroon ng kaukulang aksiyon ang organisasyon: ang pagpapatanggal ni Baron Geisler sa teleserye at pagpataw ng PAMI ng kaukulang parusa.

Banned ang aktor na mag-trabaho within the next 90 days upang sumailalim sa rehabilitation.

Maluwag na ang kalooban nina Ed at ni Cherry Pie hinggil sa pagkatamo nila ng kaukulang hustisya.

Sa mensahe nga ni Cherry Pie sa media ay nagpahayag na siya ng pasasalamat: "I would like, first of all, to express my gratitude to PAMI for their kind concern and solid support, for what is 'fair and just.'

"While I am ready to put this behind me, I am praying for support for all the ladies with the same sad encounter. Let us all learn from what we went through with firm determination to uphold, with God's help, what's fair and just," saad ni Cherry Pie.

On a personal note, nagpahayag naman si Shirley Kuan, isa sa mga kasalukuyang PAMI officer, ng kanyang opinyon: "Mabagal ang justice system dito [sa ating bansa]... PAMI works better!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN