Kris Bernal compares past and present leading men; says Jolo Revilla sends her text messages

IMAGE 0


Kris Bernal compares her old and new ka-loveteam. "Siyempre mas close ako kay Aljur [Abrenica] pa din kasi three years naman kaming magkasama... Pero si Rocco [Nacino] madali akong naging kumportable sa kanya," she says.


Maski may Rocco Nacino na siyang leading man sa Koreana drama series ng GMA-7, nami-miss pa rin ni Kris Bernal si Aljur Abrenica.

Ayon sa taped interview ng StarTalk TX na ipinalabas kahapon, January 22, Sabado, umamin si Kris na naikukumpara niya ang current at former ka-loveteam niyang sina Rocco At Aljur.

"Oo naman," sabay tawa ni Kris. "Siyempre mas close ako kay Aljur pa din kasi three years naman kaming magkasama.

"Pero si Rocco madali akong naging kumportable sa kanya."

In a separate interview, sinabi ni Aljur na si Kris ang pinakanami-miss nito sa lahat ng mga nakapareha ng hunky young male star.

At ang reaksyon ni Kris dito?

"Wow, nami-miss pala niya ako," sabay tawa ng dalaga. "Siyempre nami-miss ko rin po si Aljur, iba rin po talaga e, iba yung pinagsamahan namin."

At siyempre pa, happy si Kris sa bagong achievement ni Aljur sa showbiz career ng binata—ang pagiging bida sa Machete na pinakabagong serye ng Kapuso network.

"Masaya ako para sa kanya dahil sa Machete," aniya.

"Finally! Naku ang tagal niya kasing hinintay itong Machete at tsaka ang seksi-seksi ni Aljur ngayon, talagang leading man na leading man na siya talaga ngayon."

Inamin rin ni Kris na naging wish rin niya na siya sana ang leading lady ni Aljur sa Machete. Tulad ng alam ng lahat, sina Ryza Cenon at Bela Padilla ang pinalad na maging kasama ni Aljur sa naturang programa.

"Oo naman, winish ko rin naman po siya, e. Siyempre alam mo naman, pag may project gustung-gusto ko talaga na... yung ginagawa ko.

"Siyempre winish ko rin na parang sana ako na lang yung partner niya," sabi ni Kris.

"Pero siguro mas binibigyan pa kami ng pagkakataon ng GMA na makapag-explore pa ng ibang loveteams."

Ang latest, napapabalita namang type si Kris ni Jolo Revilla...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Jolo? Mabait siya! Opo mabait siya at tsaka gentleman siya. Nakita ko sa kanya yun unang meet pa lang namin," aniya.

"At kahit sandali lang yun, nakita ko sa kanya na mabait siya."

Nagte-text-an na ba sila ni Jolo?

"Nagte-text siya sa akin, nagte-text siya sa akin and ayun, sweet! Mabait siya."

Pero hindi raw nanliligaw sa kanya si Jolo.

"Hindi, hindi siya nanliligaw at tsaka wala naman siyang ipinapahiwatig na iba. Pero parang alam mo yun, parang ang sarap lang magkaroon ng isang kaibigan."

Pumunta na ba si Jolo sa bahay nila?

"Hindi pa."

Kahit raw sa set ng taping niya for Koreana ay never ding dumalaw si Jolo.

"Hindi pa din."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN