Erich Gonzales denies rumored romance with Enrique Gil

IMAGE 0


"Love life po? Like I always say it can wait naman po, and 'yon nga po siyempre gusto kong gamitin 'yong utak ko. Tsaka na po 'yang mga ganyang bagay. Sa ngayon po pag-aaral na muna tsaka trabaho. Kasi pag inuna mo 'yon, mga distractions, mga ganyan, baka po mawala 'yong trabaho. So, utak muna gagamitin ko," says Kapamilya actress Erich Gonzales.


It's a busy weekend for Kapamilya young actress Erich Gonzales.

Kaninang hapon ay tumulak papuntang Iloilo si Erich para sa gagawing pagtatanghal ng Sunday musical variety show ASAP XV na mapapanood bukas, January 23, sa ABS-CBN.

Pero bago dumiretso sa scheduled quick rehearsal at sa airport ay dumaan muna ang dalagang aktres sa Max's restaurant sa Quezon Avenue para sa kanyang launching bilang bagong endorser ng Careline Cosmetics.

Si Erich ang magsisilbing pangatlong celebrity endorser ng nasabing teen beauty product brand, kasunod nila Toni Gonzaga at Sarah Geronimo.

Magmula nang pumasok sa show business noong 2005, matapos manalo ito bilang Grand Questor sa reality talent search show na Star Circle National Teen Quest ay naging steady naman ang takbo ng career ni Erich.

Ilan lamang sa mga television programs na nagawa ni Erich ay ang Mga Anghel na Walang Langit (2005); Star Magic Presents: Abt Ur Love, Ur Lyf 2 (2007); Super Inggo 1.5: Ang Bagong Bangis (2007); Sana Maulit Muli (2007); Ligaw na Bulaklak (2008); Kung Fu Kids (2008); Tanging Yaman (2010) at Magkaribal (2010).

Taong 2009 nang pagbidahan ni Erich ang modern TV remake ng coming-of-age film na Katorse, na originally ay ginawa ng aktres na si Dina Bonnevie noong 1981.

Sa kasalukuyan ay napapanood siya sa teen musical variety show na Shoutout! at nakatakda din niyang pagbidahan ang Philippine remake ng hit Mexican telenovela na Maria La Del Barrio.

Nagpapasalamat ang aktres dahil patuloy pa rin siyang binibiyayaan ng proyekto considering na hindi nauubusan ng mga bago at mas batang artista taon-taon ang industriya.

"I won't say I'm a role model. I'm just happy po na nagiging inspiration ako ng mga kabataan ngayon," pahayag ni Erich, na ipinanganak sa Cebu subalit lumaki sa probinsiya ng Davao.

"Especially 'yong mga katulad ko na nanggaling din sa wala, 'yong mga probinsiyana po na nangarap. Talagang totoo po na 'yong mga pangarap natutupad talaga 'yon someday. Huwag po silang mawawalan ng pag-asa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Habang may buhay, may pag-asa. So, just keep on dreaming and someday, they will all come true."

THE SCORE WITH ENRIQUE. Usap-usapan na may namamagitang magandang pagtitinginan between Erich at ang kanyang Shoutout! co-host na si Enrique Gil.

Maging dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ay may lumabas na item sa PEP Alerts: "Is it true? There's a brewing romance between Erich Gonzales and Enrique Gil? According to a source, 'Nagka-developan sila sa Shoutout!'"

Kanina ay itinanggi ni Erich ang kumakalat na balita at sinabing walang namamagitan sa kanila ng mestisong aktor at fellow Star Magic talent.

"Gusto ko lang linawin, it's not true po na sinasabing kami. Close lang po kami because of Shoutout! At hindi lang naman po ako sa kanya close," mabilis na pahayag niya.

"Lahat po sa show naging kaibigan ko na, 'yong ibang bagets dun ganyan, and lumalabas po kami 'pag nagkakayayaan after the show, like kasama 'yong ibang stylists, 'yong staff po ng show.

"So, masaya po kaming nagtatrabaho dun and may mga na-built pong friendships—masaya ang buhay."

THE NEXT KIMERALD? Ganun din daw ang sitwasyon ng relasyon ni Erich sa kanyang love-team partner at Maria La Del Barrio leading man na si Enchong Dee.

Nagsimula ang kanilang tambalan sa Katorse at nasundan ito sa Tanging Yaman. Napanood din ang dalawa sa 2009 Cinema One Original produced film project na pinamagatang Paano Ko Sasabihin?

"Kami po ni Enchong until now, magkaibigan po kami at marami pa po kaming pagsasamahan na projects. Masaya po kaming magkaibigan at nagtatrabaho," sabi ni Erich.

Paano ba niya ilalarawan ang closeness nila bilang magkaibigan?

"Wala kaming secret sa isa't-isa at kung may problema, sasabihin... I can say na si Enchong po close talaga sa akin and I can be myself around him."

Nadulas naman si Erich nang sabihin nito na sa kasalukuyan ay may inspirasyon si Enchong at tila malabo na mauwi sa totohanan ang kanilang onscreen partnership.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi alam ko si Enchong super happy siya ngayon," ngiti ni Erich. "Merong nagpapasaya sa kanya, so masaya ako for him."

Ngunit nang aming usisain ay mabilis naman na umiwas ang aktres at natatawang sinabing, "Uy, wala akong sinabi!"

Aware si Erich na isa ang tambalan nila ni Enchong sa napipisil ng ABS-CBN management na maaaring ipalit sa nabuwag na Kim Chiu at Gerald Anderson loveteam.

Ayaw naman niyang isipin ang malaking pressure at pinapaubaya na lang daw niya sa kanilang mga boss kung anumang plano meron ang mga ito para sa kanila ni Enchong.

"Alam naman po nila 'yong ginagawa nila at ang bawat star ng ABS-CBN inaalagaan po talaga nila. Sila naman po 'yong nagde-decide kung ano pong mas makakabuti so we just leave it to them," katwiran ng magandang aktres.

"Happy po kami ni Enchong dahil pinagkakatiwalaan po nila kami at inaalagaan kahit nung nagsimula kami hanggang ngayon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN