Donna Cruz on being a mother and housewife: "Ito talaga yung life na pinapangarap ko."

IMAGE 0


Donna Cruz describes her mothering style: "Parang kabarkada, e. Pero sa pagiging disciplinarian naman, si Yong (Larrazabal, her husband) yun. Ako yung tipong mas mabilis maawa. Pero alam nila pag galit na ako, tahimik na sila," she says.


Taong 1998 nang ikasal ang dating singer at young star na si Donna Cruz sa Cebuanong si Dr. Yong Larrazabal na isang ophthalmologist. At halos 13 years na ring naninirahan sa Cebu ang magandang singer-aktres.

Pinasyalan ng isa sa mga StarTalk TX host na si Ricky Lo ang magarang bahay ng mag-asawa sa Cebu na nakatayo sa diumano ay isang mataas o matarik na lupain na pinapatag ni Yong.

May kabuuang sukat na 2,700 square meters ang lupang kinatitirikan ng kanilang bahay at ang floor area nito ay umaabot ng 1,500 square meters.

Kapitbahay nina Donna at Yong si Mrs. Amparito Lhuillier, ina ng sikat na international Filipina fashion designer na si Monique Lhuillier.

Sa pagbisita ni Ricky sa mag-asawang Larrazabal sa Cebu, kinumusta muna nito ang pamumuhay ngayon ni Donna bilang isang ina at maybahay.

"Okay naman po, masaya, simple, pero ito talaga yung life na pinapangarap ko," masayang pahayag ni Donna sa one-on-one interview sa kanya ni Ricky Lo, aired on Saturday, January 22.

Sa darating na September 19 ay 13th wedding anniversary na ng mag-asawang Donna at Yong. Biniyayaan ang kanilang pagsasama ng tatlong anak na sina Belle na ngayon ay 11 years old na; si Cian who is 8 years old; at si Iñigo na ngayon ay 3 years old na.

Sumunod namang tinanong ni Ricky si Donna kung paano ba ito maging isang ina —kung liberal ba ito o disciplinarian, o para lamang isang barkada ng kanyang mga anak?

"Parang kabarkada, e. Pero sa pagiging disciplinarian naman, si Yong yun. Ako yung tipong mas mabilis maawa. Pero alam nila pag galit na ako, tahimik na sila," aniya.

Tahimik man ang buhay ni Donna sa Cebu ay hindi pa rin siya nakakaiwas sa intriga. Minsan ay napabalitang binubugbog diumano siya ng kanyang asawang si Yong.

"Yung binubugbog daw ako? Grabe," natatawang pagtanggi ng dating aktres sa intriga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala naman sa itsura ni Donna na sinasaktan ito ng kanyang mister.

"Talaga naman, sobrang ano," at muling tumawa ito.

Nakarating rin daw kay Donna ang naturang intriga.

"Sabi nila... may nagsabi sa akin na dito raw nanggaling. Ewan ko, na parang dito raw sa Cebu nanggaling [ang isyu].

"Siyempre... yung mga away naman namin, normal lang, kasi ako, ang feeling ko pag hindi rin kayo nagtatampuhan, parang boring naman yun, di ba?" aniya.

"Parang hindi normal yung hindi kayo mag-aaway kahit minsan.

"Hindi naman away na pangit, e. Basta hindi matatapos ang araw na hindi kayo nagkakaayos."

Tinanong naman ni Ricky si Yong kung ano sekreto ng matibay na relasyon nila ni Donna.

Ayon kay Yong, "We respect each other. I try not to control her. Let her be, if she wants to be happy. If you love yourself kasi, you will love your partner as well.

"And of course you have to respect each other. [If] you lose respect, you lose everything else. And trust."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN