Jobelle Salvador happy with comeback role in Alakdana; says she's grateful to Robin Padilla for being there when she was down and out

IMAGE 0


"I really, really love my role! Bale my role is si Zoila; I'm the reason why there's Alakdana, kasi ako ang may possession nung... ginintuang scorpion o alakdan," says Jobelle Salvador on her role in the new teleserye on GMA-7.


Ikalawang comeback vehicle na ni Jobelle Salvador ang Alakdana sa GMA-7 kaya naman...

"I really, really love my role! Bale my role is si Zoila; I'm the reason why there's Alakdana, kasi ako ang may possession nung ano, ng ginintuang scorpion o alakdan," unang pahayag ni Jobelle.

At sa pagiging aktibo nga muli ni Jobelle, hindi maiiwasang maungkat ang namagitang relasyon nila noon ni Robin Padilla.

"Ako, ang masasabi ko lang, nagpapasalamat ako kay Robin kasi there was a time na down na down ako at sinalo naman niya ako," saad ni Jobelle.

Pagpapatuloy pa ng aktres sa taped na panayam sa kanya ng StarTalk TX noong Sabado, January 22...

"Yun na lang, nirerespeto ko yung ginawa niya, to save me and my family and my name, sa ginawa niya. So, sana dun sa mga hindi naiintindihan yun, sorry na lang po medyo bata pa ako noon, I didn't know what to do."

Ang tinututukoy ni Jobelle ay ang pag-ako raw ni Robin sa kanyang anak by a previous boyfriend who was later identified as Erik Espina of PTV 4.

"The guy was my ex na medyo bumalik and nakabuo but he denied [it]. You know, masakit, kaya ayoko nang balikan but I'm just thankful, you know, na ayun, may isang Robin Padilla nga na ayun, hindi naman ako pinabayaan during that time."

Kinumpirma din ito ng isang nagpadala ng kopya ng desisyon mula sa Makati City Regional Trial Court ukol sa child custody case filed by Espina.

Inilathala ito ni Ricky Lo sa kanyang Funfare column sa Philippine Star noong May 14, 2002.

November 17, 1999 pa noong ipinagkaloob kay Espina ang kustodiya ng napatunayang anak nila ni Jobelle named Jeremiah Joseph.

Kumusta na ngayon ang bata na isinunod sa apelyido ni Jobelle?

"Actually he's 21 years old na, binatang-binata na and he's living in the States with my mom and my brothers."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alam raw ng anak niya ang buong katotohanan tungkol dito.

"Ay, everything, wala akong itinago sa kanya, walang-wala!" ani Jobelle.

Ang reaksyon ng anak niya?

"Natawa lang, siyempre nandun pa rin naman yung respeto din naman niya sa tao. Alam niya yung istorya, yung buung-buong istorya, hindi lang yung kay Robin, pati dun sa ano niya, so nirerespeto niya lahat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN